ikaw at ang iyong kaibigan…

meron akong kwento.. maiksi.. pero totoo..

lumapit ako sa papunta sa iyo pero kunwaring hindi kita nakita, pero pasimple akong tumingin ng walang nakakakita… sa una, nahihiya pa ako, pero nung tumagal, naglakas loob akong lumapit sa iyo..

kasama mo kaibigan mo, ni hindi ko nga siya pinapansin, pero siya ang nakabungad kasama ng mga iba mo pang mga kaibigan… yang kaibigan mo ang nagdadagdag ng kagandahan sa iyo, simple ka lang, pero rock..

na-i”take-out” ko kayong dalawa ng kaibigan mo.. malakas ang loob ko..

nung lumaon, idinala ko kayo ng kaibigan mo sa bahay ko.. nung una ay nasa pinto lang kayo naghintay, nagpaalam ako na sandali lang at aayusin ko muna ang kwarto, nakakahiya, marumi kasi.. inurong ko pa nga yung lamesa para may pupwestuan kayo ng kaibigan mo.. pasensya na ha, maliit lang ang kwarto ko.. bago ko kayo binalikan ay naghubad na ako ng damit panglabas para naman mapreskuhan ako.. dahil pakiramdam kong iinit ang mga tagpo maya-maya..

inalalayan ko kayo papasok ng kwarto… inuna ko muna yung kaibigan mo, para kahit papaano, kung alalayan man kita papasok ng kwarto ko, sabay tayo… tayong dalawa lang.. ewan ko ba.. sabik na ako sa iyo..

hindi na ako nakatiis pa.. dali-dali kitang inilapag sa kama.. at kahit alam kong naroon pa ang kaibigan mo, hindi ko na natiis.. nilingon ko ang kabigan mo, at mahinahon kong sinabi na..

“Isusunod kita..”

alam kong naintindihan iyon ng kaibigan mo dahil pakiramdam ko pinapanood lang niya tayo…

hinubad ko ng dahan-dahan ang saplot mo at kada piraso na natatanggal ko ay alam kong ninanais mo na maramdaman ang maiinit kong kamay sa maselan mong katawan…

sa wakas.. nakita ko na ang iyong kabuuan.. at hindi ako nadismaya.. bago ko pa man simulan ang gusto kong gawin sa iyo.. nilingon ko ang kaibigan mo at binigkas ko na..

“Ikaw naman…”

hindi na ako nagatubili.. inilapag muna kita sa kama at binigyan pansin ko ang kaibigan mong mukhang inip na inip na rin..

ganun din ang ginawa ko sa kanya… at mas natuwa ako sa nakita ko dahil napakalaki ng harapan niya… kulang na lang ay ingudngod ko ang mukha ko sa sobrang kagalakan, pero kumalma ako at nilapag ko din siya sa kama…

tinititigan ko ang  pinakamagandang pangyayari na magaganap sa akin ngayon… at sinabi ko sa inyo na..

“Handa na ba kayo?”

Hindi na ako naghintay pa.. inuna ko ang kaibigan mo at ipinatong ko siya sa la mesa, kinapa-kapa ko ang likod niya para malaman kung saan ko ipapasok… nung natiyak ko na doon ko nga sisimulan, pinuntahan kita at dahan-dahang nilapag sa may bandang ilalim ng la mesa, alam kong medyo hindi ka komportable jan, pero eto yung alam kong paraan para sabay ko kayong magamit ng kaibigan mo…

ipinasok ko ang mga dapat ipasok sa inyo at inisaksak ko na ang mga dapat isaksak.. at naramdaman ko ang pareho ninyong init sa pagtanggap sa akin…

hindi ako nakatulog.. ilang oras ko din kayong pinaglaruan ng kaibigan mo.. pero sulit.. sobrang sulit..


kaya nga binili kita, PS3, kasama ng kaibigan mong si LCD Monitor.. dahil alam ko namang mag eenjoy ako sa inyong dalawa!! YAHOOO!!

4 thoughts on “ikaw at ang iyong kaibigan…

  1. Sa aking pananaw o paningin dito kay Popojeng bilang ina, siya ay napakabait na anak. Wala akong alam na grabeng kapilyuhan na ginawa niy nuong siya ay bata pa kundi 1. Magswimming sa kalye pag baha 2. namumulot ng upos ng sigarilyo sa kalye 3. nagbayad ako ng dalawang beses ng mga halos beinte mil dahil nagsubscribed ito sa internet na hindi niya alam na magbabayad pala 4. nayaya ng isang kaklase na mag audition sa pagiging artist o talent 5. gupit gupitin ang aming venetian blind 6. sunugin ang aming linoleum 7. mangupit ng maraming beses para lang ilaro at gastusin ang pera sa kanyang dalawang pinsan 8. napakalakas kumain at nakuubos ng isang barrel ng KFC in one sitting 8. wala na akong maisip pa. Suma tutal ng kanyang pagkatao ay OKEY NA OKEY bilang isang huwarang anak. Maliliit na kapilyuhan na kayang kaya namang resolbahan.

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s