FAILED…

naiinis ako sa sarili ko dahil sinimulan ko na naman ang panonood ng drama (korean, taiwanese, japanese) upang masanay ako sa hindi pag-iyak… ligid sa kaalaman ninyo, mababa ang luha ko… kaunting hint pa lang ng drama ay tutulo na ang luha ko sabay aagos ang uhog ko at hahagulgol ako to the tune of nobody ng wonder girls…

opo mga kaibigan, iyakin po ako.. kung pagmamasdan mo ang hitsura ko, hindi mo aakalain na sa laki ko na ito ay isa ako sa mga iilang kalalakihan na hindi kontrolado ang kanilang tear glands…. oo na.. sige na.. ako na.. hindi ko naman ito kinahihiya, kaya lang minsan kasi mabigat sa dibdib, lalo na kapag umiiyak ako ng walang tigil…

so mabalik tayo sa kwento.. so ayun nga.. inuunti-unti kong pigilan ang pag-iyak at sinasanay ang sarili ko na huwag umiyak dahil tinatawanan ako ng asawa ko at ng anak ko dahil nga masyadong mababaw ang luha ko… so ayan na… nanood ako ng “secret garden”, comedy.. ayos.. pero anak ng tipaklong.. may drama pala.. at walanghiya.. humagulgol ako sa bigat ng pakiramdam… FAILED….

so sige.. next drama.. “hi my sweetheart”, nakakatawa.. characters pa lang solve na.. hindi ako iiyak dito… ampota… 3 episodes pa lang basa na yung hinanda kong kumot… FAILED…

ayun.. “boys over flower” medyo alam ko ng yung story, hindi na siguro ak oiiyak dito.. ay potek.. ang huhusay umarte… gripo ang iniyak ko.. FAILED…

sunod ay ang “the greatest love”.. comedy uli.. at mukhang magwawagi na ako… pero anak ng tinapay naman… wala  pa ako sa 4th episode eh may timba na akong pambuhos sa inodoro…. FAILED…

wala na talaga akong pag-asa sa mga drama… siguro mamamatay akong ganito.. pero ang matinding problema ko pa.. kahit alam kong iiyak ako.. sige pa rin ang panonood ko… bakit? nakakabitin kasi ang storya eh… nakakakilig…

11 thoughts on “FAILED…

  1. ahahaha pots ang hilig mo manuod ng telenovela ahaha isa lang ang napapanuod ko mga binanggit mo.

    kailangan ko pa ba i share na iyakin ako? ahaha naiiyak nga ko dun sa minsan lang kitang iibigin toinks! panuorin mo baka isang drum ang iiyak mo lol… ngayon ending nun wahahaha

  2. hindi ako nanonood ng mga koreanovela kasi nabibitin ako dahil di ko nauumpisahan. pag naman nanood ako sa kalagitnaan ng series, halos patayin na ko ng kapatid ko pag paulit ulit akong nagpapakwento para maintindihan ko yung pinanonood ko. ayun, epic fail.

    at isa pa, mababaw din ang luha ko. babae na ako ng lagay na yan pero nahihiya pa rin ako pag nakikita ako ng husband o ng panganay kong anak na umiiyak sa mga pinanonood. e sigurado sa mga koreanovela lalo, na iiyak ka ng balde balde. hehe

    salamat sa pagdaan sa bahay bahayan ko :- )

  3. Engrpot! hehe, ako din ayaw ko ung mga heavy drama nakakabigat sa kalooban, ayos lang ung mayhalong comedy ng konti parang mga koreanovela . isa lang ang pinapanood ko ngayon at sinsusubaybayan hehe ang GOURMET ng GMA7. lols. kala ko nga din super light lang ang kwento aba habang tumatagal nakakaiyak nadin! =(
    pero ayos lang! parang exercise na din ng mga tearglands natin!

      1. nakow. ako din, kung nakakapayat ang pagiyak, malamang runway model na ang figure ko. hitsura na lang ni venus raj. pero, pero, pero… kahit ata sa panaginip di to mangyayari. ahahahaha!

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s