new year list…

ang dami kong gustong gawin, ang daming ideya na pumapasok sa isip ko pero hindi ko alam kung paano ko sisimulan at kung paano ko gagawin… pinipilit ko na naman ang sarili ko na mag time managament churva kaya lang parang ginagago ko lang sarili ko… So para mapadali ang buhay ko.. gumawa ako ng listahan na madali at pwedeng pwede kong gawin sa bahay ng hindi masyadong masira ang buhay ko at ang buhay online ko..

 

Sa totoong buhay…

1. Maghugas ng maruruming pinggan – kadalasan ay nananaig ang katamaran kaya mahilig akong magtambak sa lababo ng mga gamit pagkatapos magluto o kumain. Kailangan ko tong gawing habit.

2. Magbasa – tumatanda ako at pakiramdam ko nagiging bobo ako.. hindi masama ang magbasa ng kahit 30 minutes sa isang araw para gumana ang utak.. wag lang bastos na babasahin, baka hindi lang utak ang gumana…

3. Magtapon ng kalat – kada umuuwi ko, lagi akong may bitbit na kapirasong papel o tissue o kaya naman mga resibo. Nakakaligtaan kong itapon ito at tumatambak siya sa kwarto.

4. Mag-organize ng files – juice ko po! ilang milyong beses ko na bang sinabi ito sa sarili ko.. pero siguro kung 10 minutes a day, hindi na masama di ba.. para naman hindi sabog-sabog ang mga files ko sa computer.

5. Magtiklop ng damit – guilty ako dito.. nakakatamad kasi na tiklopin ang mga nalabhang damit.. pramis gagawin ko na ito.

 

Sa buhay online…

1. Magbasa ng blog ng ibang tao – hindi na ako ganoon ka updated sa mga kaibigan ko sa internet, sa katunayan nga nakalimutan ko na rin kung paano makisalamuha sa kanila, saka gusto kong dumami friends ko sa cyberspace, bakit kanyo? kaunti lang friends ko sa totoong buhay *insert nakakaiyak na music here*

2. I-update ang ibang mga sites ko – dahil sa facebook, nakalimutan ko na ang ibang accounts ko tulad ng multiply, flickr, friendster (uyy buhay pa pala ito!) at kung ano-ano pa… pramis.. mag-lologin ako uli sa kanila..

3. Magbura ng mga emails – meron akong 900++ sa yahoo ko at 400++ sa gmail ko.. hindi naman sila personal emails.. mga notifications lang kasi yung iba…

4. Maging active sa mga social networking/media sites – dahil gusto kong sumikat. PERIOD.

5. Kumuha ng isang internet course – meron kayang “of course” at “intercourse” na makikita sa internet?

Inuulit ko, hindi ito new year’s resolution, matagal ko na dapat ginagawa ito pero lagi kong kinukundisyon ang sarili ko na lagi akong busy, so starting today, hindi na ako magpapakabusy… peks man.. mamatay man si batman..

2 thoughts on “new year list…

  1. Lahat ng maganda ay mahirap gawin, tulad ng mag makeup ng mukha. It takes patience and practice bago mo maachieved ang ganda ng mukhang gusto mo. Hindi ito overnight lang! At least engpot, alam mo ang iyong mga gusto at ayaw, pasasaan ba at matatamo mo rin yan. One step is a BIG step. Marami kasi ang gusto mo eh, isa lang ang piliin mo at ito ay pagtuunan mo ng pansin. Kahit nga sa relasiyon, pag marami kang asawa, taob lahat ng iyong kamada, mahirap mamangka sa maraming ilog, sakripisyo ang magpakain ng marami, lahat lahat kayo ay walang kinabukasang matatamo!

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s