uyyy….

sabi na nga ba at ikaw ang nakita ko sa facebook eh… long time no see ah… kamusta ka na ba? mukhang malaki na ang pinagbago mo mula ng maghiwalay tayo ng landas… ano na bang balita sa iyo?

aba, hindi ko akalain na marami kang binago sa sarili mo.. hindi lang pangpisikal kundi ang kabuuang pagkatao mo… naaalala mo pa ba noon? kapag biyernes ng gabi… tayo lagi ang magkasama hanggang madaling araw.. sabi ko na walang tulugan kapag kasama kita, at hindi mo naman ako pinapahiya kapag kinailangan kita… those were the days…

natatandaan mo pa yung nung gabing umuwi ako galing sa mga pinsan ko, hinihintay mo pala ako sa kwarto ko, medyo nakainom ako noon, kaya nga nung nakita kita, hindi na akong nagdalawang isip… dali-dali kitang ginamit dahil nasabik ako sa iyo…

ngayon nagkita tayong muli, medyo may hesitation pa ako.. ilang taon na rin ang lumipas.. 8? 10 years? hindi na ako tulad ng dati na kayang magpuyat.. pero salamat at hindi ka pa rin nakalimot na bisitahin ako.. buti nga at nagkita tayo sa facebook…

siyanga pala…. wag mong sasabihin sa asawa ko na nagkikita tayo… magagalit yun.. kilala niya ako pagdating sa mga tulad mo… at siguradong giyera na naman kami pag madiskubre niya na nagkabalikan tayo…

teka.. bakit nagpopost ka sa wall ko? huwag! maraming makakalaam at sa malamang makikita na may ginagawa tayong kalokohan! please.. wag mong i-post yang mga yan!!

haaayy.. malaki na nga pinagbago mo… hindi lang pala ako ang napapaligaya mo.. kaya siguro nasa facebook ka na dahil alam mo na pang masa ang appeal mo… sorry.. pero kailangan kitang tanggalin sa facebook ko para hindi na kita makita pang mula… pero salamat at napaunlakan mo ako… nag enjoy ako.. pero eto na ang huli.. i will totally remove you from my list…

kahit nanginginig pa ang aking mga kamay at naninigas ang aking mga daliri.. pipilitin kong tanggalin ka sa facebook ko.. dahil alam kong mapapadali kang maalis sa buhay ko kung ganyan ang gagawin ko…

paalam…SIMS SOCIAL…. hindi na kita lalaruin… pinagalitan ako ng asawa ko dahil sa iyo… tigilan na daw kita… eh hindi mo naman kasalanang nakakaaliw ka.. pero tama na… hinihigop mo lagi ang natitirang lakas ko sa gabi… goodbye SIMS SOCIAL!!! GOODBYE! FOREVAAAAAAAAHHHHH!

13 thoughts on “uyyy….

  1. knew it! I just did not know kung ano sa mga bagay bagay sa mundo ang kinalokohan mo. sims pala. haha! di ako makarelate kasi di ako mahilig maglaro ng games sa pc.🙂 but when I asked my eldest last night kung ano na ang mga laro sa FB, ang sinabi niya agad saken ay SIMS. lagot.🙂

    1. wow! kinilig naman ako… hihihi.. maraming salamat ng sobra sobra! huwag ka sanang magsawa sa pagbasa, kahit corny ang mga post ko!! muli salamat!! hihihi *kilig*

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s