pwedeng magtanong???

Sa darating na hunyo ay may sisimulan kaming bagong proyekto at sana mapaunlakan ninyo ang aking imbitasyon kung maisakatuparan namin ito, abangan lang po sa mga social networking sites ang mga iba pang detalye dahil may papremyo ang mga lalahok…

ok.. tapos na ang advertisement.. tuloy sa kwento…

ayon sa mga tsismosa at tsismoso sa lugar namin sa tondo, na ang tao daw ay mabubuking kung may karelasyong bukod sa kanyang kinakasama ngayon sa pamamagitan ng kanilang kilos at pananalita… pero ayon sa aking obserbasyon, kaya nga sila tinawag na tsismosa at tsismoso dahil pinag-uusapan nila ang buhay ng may buhay kahit hindi ito totoo…

ugali ko ang magtanong kung ako ay naaalangan sa estado ng relasyon o kasarian ng tao… dahil aminado po ako na tsismosa tsismoso din po ako, pero sinisiguro ko na mismo sa bibig ng napag-uusapan manggagaling ang sagot sa tanong na umiikot sa aking malikot na utak…

marahil kakaunti lang sa atin ang may kakayahang magtanong dahil karamihan ay natatakot na sila ay kagalitan ng kanilang tinatanong o di kaya ay hindi sila handa sa isasagot sa tanong… paano ba magtanong ng hindi naman nakaka-offend sa tinatanong? simple.. sundin lamang ang mga payo ko dahil “boy abunda” certified ang mga ito..

1. Daanin sa biro – kadalasan ang tanong ay di kailangang seryoso upang makakuha ka ng seryosong sagot, idaan sa biro at unti-unti itong gawing main topic sa inyong usapan. at dahil nagkakasiyahan kayo, hindi mamamalayan ng tinatanong mo na sila ay naka “hot seat” dahil masaya naman ang aura ng paligid….

2. Ilagay ang sarili sa posisyon ng tinatanong – ito marahil ang isa sa epektibong paraan upang makuha ang loob ng iyong tinatanong at para hindi niya isipin na pinagpepyestahan lang ang kanyang isasagot sa tanong….

3. Matutong makinig – kadalasan ay nasagot na ang tanong, hindi pa rin tayo naniniwala. kung kaibigan nag turing mo sa kanya, maniwala sa sasabihin at wag isarado ang utak sa kung ano mang kathang-isip na storya ang binuo mo sa isipan mo…

4. Gumamit ng mga halimbawa – may assist dapat na “for example” o kaya “halimbawa” nang sa gayon ay maitugma ng tinatanong ang pwede niyang isagot..

5. Sundan lagi ang tanong ng “bakit” kung gusto mo ng paliwanag – wag kang magtatanong na pwedeng masagot ng oo o hindi lamang dahil ito ay bitin, at ng sa gayon ay maipaliwanag agad ng tinatanong ang kanyang istorya…

… yan lang ang pwede kong maibahagi sa inyo dahil yan lang din naman ang ginagawa kong panuntunan sa pagtatanong… kayo? may paraan ba kayong magtanong? share naman jan…

7 thoughts on “pwedeng magtanong???

  1. Lahat tayo ay sinungaling. Lahat tayo ay tsismoso at tsismosa. Walang sikretong di nabunyag. O ano pa ba ang itatanong mo. Ang dami mo namang proseso o direction para malaman mo ang isang bagay. Walang umaamin sa kanyang kasalanan. Ang kwento ay nagmumula duon sa pinagkukwentuhan, kaya di mo na kailangang magtanong pa. Para bang, sino ba ang gumagawa ng tsismis, di ba yung may katawan? Dahil sa hirap o sarap ng ginawa ng dalawang natsitsismis, ito ay kanilang naikukwento sa kani kanilang best friend. Siguro naman yung dalawang bestfriend nila ay may friends, asawa, kamaganak, kakilala kaya ito ay gumugulong na parang bola at hihinto lang pag bumalik at nalaman na ng gumawa ng tsismis. Eh sino yun, eh di yung tsinitsismis. Hay buhe, ikot ikot lang yan. Mamaganda o mapangit ang isang istorya, napaguusapan yan, at mas masarap pagusapan nga eh yung di tutoo, dahil pag dating sa dulo, true na true na yan dahil nabilog na ng husto ng mga nagtsismis na tulad natin! He he he he!!! Ang sarap talaga ng tsismis pero pag tayo na ang natsitsismis, ang sarap pumatay ng tao!

  2. Ask q lng sna,,kung anu ba dpat gawin..ng isang tao…nkasagutan nya ang isang amo…taz ngaun magreresign na sya ayw nman sya permahan ng manager nya na un mismo nkasagutan nya…nagreresign na sya para uuwi na sya d2 sa plipinas kc andon na lng sya nkatambay ayw na sya papasukin sa work nya..pwd ba sya huminge ng 2lung sa pilipin embasi kung asan sya lugar…pls.pksagot po.,tnx…

    1. uu.. pwedeng-pwede kang humingi ng tulong sa embahada ng pilipinas dahl hindi na tama yung hindi pag pirma ng iyong resignation.. ang sabi nga nila, kahit hindi maganda ang pagsasama ninyo ng amo mo, wala siyang karapatan na i-hold ka… not unless may utang ka sa kumpanya na kailangan mo munang i settle, pero sa kwento mo na nasa bahay ka lang at ayaw ka ng papasukin, mas mabuting humingi ka na ng tulong sa embahada ng pilipinas…

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s