karehan…

kahapon, umuwi ako ng bandang 7 ng gabi dahil may tinatapos akong pakulot sa kili-kili at blackheads removal sa ngala-ngala ng makasabay ko ang dalawa sa drinking buddies kong si leonel at romer.. kasama din nila ang kanilang bugaw bossing na si kokubo-san, bakit kokubo? sa malamang hapon ito at yan talaga ang pangalan niya.. and for the nth time.. nasa japan na uli ako…

eniwey highway… kasabay ko sila hanggang tren, malay ko bang kakain sila sa labas at sa madaling sabi, nalibre ako ng hapunan kagabi.. nagpunta kami ng akihabara, isang sikat na lugar dito sa japan na kung saan makakabili ka ng iba’t ibang sex toys at DVD porn anime…

kumain kami sa isang maliit na karehan (Curry House) sa may gilid malapit sa istasyon ng bus sa may kabilang kalsada na may 3 traffic light na hindi gumagana sa tapat ng mga duty free shops at likod ng karaoke bar na may naghuhubad na unano…

sa totoo lang, nakatikim na ako ng curry ng japanese, at sa totoo lang, masarap siya.. yun nga lang kung araw-araw akong kakain ng curry.. sa malamang mag aamoy curry na rin ako kaya as much as possible, once a month or twice every 3 months kung kumain ako nito.. pero dun sa kinainan namin.. napakasarap ng curry nila.. at napakarami! meron din silang ino-offer na giant size curry na kung saan pwedeng mag share ang 3 hanggang 5 katao sa sobrang laki niya… oo, alam kong hiihngi kayo ng picture.. next time na lang.. hindi ako nakapagdala ng camera eh… sorry na. pwede?

3 ang ang napatunayan ko noong mga panahon na yun…

1. May mababait na hapon na handa kang ilibre pag dating sa kainan/inuman.
2. Kahit sabihin mong babaho ka sa curry, napakasarap nito.
3. Nung nakakita kami ng babae.. kaming may mga asawa ang unang nakapuna at nakapag react sa kinis ng legs nito.. bakit kamo? dahil ang sagwa namang tignan na ang dalawang lalakeng mukhang rapist ay pupuna ng gwapong lalake.. di ba?

One thought on “karehan…

  1. Sa haba ng wento po, ang masasabi ko ay:
    1. Masarap talaga ang kumain ng libre
    2. Lahat ng mabaho tulad ng tuo, daeng o bagoong ay talaga namang napakasarap
    3. Lahat ng tao ay may kabaitan, buksan mo lang ang iyong kaisipan at intindihing ang kultura ng mga hapon, sigurado akong makikita at makikita mo ang kanilang kabaitan
    4. Ang katauhan ng isang tao, dalawa ang genes na taglay nila, yan ay ang feminine at ang male. Kung nakararami ang male genes kaysa sa femine ikaw ay lalake at vice versa.

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s