para kay ate na nasa tren kaninang umaga na naka green dress at labas ang cleavage…

nananahimik akong nakasakay sa usual na route ko papasok ng opisina, nakakapit ako sa hawakan para kung sakaling huminto ang tren eh hindi ako dadausdos kung saan-saan… napatingin ako sa kanan, at nakita ko agad ang nagpuputian at naglalakihang lalagyan ng gatas… napatingin ako ng mga 10 milliseconds at binaling ko ang tingin ko sa kaliwa.. sakto namang huminto ang tren sa sumunod na estasyon at sakto rin ang pag baba ng katabi ko sa kaliwa… habang nakatingin ako sa kawalan, siya mo namang puwesto sa kaliwa ko, at tumambad na naman sa akin ang malulusog mong dibdib.. dumiretso ako ng tayo at tumitig na lang ako sa bintana ng tren para hindi ko maisip kung ano man ang dapat kong isipin dahil isa lamang akong lalake…

mali pa rin pala ang pwesto ko dahil bumabanda ang reflection mo sa bintana na hinarap ko… at unti-unti ng nagbubutil ang pawis ko, hindi dahil sa natatae ako, kundi dahil maaga pa lang ay nag-iinit na sa loob ng tren, kahit alam kong nakatutok ako sa aircon…

sinilayan ko ang iyong mukha mula sa bintanang kita ang iyong imahe at tinignan ko kung naaayon ba ang kinis ng pinagmamalaki mo sa hilatsa ng mukha mo… pwede… kartada 7 sa pananalita ng lalake…

binalik ko ang tingin sa naghihimutok mong hinaharap at unti-unti kong nakita na papalapit ka ng papalapit sa braso kong kasalukuyang nakahimlay sa aking tagiliran…. marahil ay mauga lang sa tren kaya ka napapagawi sa aking gilid pero maluwag pa sa iyong kaliwang bahagi, kung susukatin ko ay kaya pang magdisco ng 3 unano sa gawi mo… pero ok lang…

sa hindi sinasadyang pagkakataon, napadausdos ang tren, at hindi mo naman siguro sinasadya na napakapit ka at naidikit ang nagbubundulang bundok sa aking braso… at dito na ako mapangahas na tumingin sa iyo.. humingi ka naman ng tawad at ako naman ay napangiti, alam ko namang hindi mo sinasadya ang pagdikit ng malalambot mong bumper… at teka…. bakit hindi mo inaalis ang pagkakahawak sa braso ko.. ehem…

3 na hinto pa bago ako bumaba at dito ko nilakasan ang loob makipag-usap dahil ako ay nababagot…

Potpot : Ok ka lang ba, miss?
Ate : Ok lang ako, salamat..

hindi mo pa rin inaalis ang pagkakahawak at pagkakadantay mo sa braso ko…

Potpot : Papasok ka ba ng office, miss?
Ate : Oo, ikaw ba?
Potpot : Papasok ako, pero baka lalabas din… (sabay ngiti)

at ngumiti ka rin… jackpot…

biglang huminto ang tren at dito na pala ang hinto mo…

Ate : Thank you ha, at pasensya na…
Potpot : Walang anuman, ingat ka ha…

at ramdam kong mas lalo mo pang kiniskis ang nagsusumabog mong kalakihan sa naninigas kong braso na nagpapawis pa sa akin ng tuluyan…

nanghinayang ako at di ko man lang nakuha ang pangalan mo at cellfone number… oh well, may ibang mga araw pa naman.. nagbabakasakali ako na magkita pa tayo sa tren at sisiguraduhin kong makikilala na kita…

palabas na ako ng istasyon ng pagpakapa ko sa aking pitaka ay napamura ako…

para sa iyo, ate na naka green dress at labas ang cleavage… PAKIBALIK MO WALLET KO!!! HUHUHU

10 thoughts on “para kay ate na nasa tren kaninang umaga na naka green dress at labas ang cleavage…

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s