flea market…

kahapon ng umaga, nagpunta kami sa flea market sa may yoyogi park.. ito daw ang pinakamalaking flea market sa japan na kung saan ibinebenta ng mga may-ari ang gamit nila na hindi na pinakikinabangan para kumita ng kaunting salapi.. at hindi ka naman mapapahiya dahil karamihan sa mga ibinebenta ay dekalidad pa rin kahit second hand na..

marami rin akong napatunayan sa pagdalo sa flea market tulad nung sa pinas ako namimili, madami akong napupuna na nakakatuwa pag gumala sa mga garage sale…

1. sobrang mura ng mga binebenta – dito ka lang makakakita ng mga signature na mga damit, bag at electronics na mabibili mo sa halagang 50 pesos (syempre ni convert ko na.. ayoko ng mag punta pa kayo sa online currency exchange para lang malaman ninyo ang exchange rate ng yen sa peso).

2. halos lahat ng tindera ay ubod ng ganda – sa totoo lang.. inakala nila akong bading dahil karamihan sa magagandang dilag na nagbebenta ay damit pambabae ang nilalako.. so kunwari humahalukay ako sa paninda nila pero sa kanila ako nakatingin…

3. ang mga hapon ay parang mga pinoy – kapag may bagong dating na maglalabas ng paninda.. hindi pa ito nailalabas sa bag ay kinukuha na agad at nambabalya pa sila para makauna…

4. ang ibang paninda ay halos bago pa – parang yung mga sapatos na nakita ko, hindi pa nasuot.. at may tag pa…

5. mga kakaibang paraan sa pagsiyasat ng kagamitan – kung tayong mga pinoy ay sinusukat ang mga damit at sapatos.. may mga nakita ako na ang paraan niya ng pag tingin ay hindi sa size, kulay o kalumaan, kundi kung may amoy ba ito o hinde.. kasi nung tumitingin ako ng sapatos.. sinusukat ko sa paa ko.. yung katabi kong manong, inaamoy niya yung sapatos… bongga..

6. pwede kang tumawad – nalaman ko rin na ubod ng kuripot tipid ang mga hapon.. kung makatawad ay parang wala ng bukas.. halos kalahati na ng retail price..

7. walang kumakain sa mga turo-turo – may mga hotdog stand, takoyaki, okinomiyaki.. pero wala akong nakitang bumibili sa kanila.. kasi ang mahal ng tinda nila.. at pumwesto sila na kung saan ang potential customers nila ay kuripot nagtitipid…

masaya ang experience ko sa pagpunta sa flea market.. at kahit wala akong nabili.. nabusog naman ako.. ang dami kasing chicks. sulit ang araw ko.. NAPAKA sulit…

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s