walang basagan ng trip…

nagpalit na ako ng pangalan ng blog… mahigit 3 taon ko din itong ipinangalang “kwentong barbero” dahil iyun naman talaga ang tema ng blog ko, puro kwentong barbero… pero ngayon siguro ang pagbukas ng panibagong kabanata sa buhay ni potpot.. hindi pa rin ako mag da-dot com dahil hindi pa ako ganun ka-kampante sa buhay internet ko… in time siguro kapag nakalikom ako ng mga ilang libong mambabasa… pero ang totoo.. wala lang akong pera na pambili ng domain.. yun lang yun…

so may bago ba akong ipapakita sa inyo? WALA… may kakaiba bang mga kwento kayong mababasa? WALA… marami bang mga larawan kayong kamamanghaan? WALA… may porn ba dito? KAUNTI.. pero hindi naman sa dahil nagpalit ako ng pangalan, nagpalit ng theme, nagpalit ng kasarian, eh magbabago ang paraan ng aking pagsulat… hinding-hindi mangyayari yun… eto pa rin yung blog na puro typo, blog na puro mali ang spelling, blog na puro kayabangan, at blog na walang kwenta…

maraming salamat sa mga walang sawang bumabalik-balik kahit alam kong sa pugad baboy page lang kayo nagpupunta… maraming salamat din sa mga bagong naliligaw na pagkatapos makita ang laman ng blog ay umaalis na agad… thank you kay badoodles, ang original na kwentong barbero at pinayagan niyang hiramin ko ang kanyang pangalan… maraming salamat sa mga spammers dahil kahit papaano nagpapadagdag hits kayo sa aking blog… salamat kay dra. vicky belo para sa aking lipo sa pisngi at foot spa sa mukha… thank you din kay joy lim of charms and crystal para sa malaking bato-balani na iniregalo mo… thank you din kay pareng willie dahil hanggang ngayon ay marami ka pa ring nauuto at salamat kay kuya boy abunda para sa salamin…

o yun lang muna… abangan pa ninyo ang iba pang mga kwento ko.. basta laging tatandaan… WALANG BASAGAN NG TRIP…

14 thoughts on “walang basagan ng trip…

    1. hmmm.. bakit nga ba… siguro kasi blog ko ito.. at siguro kahit ano pwede kong i post dito.. kaya naisipan ko na walang basagan ng trip kasi nga may iba na kumokontra sa trip ko.. ang haba ng paliwanag ko pero wala namang thought.. ehehehehe..

  1. parang may mga sponsors lang. haha!

    at napaclick tuloy ako sa pugad baboy page. Naalala kong nung college ay nainterview namin si Pol Medina. Mabait, mas seryoso in person. o baka likas na mahiyain lang. hehe.

  2. Alam mo naman na ako ang number 1 fan mo kaya, please lang huwag na huwag mong isasara ito, di baleng palitan mo ang iyong theme. Nasisiyahan ako dahil narealized kong very talented ka pala talaga. Nagmana ka siguro sa tatay mong kalbo? He he he he!!!

  3. alam ko naman yun mommy.. kaya nga malaki ang pasasalamat ko sa iyo… kung sa kanino ako nagmana.. mas malaki ata ang porsyento na sa iyo ako nagmana… alaskador ako eh.. eheheheh na miss ko na ang usapan natin.. sana apg uwi ko sa december wag mo muna akong sermonan.. kain tayo sa labas.. date tayo.. heheheh i love you menggay!

  4. ayun oh… nagpalit ng pangalan ng blog.. ok lang yan potski pareho pa rin ng link.. binabalikbalikan pa rin naman kita kapag nakakaluwag ako at lalo na kapag gusto ko matawa… at hindi pa ako napunta dito na hindi nalibang🙂

    tatlong taon ayiii tagal na pala naten no? 3 years na rin ako hehe…

    ps… fan mo ako😉

    1. buti naman at napapatawa pa rin kita adelle.. happy anniv! 3 taon na pala.. eheheh di pa tayo nagkikita sa totoong buhay.. ang layo mo kasi.. ayy mas malayo pala ako.. eheheheh balang araw magkikita rin tayo…

      kinilig naman ako nung sinabi mong fan kita.. yiheee!! *blush*

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s