para sa embahada ng Pilipinas sa Japan.. palakpakan…

nagparenew ako kahapon ng passport kahapon sa embahada ng Pilipinas dito sa Japan at sa maniwala kayo’t sa hinde, mabilis ang naging proseso ng pagpaparenew… maski ako nagulat dahil hindi ko inaakala na ganoon kabilis at kadali… ano-ano nga ba ang mga proseso na ginawa ko para sabihin kong nabilisan ako sa proseso..

1. Online Passport Renewal – meron na pala nito?!?!? nagpunta ako sa website nila, ni click ko ang link at sinimulan kong i-type ang mga impormasyon na kailangan…

2. Confirmation E-Mail – meron na rin nito?!?!? pagkatapos mong sagutan ang mga tinatanong, padadalhan ka ng confirmation email na kung saan ay kailangan mong i-click ang link para ma-verify na nila na totoo ka nga at hindi poser lang…

3. Date and time of interview sa E-Mail – for the nth time.. meron na rin nito?!?!? kapag na verify nila na totoo nga, ay padadalhan ka ng schedule kung kailan ka pwedeng bumisita sa embahada para magpa-interview at pictorial..

4. Mabait ang nasa harapan ng Embahada – dahil likas akong tanga, noong nagtanong ako kay manong na naka-amerikana ay masugid niya akong inasikaso.. siya pa ang nagdala ng papel ko sa loob ng window 6 at sinabing hintayin kong tawagin ang pangalan ko… haylabyu manong na naka-amerikana.. tsup!

simple at walang hustle… aprub!

o.. teka.. hindi pa jan natatapos ang kwento ko… so kung pinupuri ko ang online system nila at si manong na naka-amerikana.. ibnabatikos ko naman ang mga ugali ng mga empleyado kapag naroon ka na sa embahada…

1. Pamamaraan ng pakikipag-usap ng taong kumukuha ng application – hindi na ata nawala sa mga ahensya ng gobyerno ang pagiging barumbado (rude) kapag kumukuha ng mga papeles galing sa mga nag-aapply.. alam naman natin na nakakapagod ang ginagawa ninyo.. pero sana maging courteous kayo.. ano ba naman yung sabihin ng maayos kung anong papeles ang kailangan bago pumunta sa bintana.. hindi yung tatakutin ka na parang KASALANAN mo na tanga ka… at sana tigilan ang pakikpag landian.. naka mikropono ka pa naman at rinig na rinig ang kilig na nanggagaling sa boses mo.. at lalake yang tinutukoy kong lumalandi sa ibang aplikante…

2. Chika Minute – doon ko lang nakita na habang nag-poprocess sila ng papers mo ay nagchichikahan… at naririnig ng mga nag-aapply ang mga usapan nila… na hindi naman kailangan… kaya din siguro tumatagal ang pag proseso ng mga dokumento dahil 10 minuto na chikahan ang nagaganap… at may break time kada tapos ng isang aplikante.. pero bilib ako dun kay ate na maganda pero may edad na… sunod-sunod siyang nagpapaupo at masugid siya sa mga nag-aapply.. kay ate lang ha… siya lang ang nakita kong OK sa ALRiGHT… haylabyu ate.. pakiss.. yung torrid.. yung walang malisya ha…

3. Tsk tsk tsk – sir.. sana po kapag kaharap ninyo ang isang aplikante ay bawasan ninyo ang pag saltik ng dila ninyo at iwasang gumawa ng tunog na yan.. parang sinasabi ninyo na ang nag-aapply ay walang alam at parang kayo ang panginoon ng aming pasaporte.. maging magalang po sana tayo dahil kung wala ang mga nag-aapply eh wala din kayo dito sa japan…

saka napaisip ako.. dun sa online application.. kasi alam ko.. pag hindi kumpleto yung mga fields na sinagutan mo.. hindi dapat ito didiretso sa next page.. pinipilit kasi nung nag interview sa akin na hindi ko nilagyan ng issued date yung sa dati kong passport.. isa sa mga importanteng fields.. so nagkibit balikat na lang ako at nag sorry.. ayoko ng pahabain ang usapan.. nakakatakot kasi siya.. baka kainin ako…

so.. sa kabuuan.. masaya ako.. dahil mas mahaba pa yung biniyahe ko kumpara sa pag renew ng passport so double thumbs up sa embahada ng Pilipinas dito sa Japan.. saludo ako sa proseso ninyo at sana kaunting tweak pa para pati yung daliri ko sa paa ay i-approve ko.. salamat ng marami… kailan kaya magiging ganito sa Pilipinas? hmmmm ~mangarap ka…. mangarap ka….

8 thoughts on “para sa embahada ng Pilipinas sa Japan.. palakpakan…

  1. LOL! Minsan hindi mo din sila masisisi kasi meron ding mga pumupunta sa embahada na sobrang irate at ang kukulit, simpleng instruction hindi makuha. Nasaksihan ko ‘yan dito sa Singapore, si Ate nagdadabog at pinapabilis ‘yung proseso ng papel niya kahit may queue kasi daw susunduin pa niya ‘yung alaga niya.

  2. yung embahada natin dito iskeyri parang haunted house. pero yung mga nagaayos ng papeles ok lang. parang nasa kapitbahay ka lang. wala sa ayos, pupuntahan mo kung nasan nakatambay yung in-charge sa particular na proseso. tapos hindi pa smart yung mga damit. parang pinangangalandakan yung pagkayagit ng lahi natin. palagay ko naman may mga uniporme sila pero dahil walang head of state na bumisita o baka wala ang ministro kaya mistulang tambay sa kanto lang mga kausap namin.

    sabayan kitang mangarap para sa ikauunlad ng ating bansa at mga kababayan.

  3. Mapapahanga ka talaga, pag ang serbisiyo ng ating ahensiya ay medyo medyo mabilis. Kung tutuusin nga, ayaw nila ng online online, walang kaperahan diyan. Gusto nila ang malapagong na pagtatrabaho, para hanapin mo ang mga sindikato na mga dabarkads nila o kasapi nila sa kawalanghiyaan pero lagay lagay ka ng datung. Ay naku buhe, kaya tayo ang pinakakulelat na bansa pagdating sa pagseserbisiyo sa ating kapwa! WISH KO LANNNNNNNNG!

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s