nood…

holiday kahapon at dahil masipag ako, napagpasiyahan kong mag marathon ng isang jdrama na hindi ko sasabihing proposal daisakusen ang pamagat.. sa mga hindi nakakaalam, oo, adik ako sa panonood ng drama, lalo na ang korean at japanese drama… marahil nagtataka kayo kung bakit ko ito nakahiligan.. hindi dahil sa bakla ako or malambot ang puso ko.. dahil wala akong pera para lumabas ng bahay at ito ay isa sa naiisip kong libangan sa loob ng bahay.. yung isang libangan ko ay nangangailangan pa ng lotion.. at alam naman nating magastos din ang lotion… kung ano mang ang iniisip ninyo tungkol dun sa lotion… wag sana ninyo isipan ng masama, dahil ipinapahid ko lang ito sa maitim kong siko.. yun lang…

sa dami na ng napanood kong drama, mas naiiyak ako sa korean drama, hindi dahil naiintindihan ko ang kanilang pinagsasabi, kundi dahil mas ramdam ko ang emosyon na binibitaw nila sa kausap at ang kanilang mga kilos ay napaka husay… hindi matatapos ang isang episode ng isang drama ng hindi tumutulo ang luha ko sabay ng pag agos ng uhog ko.. kulang ang isang labakara para masalo ang luha at sipon… maganda rin ang mga soundtrack nila at saktong-sakto sa mga madadramang tagpo… ang napuna ko lang sa drama nila, na kapag malapit ng matapos ang serye, parang minamadali nila ang lahat.. siguro yun ang kanilang paraan para hanggang sa huli ay manood pa rin ang mga tao, pero parang sa sobrang bagal ng build up sa mga naunang episode, tapos biglang bibilis sa huling 2 episode, parang nakakainis, may closure pero parang minadali…

ang japanese drama naman ay maganda rin.. maganda silang mag pakita ng storya ay siguradong nakakaaliw… magagaling silang umarte, at kada bigkas nila ng dialog ay puno ng emosyon.. mahusay din ang soundtrack nila… kada episode ay tapusan at may closure sa bandang huli… ang problema lang.. masyado silang stiff.. makikita mo lang ang emosyon sa salita pero kulang ang emosyon sa physical.. kapag naiyak ang isang kaibigan.. hindi man lang ito lalapitan para i comfort.. mag didialog lang sila.. walang physical contact… siguro takot sila sa germs…

mahilig din akong manood ng mga american sitcoms.. hindi ko mapigilang tumawang mag-isa kapag nakakatawa ang eksena… ang nakakalungkot lang sa mga sitcoms ng mga kano ay kapag hindi ito tinatangkilik ng karamihan, kahit hindi pa tapos ang serye ay agad itong pinapuputol ng network… sabagay, mahalaga ang ratings.. diyan sila kumikita…

mahilig din akong manood ng anime.. at gusto ko yung medyo comedy para naman masayang manood.. madrama na nga ako, pati ba naman yung anime na papanoorin ko ay drama rin… wag ganun…

pagdating naman sa pelikula, nakakahiligan ko ang mga romantic comedy at suspense thriller.. gusto ko rin yung nag-iisip ako habang nanonood para naman ma exercise ang utak…

trivia nga pala tungkol sa akin.. kapag nanonood ako ng ng sine ay seryoso ako.. ayoko ng maraming tanong kapag nanonood ng sine… at ayoko din ng masyadong manyak habang nanonood.. kung gusto kong makipag manyakan, eh di sana sa motel ko na lang dinadala ang mga kasama ko sa sine.. tulad ni bert..

3 thoughts on “nood…

  1. alam mu parehas tayo ng hilig korean drama movies at anime ang pinapanuod ko gusto ko ung korean drama dhl ang galing nlang magtahi ng storya di o.a at naka2alw sa sbrang hlg ko nga eh gusto ko ng gumawa ng akn. d nga ko nanu2od ng pinoy teleserya ang panget kc tlaga mataas na kc standard ko eh

  2. tama ka…ako certified movie adik at tv adik…

    *korean movie at tv series…
    lalo na pag c ha ji won ang pinapanood ko… (sya yung bida sa secret garden) ang ganda nya sobra… ndi ko makakalumitan yun movie nya na miracle of giving a fool… bsta maganda sya.. period.

    *american sitcoms.. syempre walang tatalo sa FRIENDS.. mabubuhay at mamamatay akong friends fanatic… ganda ni jennifer aniston sobra…

    at pag sa

    *japenese nmn anime at cartoons lng tlg nila maganda panoorin
    DORAEMON, DRAGONBALL, FLAME OF RECCA, SAILORMOON,
    GUNDAM WINGS, SLAMDUNK, DETECTIVE CONAN, AT SAMURAI X….

    SLMT… MALIGAYANG PANOOD… MABUHAY KA!

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s