menggay..

 

at naging ganyan ako kaliit..

magpapakadefensive muna ako sandali para ipaliwanag sa inyo na mahina ako magmemorya ng date.. ibig sabihin.. hindi ako matandain kung kailan ang birthday ng isang tao.. kahit mga mahal ko sa buhay ay nakakalimutan ko ang birthday.. ganun ako.. kaya wag ka na..

pero ngayong araw na ito ay napaka espesyal.. dahil kaarawan kasi ng pinakamamahal kong “mommy”.. hayaan ninyong bigyan ko kayo ng kaunting history ng nanay ko…

isang babae na nanggaling sa sinapupunan ng nanay niya at iniluwal noong Disyembre tres, isang libo, siyamnaraan at apatnapu’t lima.. panganay sa.. hmmm.. magkakapatid…

nakapagtapos bilang tagabilang (accountant) sa unibersidad sa malayong silangan… nakapag-asawa, nagkaanak, naghiwalay, nag-asawang muli, nagkaanak, nagnegosyo, nagkapera, nagkakotse, nagka-ari-arian, nakapag patapos ng anak, nagka-apo, at nagpaka-jologs…

 

at ang itim ko na...

si leticia.. tawag ng medyo pormal na mga kaibigan… letty sa mga malapit na kaibigan.. tuchangga sa kanyang sarili… mommy sa mga anak.. mommy-la sa mga apo.. aling letty sa mga kapit bahay at mangungutang.. let sa mga tinatamad.. sweetheart sa minamahal.. menggay sa bunsong anak.. pakialamera sa mga pinakikialaman.. walang pakisama sa mga kapitbahay na walanghiya.. and so on and so forth…

marahil siya lang ang matiyagang nagbabasa ng aking blog dahil yun ang nilagay kong default homepage sa kanyang browser…

mapagmahal na magulang at pasensyosang asawa…

maraming hindi nakakaalam pero may special kaming relasyon ng nanay ko… dahil kung hindi dahil sa kanya.. wala ako dito.. hindi sa pisikal na paraan.. kundi kung paano ko titignan ang mundo…

masakit magsalita ang nanay ko kapag pinagagalitan ako.. pero alam kong maganda ang nais niyang iparating.. ganyan siya magsalita.. pero hindi porket ganyan siyang magsalita ay ganyan na rin siya sa totoong buhay… siya ay maalaga at mapagbigay.. hindi mo pa hinihingi.. ibinibigay na niya sa iyo… lahat ng sarap ko sa buhay ay binigay niyang lahat at nagpapasalamat ako.. ng sobra.. sobra…

masyadong keso kung mag-iiyakan pa tayo.. pero habang sinusulat ko ito.. lumuluha ako.. hindi dahil nalulungkot ako… hindi dahil nababaliw na ako.. kundi lumuluha ako kasi abot hanggang langit ang pasasalamat ko dahil binigyan ako ng nanay na katulad niya..

Mommy,

 

beauty and the beast..

alam kong matigas ang ulo ko.. pero sa iyo lang naman ako nagmana… at sa iyong ika-animnaput limang kaarawan.. hayaan mong sabihin ko sa iyo na mahal na mahal kita… wag ka muna sana kunin ni Lord.. hindi magiging kumpleto ang mundo ko kapag wala ng titira sa akin… at magcocomment sa blog ko..

I love you Mommy… eto lang ang kaya kong ibigay sa ngayon.. maraming salamat sa lahat ng ginagawa mo at gagawin mo pa… hindi ko hinangad na magkaroon pa ng ibang ina… ok.. tama na.. sobrang keso na…

HAPPY BIRTHDAY!!

ok isa pang keso moment.. kung sinasabi ng magulang na ang anak ang pinakamagandang regalo na binigay sa kanila.. para sa akin.. bilang anak.. pinakamagandang regalo sa akin ay bang ibinigay ako sa iyo…

syet may uhog na ako.. tama na nga…

15 thoughts on “menggay..

  1. Maraming salamat Engpot at sinulatan mo ako, ito ang gusto kong regalo ang ako ay sulatan. Sa pagsulat niyo kasi, diyan ko nararamdaman ang inyong saloobin sa akin, na kung anong klaseng ina ako. Ang alam ko mas marurunong kayo kaysa sa akin, pero ang masasabi ko naman at maipagmamalaki ay mas experienced naman ako kaysa sa inyo. Lahat ng aking ginagawa, sinasabi, iniintindi, pinakikialaman ay yung mga mahal ko lang sa buhay. Kapag ako ay tahimik, alang kibo, di nagsasalita, hindi makulit, asahan mong wala na akong pagmamahal, pakialam, concern, etc etc etc. Ang pagiging ina ay hindi natatapos hangga’t hindi nagpapantay ang aming dalawang paa, yan ay pakatandaan mo. Di baleng punahin ko ng punahin ang mga kamalian niyo, basta pag harap niyo sa ibang tao, pinupuri naman kayo. Wala akong hinangad kundi ang inyong kabutihan, kasaganaan, kaluwagan, kaligayahan at ng lahat ng magagandang iniisip ng isang inang nagmamahal sa kanyang mga anak. Okey lang sa akin, na ako ay inyong kainisan, kayamutan, talikuran, wag mahalin, kasuklaman, basta ako narito anytime na kumambyo kayo na parito sa aking poder, bukas ang aking dalawang braso to embrace you. Ang sabi ko nga, ang lahat ng hindi ko natikman sa buhay ay gusto kong ipatikim sa inyo at ang lahat ng aking mga dinanas na kahirapan, ay pilit kong huwag niyong maramdaman ang mga ito. Ang pinakamaligaya kong sandali ay ang makita ang aking mga anak na nasa mabuting kalagayan. Sana, ang lahat ng pinakita at pinadama ko sa inyong magkapatid ay gawin din ninyo sa inyong mga anak ng doble pa sa pinalasap ko sa inyo!!!

  2. waaah… dama ko ang emosyon mo habang tinatype ito. marami akong mga ganitong paskil para sa erpat ko sa datkom ko eh. sa birthday ni ermat next yr gagawan ko rin siguro sya nito.😄

    sana super close din kami ni ermat, gaya nyo ng ermat mo.

  3. Sa mga kabigan ni Engpot, Salamat ng marami at nagustuhan ninyo ang aking sagot kay Pot2. The mere fact na nagugustuhan ninyo at medyo emotional pa kayo, sa aking pakiramdam ay medyo nakakalimutan ninyo ang inyong parents, Gawin ninyong pangalawa sa priority niyo sila at ang una ay ang ating Amang Panginoon! Sa ganyang pamamaraan, you will not go wrong kahit ano pa ang mga balakid na inyong tinatahak. Again, Thank you sa inyong lahat! Happy Holidays!

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s