karaokehan…

aminin man natin o hinde, ang mga pinoy ay likas na mangangawit… kahit sabihin natin na sintunado lagi ang boses ng karamihan, wala pa ring makakapigil sa pambansang libangan.. hinde sex.. kundi ang KARAOKE…

sinasabi nila na ang mga pinoy ay nagiging malaya kapag kumakanta.. sa kubeta, sa sala, sa kwarto, sa karaoke bar, sa kalsada, sa jeep, o kahit saan man, naipapakita natin ang pagiging passionate sa pagawit.. kaya nga kahit anong okasyon ay nakakapag karaoke ang mga pinoy… eto ang mga kapansin-pansing pag-uugali ng mga pinoy kapag nasasabak sa kantahan sa loob ng karaokehan…

– kapag kasama ang tropa at nasa karaokehan, nagkakahiyaan pa ang iilan at hinahayaang yung may mas makapal ang mukha ang mauna sa kantahan…

– lahat ng mga kantang pipiliin ay may idinudugtong na kwento sa buhay ng kumakanta…

– kulang na lang ay isubo ang buong mikropono kapag napapakanta ng mga matataas na tiklado…

– kalahating oras na pipili sa song book at kapag hindi nakita ang kanta na gusto, ipapasa ito sa katabi.. maghihintay ng 2 minuto sabay haltak muli ng song book dahil may naalalang bagong kanta… kalahating oras uli siyang maghahanap..

– sumasayaw kahit love song ang kinakanta…

– payabangan sa score kahit alam na palakasan lang ng boses para makakuha ng 100 points…

– pinipintasan ang mga modelo ng video…

– ang mga beterano ay siyang pipili ng 10 kanta na sunod-sunod.. at kapag ikaw na ang kakanta, makikiduet pa…

– ang lalake ay kinakanta ang pang boses na babae at vice versa…

– pahambol epek kapag nasabihang magaling kumanta…

– yung mga hindi mahilig kumanta, bumabawi sa inom at kain….

– nagkakaroon ng tuksuhan kapag may inalayan ng love song….

– nagpapractice ng talumpati dahil sa kawalan ng tono…

– hindi nawawala ang kanta na “bakit ngayon ka lang” sa listahan ng kakantahin…

– kadalasang “closing time” ang huling kinakanta bago mag-uwian..

kayo ba… may napupuna ba kayo kapag nagkakaraoke kasama ang mga kaibigan at mahal sa buhay.. share mo naman…

2 thoughts on “karaokehan…

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s