sweldo…

ang yabang ko pa dahil mahigit 20hrs ang overtime ko noong october, at expected ko na medyo mayaman ako ngayong sweldo.. pero sa kasamaang palad, isang araw lang ako mayaman, at balik dukha na naman ang beauty ko hanggang dumating uli ang susunod na sahod… hindi ko alam kung maliit ba ang sweldo ko o talagang malupit lang ang tadhana at pinamumukha niya sa akin na hindi ako deserving maging mayaman… bakit? kutis bayag naman ako at kahit papaano ay may alam akong 5 salita sa wikang inggles.. you know? yes? no? alright!

isa lang naman ang lagi kong sinasabi kapag kinakapos lagi ang sangkaperahan… TIIS…

mahirap din kasi ang nagtatrabaho sa ibang bansa, akala kasi ng mga nasa pinas eh naliligo kami ng salapi, pero ang totoo ay mas dobleng sakripisyo ang ginagawa namin dito…

hindi naman sa nagtitipid, pero dumating sa punto na pagbukas ko ng ref ay isang pitsel ng tubig at dalawang tray ng yelo ang sasalubong sa akin ng bonggang-gongga…

kadalasan, 2 beses lang ako nakakakain sa maghapon para medyo tipid… saka isang stick ng stik-o para merienda…

kung minsan naman, itlog at kanin o ‘di kaya’y noodles at tinapay ang hapunan… pwede ring patis at kanin…

TIIS…

mas masarap pa rin ang buhay sa pinas kung tutuusin, pero ginagawa ko ang lahat ng ito para sa mag-iina ko… oo, kahit mukha akong baklang maton… may pamilya ako na kailangan kong suportahan.. at handa akong magsakripisyo para mabigyan sila ng magandang buhay… kaya nga lahat na lang ng klase ng pagtitiis ay ginagawa ko para sa kanila… matinding pagtitiis… mas matindi pa kaysa sa pagkakaroon ng constipation habang nakaupo ako ng 30 minutos sa inidoro para lumabas ang ga-kamaong tubol na ayaw lumabas dahil virgin pa ang butas ng pwet ko… pero hindi ko pa naranasan yan.. hinalintulad ko lang…

TIIS…

pabor din naman sa akin ito.. para kahit papaano eh mabawasan ang 48 inches kong bewang… pinapangarap ko kasing magkaroon ng billboard sa kahabaan ng EDSA.. pagbigyan na ninyo ako.. pangarap lang naman…

kaya nga nung nag-withdraw ako ng pera sa ATM.. 5 minuto ko munang nilasap ang pagiging don potpot ko.. at pagkatapos nun, diretso remit papunta sa account ng asawa ko… alright… ako na ang mayaman.. for 5 minutes.. ako na… ako na…

15 thoughts on “sweldo…

  1. mabuhay ang mga magigiting na OFW! i feel for u p0tsiekels dahil ako ay kabilang rin sa mga nag-sasakripisyo para sa mga mahal natin na naiwan sa pinas. saludo ako sa mga mapagTIIS na manggagawa sa abroad. pagpalain nawa tayo🙂

    God bless!

  2. Hindi lang sa OFW yan nangyayari. Nung Martes, akinse, sweldo. Ang saya at ganado akong pumasok sa trabaho! Bukod kasi sa sweldo ay ibibigay na ang 13th month, maaga talaga magbigay ng 13th month tong kumpanya ko. Ang saya talaga! Nag-early lunch ako para dumaan sa bangko, pumunta sa Pag-IBIG, magbayad ng insurance at credit card. Pagbalik ko galing lunch, malungkot na ako. Darn credit cards!

  3. sobrang relate ako sa 5 minutes of being rich mo..LOL ganyan rin ako pag dumating na yung sweldo, naprapraning ako kung paano ko gagastahin…hindi sa sobra siya kundi dahil ito ay KULANG na KULANG..hahaha

  4. Kaya pala tinawag kayong mga bayani, kahit na ito ay sa salita lang at pagpugay, pero pag dating na panahon na kayo ay hilahod na ni ang bayan mo, ni ang ahensiya mo, ni ang mga sinasabi mong kaibigan mo, ni ang mga iba mong kamaganakan, ni ang kapitbahay mo, WALA, WALA kang dapat asahan, dahil diyan ang oras ng subukan. Salamat naman at very responsible ka sa iyong pamilya, at proud ako dahil nalaman mo na bilang isang ama ng tahanan, ikaw ang kanilang inaasahan, come rain, come shine. Nagpapasalamat din ako sa Panginoong may kapal, na lumaki kang walang bisyo (alak/sugal/babae/barkada). Patnubayan ka ng Diyos at panalangin ko na sana, ang mga pangarap ninyong mag asawa ay matupad sa lalong madaling panahon.

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s