kilala mo ba si Mcgyver?

Marahil marami na sa inyo ang ‘di na nakakakilala kay Menemis McGyver… bakit Menemis ang pangalan niya? Ilang beses ko na kasing napapanood ang programa niya sa RPN-9 noong late 80’s o early 90’s at kapag tinatanong siya..

“Who are you?”

“Menemis… McGyver”

Kaya tumatak na sa akin ang pangalan na yan. Sino nga ba si McGyver? Siya lang naman po ang pinakamahusay na tao na kayang lumusot sa kahit anong peligro sa pamamagitan ng mga ordinaryong bagay sa paligid niya at ang kanyang “swiss army knife”.

Gustong-gusto kong magpabili noon sa nanay ko ng kutsilyo na yun, kumpletos rekados kasi, pwede na siyang panaksak, panghiwa, panghinunule, pangtule, pangbukas ng bote ng suka at kung ano-ano pang bagay.

Pero, nakilala ang palabas ng McGyver dahil sa husay niyang mag-isip sa oras ng kagipitan, at dahil sa kanya, natuto rin ako ng mga mahuhusay na pamamaraan para makatakas sa tiyak na kapahamakan. halimbawa..

– Uso pa ang VHS noon at dahil ako ay nagbibinata, madalas akong manood ng mga maaksyon na palabas, at dahil dito mabilis akong makaisip ng mga paraan para hindi ako mahuli ng nanay ko katulad ng pagpalit ng pangalan ng tape na hindi mahahalata na ito ay maaksyon na palabas… pero hindi maiiwasan noong panahon namin na maipit ang pinapanood mong palabas sa loob ng VHS machine dahil uso pa noon ang “brownout”.. at dahil takot akong mahuli ng nanay ko, nagiging si McGyver ako sa loob ng 15 minutos… sa pamamagitan ng screw driver at kaunting hocus pocus, binubuksan ko ang loob ng VHS machine para tanggalin ang naipit na bala, at dahan dahan ko itong natatanggal ng hindi nasisira ang ribbon… isa itong proud MCGYVER MOMENT! at kadalasan na kinakanta ko pa ang theme song nito habang tinatangal ko ang bala ng VHS…

– Naglalaro kami dati ng taguan pagkatapos ng hapunan at sa malamang madilim at mas masaya ang taguan… kadalasan kapag nais naming mabalaongga ang taya… hindi lang kami nagtatago, kami ay nag be-“blend” sa aming sorroundings… isang beses nakita ako ng taya na nagtatago sa likod ng isang sasakyan at wala na akong kawala.. pero hindi pa niya alam kung sino ang nakatago sa likod ng kotse.. kaya ang ginawa ko ay ang shuffle sabay lakad na parang hindi naglalaro ng taguan.. at hindi ko kailangang tumakbo papunta sa base dahil nga akala niya ay isang passerby lang ako… o di kaya naman ay nagni-ninja shirt kami (gagamitin mo ang tshirt mo bilang maskara na parang ninja – gagawa ako ng tutorial video nito.. soon) para matakpan ang aming mukha.. tapos sabay-sabay kaming susugod sa base… bago pa niya maturo at mabanggit ang pangalan namin, ay nakapag save na kami sa base.. another MCGYVER MOMENT…

– Uso din noon ang mga bumibisitang mascot sa paaralan.. katulad nila Susy at Geno ng Sustagen.. so kapag nagkakaroon ng pagtitipon.. kadalasan napupuno ang auditorium sa dami ng mga batang gustong makita ang mga mascot.. isang beses, napadalaw ang grupo nila Jollibee sa school namin at nagtawag ng mga batang pupunta sa entablado para tanungin sila kung ano ang paboritong kinakain nila sa Jollibee at pagkatapos ay mananalo ka ng prize… at dahil lahat ng mga bata ay nakataas ang kamay.. nakitaas din ako ng kamay pero hawak ko ang asul kong relo… at di ako nagkamali na pinili ako dahil nga mas angat ang kulay na asul kumpara sa mga kamay ng mga nognog at galising bata.. MCGYVER MOMENT..

medyo napapahaba na ang kwento ko.. pero yan lamang ang iba sa mga nagawa ko noong aking kabataan.. kayo ba? may mcgyver moments ba kayo? ten ten ten ten ten ten ten,,,

4 thoughts on “kilala mo ba si Mcgyver?

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s