pinutol…

dalawang araw na akong walang internet sa bahay at sa totoo lang, miss ko na agad ang mga saltik ng keyboard at pagpitik sa mouse.. sabi daw kasi ay pinutol ng provider ang linya dahil umabot daw sa maximum of 30Gig/day upload.. dito kasi sa japan, ipinagbabawal ang masyadong maraming ina-upload.. security issue kasi siya… isipin naman ninyo na halos 30 katao ang nag shashare sa isang internet connection at karamihan ang nagto-torrent.. talaga namang aabot siya sa ganun…

pero wala naman akong magagawa… nasa ibang lugar ako, hindi ko kayang makipag tagisan ng salita dahil wala akong naiintindihan sa kanila o kahit mag inggles ako, para lang akong nagsasayang ng laway sa basang keps… natatandaan ko pa noong nasa pinas ako… wala pang 30 minutos ay tumatawag ako agad sa PLDT o sa Globe para tanungin kung ano ang nangyayari sa connection.. handa akong makipag sabunutan suntukan para lang maibalik ang internet sa bahay… wala eh.. wala ako sa pinas eh.. sorry naman…

may kagandahan at kapangitan ang walang internet sa bahay… o marahil ay nasanay lang ako na tuwing haharap ako sa computer eh nag susurf agad ako…pero sa dalawang araw na nagtitiis akong walang connection, may napala naman ako.. in fairness..

pangit ang walang internet sa bahay dahil wala kaming TV.. wala kaming mapanood.. magandang walang internet dahil nalalaro ko ang etits PS3 ko gamit ang malaking kamay LCD monitor ko na hindi ko pinagyayabang…

pangit ang walang internet dahil hindi ko nalalaro ang RC ko sa facebook.. maganda ang walang internet dahil napipigilan ko na ang maglaro ng matagal habang online…

pangit ang walang internet dahil hindi kayo makapag usap ng mga friends mo.. maganda ang walang internet upang maobliga kang lumabas at mangatok sa kapitbahay mo para makipagkwentuhan…

pangit ang walang internet dahil hindi ka makapanood ng live porn streaming… maganda ang walang internet dahil mapapanood mo na mga na download mong porn movies at series…

may pros and cons ang pagkakaroon ng internet..  mabuti rin naman ang naidudulot ng walang internet sa bahay, marami akong nagagawa sa loob ng kwarto at nagkakaroon ako ng peace of mind.. kung aabot man ng hanggang biyernes na wala pa ring internet.. asahan ninyo na may uuwi sa pinas na galing japan na nakakahon.. uyy joke lang.. pero jokes are half meant…

2 thoughts on “pinutol…

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s