propesyon…

Kadalasan, naiisip ko kung tama ba ang propesyon na pinag-aralan ko… Umasa lang naman ako sa Guidance Councilor namin sa aming paaralan kaya ako nag pursiging kunin ang kursong Engineering, pero kung iisipin ko kung praktikal nga ba o naayon ba na kinuha ko ang kursong ito, hindi ko alam. Hanggang ngayon ay tinatanong ko pa rin sa sarili ko yan…

Alam ko noong nasa high school pa lang ako ay nakaka-angat ako sa larangan ng Math at Computer pero ang hilig ko talaga ay ang umarte (oo na.. maarte na ako).. pero hindi ako hinubog ni Lord para maging artista.. nung nagsabog siya ng kagwapuhan at talento sa mundong ibabaw, nasa pansitan ako at natutulog…

Pero hindi naman importante ang kagandahang lalake… nadadala na yan sa pag-arte… kaya siguro ngayon ay napaka -OA ko kapag ka nagsusulat o kaya naman ay gumagawa ng video.. pero dahil na rin siguro kulang ako sa confidence kaya hindi ko na tinuloy ang career ko bilang isang alagad ng sining… teka.. kung sakaling nag audition ako noon.. ano ba yung mga points na pwede kong iimprove para makua bilang isang “Talent”

– patangusin ang ilong..
– gawing lalake ang boses..
– magbawas ng timbang..
– matutong pumorma..
– magpalaki ng etits..
– magkaroon ng mga fans
– matutong kumanta
– gawing kaliwa at kanan ang paa pag sumasayaw
– matutong magkaroon ng english accent
– magpa-braces..
– magkaroon ng abs…
– matutong mag deny sa mga kontrobersiya..
– magpaimportante…
– maging mayabang..
– bumili ng malaking sasakyan..

hmmm… parang ayoko ng maging artista… mahirap pala.. sige.. mamahalin ko na lang ang aking propesyon.. pero yung totoo.. dati, gusto kong mag-aral para maging isang beterinaryo… bakit kamo? dahil mahilig akong mamulot ng ligaw na pusa, bumili ng dagang kosta at manghuli ng butiki sa kisame… kayo? ginusto ba ninyo ang tinahak ninyong propesyon.. bakit? SAGOT!

6 thoughts on “propesyon…

  1. Engrpot, lahat tayo ay nagkamali ng ating napagaralan. Ako nga eh ngayong yeba 60 na ng malaman ko kung saan pala ako dapat, pero huli na ang lahat. Ang importante, narating natin ang edad na ito ngayon, na maayos ang ating buhay at pangangatawan. Maraming dapat ipagpasalamat sa buhay, kaya, ngayon palang ay umpisahan mo na para maappreciate mo kung ano ka , kung ano ang narating mo, kung nasaan ka at palaging umaasa pa!

  2. Hahaha! panget artista.. masyado kang inuutusan.. inuutusan ka ng direktor kung anong gagawin .. inuutusan ka ng script.. kailangan mong sundin ano nakasulat dun.. etc etc.. LOL

  3. ahahha

    Ang ang gusto ko lang ay maging isang Doctor ayaw kong maging Engineer pero naging yun ang propesyon ko. Ngayon parang wala na akong pag asang maging doctor LOL

  4. naku pareho tayo iniisip ko rin dati na mag-artista kasi naniniwala ako na talentado ako, kulang lang sa akin lakas ng loob. nung may lakas na ako ng loob, wala na lahat ata ng talento na ipinagmamalaki ko. hehehe! Pero isang factor dyan ay pinapahalagahan ko ang aking privacy ng bongga. ayokong maging pinoy big brother ang buhay at bahay ko. naka naman di ba?

    hmmm kung ano yun propesyon ko ngayon, hindi ito sakto yung iniisip ko dati pero dikit na dikit. I don’t know pero tingin ko dito talaga ang ipinadpad ng tadhana. at tingin ko okay naman. gusto ko naman ito hindi ko lang ini-expect na ito ang magiging career ko. hehehe

    1. apir tayo jan! pero tama ka.. maglalaho ang privacy sa buhay mo kapag nag artista ka… at minsan nga na yung mga bagay na hindi mo ini-expect ang minsang darating sa iyo…

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s