maarte…

habang kumakain kami ng pananghalian ng mga ka-opisina ko, napagusapan ang topic na “maarte” at tinatanong namin kung ano ba ang maarte sa salitang hapon.. pero ang hirap ipaliwanag dahil para sa mga pinoy, ang taong “maarte” ay maraming klase… kung tutuusin, may sub-species ang mga taong may ganitong pag-uugali at kung iisipin mo, lahat ng tao ay maarte, may certain degree of “kaartehan” lang…

ang “maarte” ay nanggaling sa root word na “arte” o “art” kaya matuturing natin na isang art form ang pagiging “maarte” ng isang tao… ano-ano nga ba ang iba’t ibang klase ng “maarte”? eto ay mga obserbasyon ko na nauukol sa sa mga taong “maarte”..

Choosy – sila yung maaarte na ang daming pinagpipilian… kadalasan ay mga kababaihan ang nagpapakita ng ganitong pag-uugali pagdating sa pagkain, damit, panonoorin sa sine, make-up, at kung ano-ano pang bagay na hindi naman kailangan ng mataas na IQ para pumili…

Outbreak Scientist – sila yung mga tao na ni buhok ng bakteria ay ayaw madapo kahit sa dulo ng kanilang daliri sa paa… sila yung mga tao na laging nag-a-alkohol, gumagamit ng tissue, may hand sanitizer, at kulang na lang ay magsuot ng radiation suit para hindi makasagap ng kahit anong mikrobyo sa kapaligiran…

Model – sila yung mga tao na inaabot ng 3 oras sa pag-aayos lang ng kanilang buhok o di kaya ay aabutin ng maghapon sa pagpalit ng damit na bagay sa kulay ng kanilang pimple sa loob ng ilong… sila rin yung tipo ng mga tao na halos lahat ng kasuotan ay signature kahit sky flakes lang ang kinakain maghapon dahil walang pambili ng 2 piece chicken joy with extra rice and gravy…

Geek – dito ako nabibilang na grupo.. ito yung mga tipong mahilig sa mga bagay na may kinalaman sa teknolohiya kasama na ang mga electronics, gadgets, games, magazine at kung ano-ano pa.. sila yung mga tao na kapag nag kamali ka ng banggit ng serial number ng isang produkto ay kukutyain ka at pagmumukhain ka nilang cave man na walang alam gamitin kundi ang pamukpok na gawa sa bato…

Pa-importante – eto naman yung mga tao na gusto na sila ang center of the universe… halimbawa nito ay yung mga taong nagpapapilit umattend sa isang birthday party at kailangan pang pilitin siya para masabing hindi magsisimula ang pagtitipon kapag wala siya…

Balat Sibuyas – eto yung mga tao na mabiro mo lang ng kaunti ay parang pinagkaitan na siya ng kaligayahan.. sila yung mga tao na nagmumugto ang mata kapag may nasabi kang hindi maganda sa Iphone niyang made in china…

Tangginator – tama yang spelling ko.. dahil ang main focus natin dito ay ang salitang “tanggi”.. sila yung mga tao na lahat ng alok mo ay tinatanggihan… kahit mag offer ka ng winning lotto ticket for millions of pesos ay tatanggihan niya dahil feel niyang tumanggi…

TH – sila yung mga trying hard… lahat naman tayo ay trying hard, pero may mga tao na pilit maging trying hard… TH na nga nagpupumilit pa.. halimbawa nito ay yung mga politiko na nagpapakama-masa kuno…

Commentators – sila yung mga tao na lahat na lang ay may opinyon sa mga bagay bagay sa paligid nila.. ultimo yung mga ipis na nagse-sex ay may opinyon sila dito… halimbawa nito ay yung mga maaarte na sumasakay sa jeep tapos magrereklamo sila na maliit yung jeep, mabaho, mainit…etc…etc…

Nag-iinarte – sila yung mga tao na hindi naman maarte pero nag-iinarte.. parang inception lang…. halimbawa nito ay yung mga tao na nalamang may party at gusto niya na imbitahin siya sa party.. at kapag naimbitahan naman ay mag-iinarte na hindi siya makakapunta dahil may ibang lakad, pero last minute magbabago ang desisyon at a-attend na dun sa party…

Effortless – sila yung mga tao na sinalo lahat ng kaartehan sa mundo nung pinamudmod ito… sila yung kahit hindi bumubuka ang bibig ay ramdam mo na umaarte… sila rin ay matatawag na “gifted” dahil sa kanilang angking galing umarte…

Professional – sila yung mga artista…

eto lang naman ang obserbasyon ko.. kayo ba? may alam pa ba kayong ibang uri ng maarte… comment lang kayo kung may alam pa kayo…

8 thoughts on “maarte…

  1. ano tawag pot sa maarte na maepal? ang sagot e “SAWSAW”… mahilig makisawsaw sa mga bagay na wala naman syang concern para lang makita saka malaman ng mga tao na sya din gusto nya mabigyan ng ganitong trabaho, ganitong assignment, pero pag naibigay na sa kanya magrereklamo at mag iinarte na mahirap saka di nya kaya. ang sawsaw…. bow!

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s