simpleng laro…

Sa lugar namin, paglabas mo ng train station, may parang shopping mall… hindi ko alam kung anong hangin ang umihip at dinala ako sa lugar na kung saan napakaraming anime na laruan.. at para akong betamax player na nagsimulang umandar ang pelikula ng nakaraan..

“Time space warp.. ngayon din!”

Iilan lang ang laruan noong bata ako at hindi pa gaanong uso ang mga video games, ang libangan naming magkakaibigan ay ang maglaro sa labas.. mapa pisikal na laro o may mga props kaming gamit, masaya at ubod ng aliw.. yun nga lang pag uwi ko ay pinapagalitan ako ng nanay ko dahil amoy araw ako.. gusto ko sanang humirit kung paano niya nalaman ang amoy ng araw kaso baka mahataw ako ng kawali namin kaya tahimik lang ako..

Naalala ko na kapag naglalaro kami ng taguan, at kapag may gusto kaming mataya, ibubulong namin ang lokasyon nito dun sa taya.. at pag kunwari na “BALAONGGA” ka, sisigaw ka ng “AYAWAN NA! AYAWAN NA!”

Sa larong patintero naman, ang style dahil mga batang lalaki kami, naghuhubad kami ng pang-itaas namin, kasi pati pala ang damit ay kasama sa tayaan.. kaya pag nahawakan ang ano mang bahagi ng damit mo, taya na kayo.. at siguradong magagalit ang mga kakampi mo dahil taya kayo..

Sa larong habulan-ligtasan, kapag halos lahat na ay nasa base ng kalaban, maghahawak-hawak ng kamay tapos gagawa ng linya para maabot ng kakampi na hindi pa nahuhuli.. at minsan kahit hindi pa nasasagip o nahahawakan yung pinaka dulo ng linya, magpupulasan ang lahat na parang nakawalang ewan.. “BLACK ONE TWO THREE” ang sinisigaw kapag manghuhuli.

Uso din ang football na kung saan bibili ka ng plastic na bola tapos may 4 na base. Ang object ng laro ay sipain ang bola, at tatakbo sa 4 na base. hindi dapat ito masasalo dahil kapag nasalo ito, kayo naman ang taya.. o maibato sa iyo ang bola kapag wala ka sa base, kung hindi, out ka na.. para siyang baseball pero gamit ang paa.. ang style dito kailangan ang tsinelas mo ay laging makapal para pag sipa mo dun sa bola, tuturit siya sa malayo.. ilang tsinelas din ang nasira ko dahil laging napupudpod sa larong ito..

Uso din ang jolens, yung i-sho-shoot mo yung holen sa butas gamit lang ang dangkal ng kamay o kaya naman ay titirahin mo yung holen ng kalaban sa pamamagitan ng pagpitik ng holen.. dito nauso ang “BONYATAN”..

Naglalaro din kami ng sumpit, tapos ang bala yung munggo… dito mo malalamn kung gaano karaming laway ang pwede mong ipunin sa loob ng sumpit.. pagandahan din ng sumpit noon.. nilalagyan ng iba’t ibang design tulad ng kahon ng posporo at goma ng intsik.

Panalo ang teks noon, di mo na kailangang manood sa sinehan ng mga tagalog movies dahil mababasa mo ito sa teks.. gamit mo ang pamato mo na luma dahil swerte ito tapos may panggulo.. pipitikin mo ito sa ere at kung ang pamato mo o pamato ng kalaban ang lumabas.. sa kanya ang teks na nakalapag sa lupa.. jan uso yung bilangang.. I-SA, – DALA-WA, TAT-LO, ‘TSA…

Yung alog tansan… t’ya at t’yub lang ang pinaglalabanan… eto rin kasi yung preparation mo para mag alog ng watusi.. Uso din yung parang sugal.. yung sticker ng cassette saka yung kaha ng sigarilyo.. may kanya kanyang denominations yun.. yung sa kaha ng sigarilyo ang natatandaan ko ay yung camel.. parang 50 points ata ang halaga niya.. yung sa sticker naman ng cassette, yung gitnang naiiwan.. pinaglalabanan din namin yun..
Marunong din akong mag piko at masasabi kong mahusay ako sa piko dahil ilang bahay ang kaya kong sunugin…

Haaayyyy.. ang saya namang isipin.. napahinto ako ng makita ko yung mga laruan na naka display.. at inisip ko na siguro kung uso ito ng panahon ko, hindi ko maeenjoy ang mga simpleng laro na kinalakihan ko.. napasinghal ako at umuwi ng bahay.. nakakamiss din pala.. pero ayaw ko ng mag amoy araw..

7 thoughts on “simpleng laro…

  1. wow! galing galing talaga ni popojeng! till now eh alam pa ang mga rules ng mga larong kanyang sinasalihan. Bakit di mo ikuwento yung nagsuswimming ka sa bahay kahit maraming nakalutang na mga pooh pooh? Yung mga tinapong sigarilyo na pinupulot niyo? he he he

  2. kuya kulang ng shato, hindi ko sure kung shato rin ang twag sa inyo kasi kalimitan iba-iba ung tawag sa bawat probinsya, pero sa’min Shato tawag. un ung may hukay sa lupa tapos may kahoy na medyo maliit tapos kahoy na medyo mas mahaba. Ang hirap iexplain pero lagi ako talo doon ahahaha. At don’t forget the bahay-bahayan at habulang gahasa bwahihihi

    1. ahh oo.. nilalaro ko din dati yung shato.. pero yung kalsada kasi namin di pwedeng maglaro nun.. pero nilalaro ko yun kapag nagdadamo kami.. este nasa damuhan kami… alam ko yang larong yan..

  3. di ako masyadong mahilig sa mga ganyang laro non…manika manikaan lang..pang bakla talaga,ahahaha!

    pero pag summer at nasa bulacan kami ng kapatid ko eh naalala ko na naglalaro kami ng patentero at sikyo! kakamiss

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s