basahin…

sa totoo lang.. wala akong pakialam sa kung ano ang nangyari o mangyayari sa iyo kung saang lupalop ka man ng mundo datnan ng regla mo, pero bago ka mag inarte at mag-iiyak sa virtual takot na ginawa mo para sa sarili mo at sa mga tao sa paligid mo.. basahin mo muna ito…

– kung sa tingin mo wala ako sa posisyong magsalita, bobo ka.. dinaanan ko na nga yang krisis na yan kaya nga nagsasabi ako bilang babala sa mga susunod pang gagawa ng katarantaduhan… hindi ko ikinukubli ang pagkakamali ko noon pero wag mong gagawing dahilan yan para ikundisyon mo ang sarili mo na pareho tayo ng pinagdadaanan… tanga! magkaiba tayo… kung may natitira pang braincells sa utak mo, mag-isip-isip ka… hindi ko choice ang tumakbo.. pinatakbo ako… malaking kaibahan iyan sa iniisip mo… kaya uminom ka ng gluthapose…

– kung pagbabasihan mo ang diksyunaryo ng mga inutil at mangmang… hanapin mo ang depinisyon ng plastik… kung sa tingin mo yung mga pinagsasabi ko ay kaplastikan… 2 beses ka ng nataga sa ulo ng hindi mo pa namamalayan.. wala akong sama ng loob kapag kaharap ka.. at wala din akong sama ng loob kapag nakatalikod ka… kung ano ako sa harap ninyo ay ganun din ako kapag nakatalikod kayo… kaya kong makipag murahan sa iyo at makipagbasagan ng mukha hindi dahil matapang ako, kundi kaya kong gawin ng hindi ko kailangan magsuot ng gwantes para ma protektahan ang kamay ko… kung plastik man ako… sinayang ko ang luha ko nung sinabi kong nanghihinayang ako sa pagkakaibigan natin… nadehydrate tuloy ako..

– lahat ng tao masama ang ugali… aminado ako, masama ugali ko, hindi ko ito tinatago.. bastos ako at alaskador ako… pero hindi ako iresponsable… marunong din akong umintindi at umunawa… hindi rin ako marunong maghanap ng kakampi kasi alam ko kung saan ako nakatayo at kaya kong panindigan ang desisyon ko… ngayon.. kung sa palagay mo.. pakialamero ako sa mga bagay na kaya kong pakialaman.. tulad ng sarili ko at mga taong malapit sa akin.. intindihin mo na ang pangingialam ko ay hindi para maalpasan ang kahit sinuman, nangingialam ako dahil gusto kitang proteksyunan… ang kaso.. nagmamatapang ka pa… feeling mo kaya mong tapalan ng panandaliang aliw ang kaduwagan mo sa sitwasyon… kaya pinabayaan na kita…

– eto na ang huli kong sasabihin sa iyo.. nasa iyo yun kung gusto mo pa akong kaibigan o gusto mong mamundok sa timbuktu… tinuring kitang kaibigan.. ngayon kung sa tingin mo ay ginamit lang kita, niloko kita, nakipag plastikan ako sa iyo, siniraan kita, ginago kita, tinarantado kita, binastos kita, inasar kita, nilaglag kita o kung ano man ang gusto mong tingin sa akin… nasa iyo na yun… desisyon mo yan.. pakitanggal na lang ako sa FB mo kung ayaw mo ng makakita pa ng mga pasaring ko sa iyo… kilala mo naman kung sino ka… hindi ko kasi gawain ang magbura ng kaibigan eh… kadalasan ako yung binubura.. tandaan mo yan…

One thought on “basahin…

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s