huwag po doc.. huwag po…

last year, bago ako umalis papunta dito sa japan, requirement ng agency na magpa-medical para masiguro nila na wala kang sakit o kung ano mang karadaman na magpipigil sa iyong makapag trabaho… so yun nga.. nagpamedical ako…

nakaupo na ako sa clinic at hinihintay ko na lang na matapos ang isang pasyente na nasa loob… nagulat ako ng napasigaw ang pasyente.. “DOC WAG PO! MASAKIT!”

tinawanan ko ang pasyente, lalake pa man din siya at hindi pala niya kaya ang mga pinagagawa ng doktor.. buti na lang at marami na akong experience pag dating sa medical exams kaya hindi na ako kinakabahan…

paglabas ng pasyente, luhaan ito at hindi makalakad ng diretso.. bago ko pa siya matanong eh may narinig na akong “NEXT!”…

umupo ako at sinimulan muna ni doc ang kanyang interview… nakatingin lang siya sa papel na ibinigay ko at hindi tumitingin sa akin…

Doc : anong pangalan mo?
Potpot : potpot po..
Doc : para saan itong pagpapatingin mo?
Potpot : pre-employment po…
Doc : abroad?
Potpot : dito lang po sa pinas…
Doc : ok, simulan na natin…

saktong tingin ng doktor sa akin at itinuro ako sa isang silya na mahaba… pero may kakaiba akong naramdaman at bibihira ako makaramdam ng ganitong takot… nagniningning ang mga mata ng lalakeng doktor… na parang may iniisip na hindi maganda…

pinahiga niya ako sa silya at bumulong na…”Ibuka mo na…”

sa pagkakataong iyun, nagkaroon na ako ng kaba dahil alam kong hindi naman ganito ang procedure na ginagawa kapag nagpapa medical ka…

Potpot : doc, hindi po ako mag aabroad, sa mandaluyong lang po ang office ko
Doc : (habang sinusuot ang gwantes) first time mo ba ito?
Potpot : ang alin po?
Doc : ang ganitong procedure…
Potpot : medyo po… hindi naman po kasi ganito yung ginagawa dati eh..
Doc : standard procedure na ito ngayon..
Potpot : may announcement po ba ang DOH tungkol dito?
Doc : wag kang matakot, dahan-dahan ko lang ipapasok.. handa ka na ba…
Potpot ; hin… UGGHHH…

pinasok niya ang dalawang daliri sa pinabuka niyang butas at dito na ako medyo nahilo at medyo masuka-suka.. nilibot ng mga daliri niya ang kaduluduluhan ng aking butas at ramdam kong hindi lang dalawa kundi tatlong daliri ang pasalit-salit at kung minsang sabay na dumudutdot sa bukasan…

Potpot : doc, tama na po… masakit na po…
Doc : naku, hindi ko pwedeng tigilan ito.. may nakita akong abnormality… sandali.. kukuha ako ng kagamitan…
Potpot : doc, wag na po.. ok na po ako.. masakit po kasi eh…
Doc : sus.. ano ka ba? napakaduwag mo naman.. sandali kukuha na ako ng gamit at anesthesia…
Potpot : huwag po doc. HUWAG PO!!! AAAHHHHHH!!

…natapos ang aking delubyo.. pero ramdam ko ang sakit ng pagtulak ng mga aparato sa mumunting butas ko… hindi ako makatayo sa sakit…. bumalik ako sa unang upuan at niresetahan ako ng doktor…

Doc : o, tinanggal ko na yung ipin na bulok.. mas lalong masisira ang mga ipin mo kapag hindi mo ito inalagaan… sa sususnod uli ha…
Potpot : thank you po doc..

…at pagkatapos ay dumeretso ako sa physical exam kung saan pinasok ng doctor ang daliri niya sa pwet ko… panis… walang pain…

8 thoughts on “huwag po doc.. huwag po…

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s