old age…

napapansin ko lang.. noong kabataan ko mga last year lang yun, kapag natulog ako ng pagod at maaga, sa malamang late na rin ako magigising… kilala ko na ang sarili ko at alam ko na ang body clock ko ay aayon sa lambot ng kama at lamig ng aircon… pero ngayon, kung matulog man ako ng 11 ng gabi, nagigising ako ng 3 ng umaga… 4 na oras… ang alam ko mga sanggol lang at matatanda ang ganito ang sleeping habits… medyo kinabahan ako… hindi pa naman ako ganun ka tanda, halos kaka-21 ko lang a few years back pero parang yung katawan ko ay hindi na umaayon sa edad ko?…

isa lang ang pwede kong i-conclude jan, nagdedeteriorate na ang katawan ko to the point na lahat ng mga gawaing pambata ay hindi ko na kayang gawin… sumasakit mga kasu-kasuan ko at madali akong ma-HB… sinong nagsabi ang edad ay numero lang.. paksyet! dati kahit magliwaliw ako eh kaya ko pang makipag bunong braso gamit ang kili-kili ko sa sampung matronang dilat…

hindi na ako nagtataka.. tumatanda na ako dahil nakikita kong lumalaki na ang mga anak ko…. at ang mahalaga para sa akin ay lumaki sila ng maayos… hindi ako mahigpit na magulang, kaya lang ang gusto ko eh pagbutihin nila ang kanilang pag-aaral para hindi na sila mahirapan sa future… hindi naman ako magsasakripisyo ng ganito kung hindi mahalaga sa akin ang kinabukasan ng pamilya ko…syet.. ako ba ito? matanda na ako…

ok, tapos na drama… ni-kwento ko lang ito kasi kaninang umaga ay nagising ako ng 4 at hindi na ako makatulog… kaya nanood na lang ako ng porn…

5 thoughts on “old age…

  1. baka naman it’s one of those days lang yan… pretty sure, magiging normal din ang tulog mo.

    ngayon lang ako nakapagomment pero matagal na akong fan ng blog mo brod.🙂

    1. magdilang anghel ka sana apollo, salamat… salamat sa pag comment… sana hindi ka magsawa sa pagbisita… mas nanaisin kong maging kaibigan ka kesa maging fan ko.. NAKS! salamat kaibigan…

  2. naku, sign of old age na yan parekoy! ‘yung boss kong nasa 65 years old na, madalas ay mga 1am nakakatulog tapos nagigising ng 4am. yung mga kapitbahay namin na gurang, ganun din.

  3. Pot2, ngayong nalaman mo na ang nararamdaman, nasasaisip at paggalaw ng isang tumatandang nilalang, payo ko lang, sana, malabanan mo itong mga sinulat mo at ng sa gayon ay humaba, gumanda at gumaling pa ang iyong buhay, alang alang sa iyong pamilya.

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s