gwapo…

 

nganga!
asaan na si daddy?

kadalasan, gusto nating mga tao ang napupuri di lamang sa mga ginagawa nating magaganda kundi pati sa ating pisikal na katangian. at kung minsan ang katotohanan ay di naaayon sa sitwasyon kung ang sasabihan mo nito ay masasaktan…

sira-ulo kasi ang asawa ko.. sinabi ko lang naman na ang kagwapuhan ng mga anak namin ay sa akin nagmana.. at ng tinanong ko na “‘Di ba gwapo naman ako?”, sagutin ba naman ako ng.. “HINDI AKO ANG NANAY MO!”.

well, excuse me.. depensa sa nanay ko, hindi ko na kailangang tanungin siya kung gwapo ako o hinde.. kusa niyang sinasabi ito dahil mahal niya ako at dahil alam niya na kapag sinabihan niya ako ng pangit ay may posibilidad na magpakamatay ako at di niya makuha ang insurance ko na  hinuhulugan niya mula pa ng natuli ako… hindi kasi covered ang suicide eh..

ano ba naman yung magsinungaling siya na gwapo ako.. may mawawala ba sa kanya? hindi naman susunugin ang kaluluwa niya sa impyerno kapag sinabi niya yun.. hindi rin naman mapuputol ang dila niya at tuluyang di makapag salita kapag sinambit niya na gwapo ako.. ang labo naman..

kaya tuloy minsan naisip ko kung ano ba nagustuhan sa akin ng asawa ko.. hindi naman ako mayaman.. wala naman akong sasakyan.. ubod ako ng tamad.. natatawa ako sa sarili kong jokes.. so isa lang naman ang pwede niyang magustuhan sa akin.. ang aking kakisigan at kagandandahang lalake… sige na pagbigyan nyo na ako..

pero alam ninyo.. kahit hindi na ako sabihang gwapo.. basta marinig ko sa bibig ng ibang tao na ang gugwapo ng mga bata.. napaka swerte ng ama nila.. sana naitanong ko sa nurse kung sino sila bago ko pinapalit yung pangalan nila sa nursery nung pinanganak sila..

4 thoughts on “gwapo…

  1. kaya maganda ang isang tao ay dahil pinaghalo ang dugo ng magasawa. hindi pwedeng angkinin lang ng isang tao ang kagandahan ng kanilang mga anak. ang chocolate pag hindi mo hinaluan ng gatas, ito ay ubod ng pait at walang makakaappreciate nito.

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s