mga klase ng manliligaw…

iba’t iba daw ang uri ng mga manliligaw, at yan ang ating paksa sa araw na ito… bakit ko ba naisipan ang topic na ito ay dahil wala akong magawa sa opisina.. so simulan na natin ng sa gayon ay magkaroon ng ideya ang mga kababaihan/kabaklaan sa tunay na motibo ng lalakeng nanliligaw… kaibigan.. tara.. magbasa tayo..

1. Ligaw Tingin – tinitignan mabuti ang babaing sinisinta hanggang sa ito ay matunaw.. kinikilatis at binibilang kung ilang nunal meron sa mukha at kulang ilang beses itong kumurap sa loob ng isang oras… at kung sakali namang mapatingin ang babae, dali-dali itong lilingon sa ibang direksyon o kaya naman ay magpapatay malisya lang..

2. Boy Biro – magsasambit ng nararamdaman sa pamamagitan ng biro. Sa simula ay matatawa ang babae dahil nakakatawa pero unti-unti itong maiinis dahil totoo na pala ang sinasabi.. dito napapatunayang jokes are half meant… kaya pwede pang i full meant.. kadalasang hindi rin sineseryoso kapag seryoso na ang usapan..

3. Knight Rider – sa sobrang bilis.. bago pa maubos ni babae ang nilibreng kape ni lalake sa starbucks ay nailahad na nito ang intensyon nito at ang plano ninyong selebrasyon ng 50th Golden Wedding Anniversary…

4. Torpe – walang imik at kadalasan ang babae pa ang kumikilos para maging kasaya-saya ang inyong date.. kung iimik man ay parang nanggaling sa balon ang boses sa sobrang hina at minsan ay mauunahan sila ng mga ibang manliligaw..

5. Presko – mas pupurihin ang sarili kesa sa babaeng nililigawan. May posibilidad na sagutin ng babae dahil nadaan sa bilis magsalita at mala ondoy na pakikipag-usap… mag-ingat sa mga ganito dahil takaw-away ang mga manliligaw na ito..

6. The Perfect Gentleman – lahat ng hinahanap ng babae sa isang lalake ay posibleng nasa taong ito, yun nga lang sa sobrang perfect nito, mafefeel na ng babae na madami siyang imperfections…

7. Baby Brother – kung makipagdate ay dun sa maraming anime, arcade at games. Kadalasang kasama mo siyang naglalaro ng dance dance revo o kaya naman ay time crisis sa Time Zone at willing siyang magipon ng ticket na kapag kinalkula mo ay aabot ng 5000 pesos para maipalit sa stuffed toy na halagang 300 sa blue magic.. ubos ang pera sa chichirya at sa malamang sa jollibee lang kayo magdadate…

8. Tropa – magsisimula sa walang taluhan sa barkada, matatapos sa syinota ang buong tropa… mas madaling mahulog ang loob sa taong ito dahil kasa-kasama sa mga lakad at alam na ang huwisyo at bisyo ng mga katropang babae.. ngunit mahirap pakisamahan dahil masisira ang barkada dahil may sarili na kayong lakad…

9. Kuripot – malakas ang loob manligaw pero ubod ng kuripot pagdating sa pagdate.. yayayain kang manood ng sine at kumain sa labas sa kundisyong hati kayo sa bayaran at minsan ay sagot mo pa ang pamasahe niya… may dalang calculator kadalasan para mag compute ng mga binibili ninyo dahil sakto lang sa budget ang dalang pera…

10. Manyakis – hindi pa nga kayo pero kung maka-akbay daig pa ang magsyotang kalalabas pa lang ng motel… malikot ang kamay at gagawin ang lahat para maka-tyansing…

11. Galante – kung makapagbigay ng regalo ay parang binili ang buong SM.. dinadaan sa mga materyal na bagay ang kakulangan sa pagkalalake nila… asahang mapapasagot ito pag nabigyan ng cellphone ang nililigawan..

alam ko madami pang katulad nito.. kayo ba? may alam pa ba kayong ugali ng isang manliligaw?

7 thoughts on “mga klase ng manliligaw…

  1. totoong di ko binasa… kakamustahin lang sana kita… di na kita nakakakwentuhan… eto lang masasabi ko… walang matinong lalaki talaga..babalik ako dito… cheers;p-glesy the great

  2. Ang alam ko di na uso ang ligawan kaya wala akong masabi. Nagkakilala sa phone, cellphone, internet etc etc. Mag eyeball, ayun puro physical na lang. Pwede ba, maginvestigate naman kayo kung anong klaseng babae/lalke ang mga yan? Baka may sira ang ulo, magkakaroon ka pa ng anak/kamaganak na ganun din. Ingat naman sana at patagalin ang pagmamasid/imbestigasiyon!

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s