bakit at paano…

Mahilig tayong mga pinoy na magtanong.. mga tanong na sa totoo lang ay alam na natin ang sagot pero pilit na itinatanong para yung konsepto ng sagot mo ay lumabas sa bibig ng ibang tao…

Lagi kong naririnig ang tanong na bakit.. “Bakit ako iniwan ng gf/bf ko?”, “Bakit ayaw niya sa akin?”, “Bakit sa dinami-dami ng tao, ako pa ang napag-initan?” “Bakit ang daming politikong corrupt?”, “Bakit galit sa akin ang mga tao?” at kung ano-ano pa.. pero alam ninyo, hindi na kailangang tanungin yan dahil alam na ng nagtatanong ang sagot… ayaw lang nila kasi ng kasagutan na iyon kaya naghahanap sila ng ibang sagot para hindi naman gaanong mabigat sa loob nila..

Pero hindi ba mas maganda kung ang tanong ay paano… “Paano ako makakaahon pagkatapos akong iwan ng gf/bf ko?”, “Paano ba ang gagawin ko para magustuhan niya akong muli?”, “Paano ako hindi mapag-iinitan sa trabaho?”, “Paano kaya tayo makakatulong para maiwasan ang kurapsyon?”, “Paano ako magugustuhan ng tao?”…

Pinahihirapan pa natin ang ating mga sarili, eh simple lang naman ang mga kasagutan… yung iba pa nga eh dinadaan pa sa inom ang mga katanungan… baka daw kasi makatulong ang spirito ng alak sa kanilang desisyon.. Malabo ‘di ba?

Tinigilan ko na ang magtanong ng bakit… at sinisimulan ko ng magtanong kung paano… nakikita ko kasi na madaling gawin at magaan sa kalooban ang paraan ng paano kumpara sa sagot ng bakit… bakit kamo? dapat ang itinatanong mo ay paano kamo…

4 thoughts on “bakit at paano…

  1. Hanep talaga Popojeng, mukhang tama ako duon ah? Sabagay, tama ka naman eh, umaarte lang siguro si tuchangga kaya panay ang bakit nito. Hay buhe, paano nga ba ako makakaahon sa mga katanungang BAKEEEEET???Dahil nabigyan mo na ng kasagutan ang aking katanungan, pwes ang aking pangalawang tanong eh PAANO BA???? He he he, thank you Popojeng ha, sana pangatawan mo yang mga pinagsasasabi mo hane?

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s