parent…

kausap ko ang asawa ko kahapon ng binulungan siya ng panganay ko tungkol sa isang kaklase niya.. sinabihan daw siyang “bakla” pero dahil hindi maintindihan ng anak ko kung ano ibig sabihin noon, hindi niya ito pinansin, ipinaliwanag namin sa kanya ng sa gayon ay hindi siya maguluhan kung ano ba ang ibig sabihin noon…

pagkatapos mapaliwanagan ang panganay ko, agad ko naman kinausap ang asawa tungkol sa pag-uugali ng mga kakalase ng anak namin… hindi ako galit o takot sa salitang bakla, pero hindi kasi magandang pakinggan galing sa mga 8 taong gulang na bata na sabihan ang kapwa bata ng ganun…

ang totoo, hindi pa nila naiintindihan ang ibig sabihin nun… kung napapanood man nila ito sa telebisyon o naririnig sa kapaligiran natin, dapat naipapaliwanag ng mga magulang sa mga anak nila na hindi magandang asal na tawaging isang “bakla”, “tomboy”, “bading” o kahit ano pa ang kapwa nila kung di naman nila naiintindihan kung ano ba ang salitang iyon…

bilang magulang, responsibilidad natin ang gabayan ang paglaki ng mga anak natin… gusto ko sanang kausapin ang teacher, principal at magulang na paano nila maipapaliwanag ang mga bagay na hindi makakasakit ng damdamin ng iba… kesyo ang sinasabi ng mga guro ay wala na sila sa klase kaya hindi na daw ito sakop ng kanilang responsibilidad… syet.. the fact na tinatawag kayong pangalawang magulang ng mga estudyante ay dahil pinagkatiwala namin ang mga anak namin para maturuan ninyo ng tamang asal…

gusto ko ding sabihan ang mga magulang na maging sensitibo sa kapaligiran ng sa gayon ay lumaking tama at may responsibilidad sa lipunan ang aming mga anak…

tulad ng sinasabi ko sa asawa ko na palalakihin namin ang mga anak namin sa alam naming tama at makakabuti sa kanilang pagkatao.. pero kapag dumating ang panahon na makakapag desisyon na sila para sa sarili nila, hindi namin sila pipigilan…

bilang isang magulang na nagsusumikap para magapang ang edukasyon ng aking mga anak, ayaw na ayaw kong nakakarinig ng inaalipusta at inaaway ang aking mga anak… hindi ako papayag na tapak-tapakan ng kahit sino man ang kakayahan ng aking mga anak… at lalong hindi ako papayag na ipagsawalang kibo ang mga kaganapan sa kanilang paaralan, lalo na at mga anak ko ang apektado sa kawalang modo ng iba…

uminit lang ang dugo ko kagabi dahil hindi tama… maling-mali.. kung nandun siguro ako, nasabunutan ko na at nakurot sa singit ng pinong-pino yung maharot na batang yun… ‘tsura niya!

5 thoughts on “parent…

    1. kalerkey kasing mga kabataan yan.. pero ok na.. napaliwanagan na naman namin ang panganay ko.. sabi ko halikan niya kapag sinabihan siyang bakla.. lalo na kapag gwapo.. ahahay!

  1. Sa pagbabasa ko nito, nakikita ko talagang mahirap maging magulang. Ang daming responsibilidad sa anak bukod sa pagbigay ng makakain. Basta. Pag-iisipan ko dalawang ng ilang libong beses bago ako maging magulang.

    1. mahirap na masarap.. pero dito ko napatunayan na lahat ng sinabi ng nanay ko noong uhugin pa ako habang hinahampas niya ako ng bakal na tubo, ay totoo pala… mahirap ngang maging magulang at minsan ang mga anak a binabale-wala ang ginagawa ng magulang… ‘wag ka sanang ma-discourage.. masarap ang may anak… masarap ang may nauutusang kunin ang tsinelas kapag tinatamad kang tumayo sa pagkakaupo mo sa sofa….

  2. Talagang masarap ang may pamilya, lalo na kung ikaw ay may mga anak na. Ang pagkakamali mo lang sa aking pananaw, ay minadali mo ang pagaasawa. Parang ang dating ay di ka masyadong nag enjoy sa iyong pagiging binata. Marami ka pa sanang naranasan na hindi mo na magagawa kapag ikaw ay isa ng responsableng ama. Ang parati mong iisipin ay ang kapakanan ng iyong pamilya, mapagtapos ang iyong mga anak sa pagaaral at maitaguyod mo ang matagal mo ng minimithi na magkaroon ng sarileng pangkabuhayan. Pag nakamit mo na ito, umpisahan mong asikasuhin ang iyong pagtanda ng hindi ka na problema pa ng iyong mga anak.

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s