lie and bending the truth…

nagdidiskusyon kami ng kaibigan ko at lagi niya akong sinasabihan na LIAR… pero ang sagot ko sa kanya.. hindi ako marunong mag LIE, marunong lang akong mag bend ng truth… magbigay tayo ng halimbawa para mas malinaw sa mga tagabasa ko…

ang tanong.. “Nambababae ka ba?”

Truth : OO!
Lie : Hinde ah!
Bending the Truth : Mabalit lang ako sa mga babae..

See the difference?

The truth is fact.. a lie is opposing the truth and bending the truth is manipulating the truth itself… nakakalito ba?

ang tao kasi natutong magsinungaling dahil hindi niya kayang panindigan ang katotohanan… maraming factors.. natatakot tayo na husgahan tayo ng ibang tao, kagalitan, o baka magbago ang tingin ng mga tao sa paligid natin kapag nalaman nila ang katotohanan… pero bakit ba unang instinct ng pagsisiungaling ay ilayo ang sarili sa katotohanan? may defense mechanism kasi tayo na ayaw nating mahusgahan sa mga kilos natin.. kung minsan hindi natin napupuna na ang mga actions natin ang nagsasabi ng katotohanan kahit pa sabihin ng bibig mo na hindi ito totoo… mas komportable tayo sa katotohanan ng kasinungalingan… mas nabibigyan natin ng justification ang mga ginagawa nating mali kumpara sa tama… ang tao rin minsan… kapag nagtatanong.. ang gusto nilang sagot ay yung gusto nilang marinig… at kapag hindi tama para sa kanila ang sagot mo, huhusgahan ka nila at kukutyain… human nature yan… kasi, mas gugustuhin nating pakinggan ang magandang boses ng kasinungalingan kaysa sa paos at sintunadong boses ng katotohanan…

ngayon.. ang bending ng truth… paano ba ito? hindi ito trick.. sadyang dapat mabilis ka lang mag-isip dahil hindi ito para sa mga 386 ang utak… ito ay skill at hindi ito namamana… maraming paraan ng pag bend ng katotohanan…

1. Sagutin ang tanong ng isa pang tanong…

“Kumain ka na ba?”
“Mukha na ba akong kumain?”

kahit halata naman sa bibig mo na may mumu ka sa mukha, hindi ka nagsinungaling, hinayaan mo lang na sagutin ng nagtanong ang obvious na nakikita niya sa iyo… bending of truth..

1-a. Sagutin ang tanong ng isa pang tanong na may kasamang “‘di ba” sa bandang huli ng pangungusap.

“Kasama mo ba ang kalaguyo mo kagabi?”
“Kung kasama ko siya kagabi, paano ko napalinis yung sasakyan ko at nakabili ng pinabibili mong cupcake eh hanggang 9 lang ang tindahan na yun ‘di ba?”

2. Sagutin ng totoo pero may halong biro…

“Nagbeerhouse ka kagabi ‘no?
“Oo.. kasama ko nga si kumpare kagabi at ang sweet niya.. hindi niya ako pinabayaan kahit nagsusuka ako.. I think i lurv him na… ahahay!”

3. Huwag na huwag kang mag-iisip pagkatanong… kailangan mabilis ang iyong reaction time sa pagbend ng katotohanan..

“Nakipagsex ka ba kagabi?”
Wala pang 1 second – “Sa sampung babae at 3 bakla…”

4. “Ang hindi ko alam ang sinasabi mo” facial expression…

kapag nagtanong ang kaibigan mo tungkol sa iyo… ikunot mo lang ang noo mo sabay sabing “hindi ko gets”

5. Maging consistent sa mga sagot…

kailangan hindi ka paiba-iba ng storya… make it a point na yung pag sabi mo ng binaluktot na katotohanan ay ang totoo talaga… madami kasi ang magaling mag manipula ng tanong at pwedeng gamitin ito para lituhin ka sa mga sagot mo… remember.. ikaw ang dapat mag-control ng sitwasyon at hindi sila…

so kung satingin ninyo ay nagsisinungaling ako.. kayo na ang bahala pero para sa ‘kin, katotohanan man yan o kasinungalingan.. masarap pa rin yang pakinggan kung hindi ka nakakasakit ng kapwa mo… ikaw ba? binaliko mo na ba ang katotohanan?

One thought on “lie and bending the truth…

  1. magaling! kayo tlgang mga lalaki magaling sa ganyan. pero kala niyo lang kayo lang marunong mg-bend ng truth hah. well….

    hihi.

    agree ako na minsan, we tend to “bend the truth” cos we are afraid to be misjudged most of the time. marami na naman ako’ng natutunan sayo potsie! thenks! hehehe.

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s