fb chat…

nagulat ako at bigla ka na lang nakipag chat sa akin sa fb..

Classmate : oi! kamusta ka na?

Potpot : o! long time ha! tagal na nating di nagkita ah.. 20 years na ba?

Classmate : grabe! ang tagal na rin pala no, so kamusta ka na?

Potpot : ok lang naman.. buti naman at kilala mo pa ako?

Classmate : oo naman ikaw pa? isa ka sa mga mabait sa klase noong elementary.

Potpot : hindi na siguro ngayon.. ehehehehe.. so kamusta na? married ka na ba?

Classmate : hinde.. eto ako single parent..

Potpot : aba.. sino naman ang sira na hindi magpapakasal sa iyo? baliw yun ah…

Classmate : ganun ata talaga..

Potpot : natutuwa lang ako at nagkausap tayo uli.. naalala ko yung dati na tumawag ka pa sa bahay bago kayo lumipat..

Classmate : talaga? natatandaan mo pa yun? wala na akong matandaan..

Potpot : ano ka ba.. hinding-hindi ko makakalimutan yun.. ikaw kasi yung masasabi kong “the one that got away..”

Classmate : sira! hanggang ngayon palabiro ka pa rin pala…

Potpot : oi totoo yan ah! natatandaan mo pa ba yung usapan natin noon?

Classmate : hindi na eh.. memory gap eh…

Potpot : tumawag ka nga dati sa bahay para sabihin lang na lilipat na kayo ng bahay at sinabi mo na “crush” mo ako..

Classmate : talaga? nasabi ko yun? niloloko mo ata ako eh..

Potpot : bakit naman kita lolokohin.. pero kinilig ako noon.. kaya lang hindi pa uso ang cellphone noon..

Classmate : ganun ata talaga..

Potpot : pero wala man lang effort sa part mo na makipag usap.. eh ikaw nakakaalam ng number ko..

Classmate : ahahahaha

Potpot : pero kung hindi dahil sa iyo, hindi ako magpupursigi sa Math, natatandaan mo pa ba na kapag mataas ka sa math, may seating arrangment.. laging target ko un eh makapantay ka para magkatabi tayo sa klase..

Classmate : WOW! natatandaan mo pa yung mga ganyan!

Potpot : oo naman… ikaw ang naging inspirasyon ko kaya ako naging hosto engineer…

Classmate : wala akong masabi…

Potpot : basta sabihin mo lang na hindi ka na mawawala sa akin…

Classmate : hinding-hindi na ako mawawala…

Potpot : akin na nga ang cell number mo, address at suking tindahan..

Classmate : ahahahah ikaw talaga.. sigurista..

Potpot : oo naman.. ayaw ko ng mawala ka pa sa akin..

Classmate : sira! o eto number ko.. 0922xxxxxxx

Potpot : ayan na save ko na.. salamat at nagbalik ka..

Classmate : thank you for the time.. sana magka-usap tayong uli…

Potpot : hayaan mo.. may susunod pa dito…

Classmate : sige.. asahan ko ha.. o paano matutulog na ako..

Potpot : sige pareng bert… ingat ka ha..

Bert : oo ba pre.. ingat ka din.. miss you..

Potpot : miss you din pre.. mwah!

Bert : mwah! mwah! mwah! 3x!

kakilig di ba?

12 thoughts on “fb chat…

  1. oist! kakatuwa naman at ganun ka pa rin kakikay potskie. ingat ka loka, yumayanig pa daw dyan sa japan. malayo ka sa nuclear plant nila? kakatakot na kaya dyan.

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s