nuknukan ng tipid…

sa panahon ngayon, hindi na uso ang pala-gastos.. kesyo mayaman ka sa utang o mahirap kang pakisamahan, lahat tayo ay kinakailangang magtipid.. eto lang ang mga tips na pwede nating gawin para maging MAS matipid tayo sa pang araw-araw…

– pagtitipid sa tubig

1. imbes na idura ang huling mumog sa pagsisipilyo, siguraduhing lunikin ito.. mayaman ito sa flouride na nakakabuti sa katawan.. at minty flavor pa ito…

2. ang pinagbanlawan ng medyas ay maaaring gawing pansabaw sa tinola o sinigang… ang karagdagang asim at alat na galing sa medyas ang magpapasarap sa lutuin…

3. kapag naliligo, gumamit ng batya para masalo ang tubig na pinangbuhos sa katawan.. pagkatapos ay ibalik sa drum para magamit ng susunod na maliligo…

4. sabi nga ng matatanda.. conserve water, take a bath together…

5. ang pinagsabunan sa labahan ay pwedeng ipunin para pwedeng pangbuhos sa inodoro… ‘wag lang kalimutang ikula ang inodoro pagkatapos gamitin ang tubig na pinaghugasan ng damit…

– patitipid sa kuryente

1. maghanap ng kapitbahay na marunong magkabit ng “jumper”…

2. makipag-kaibigan sa mayamang kapitbahay ng sa gayon ay pwede kang makinood sa malaki nilang flat sceen TV…

3. matutong gumawa ng mahabang extension cord na aabot sa outlet ng kapitbahay.. isaksak at gamitin ng walang humpay..

4. puluputan ng kadena at ikandado ang ref.. siguraduhing every week lang ang pagbukas nito at maglagay ng log sheet kung sino man ang mapangahas na magbubukas ng wala sa araw.. ibitin patiwarik sa puno ng kalachuchi at lagyan ng efficascent oil ang kili-kili bilang parusa sa ginawang pagbukas ng ref…

5. magtunaw ng 1 kilo ng asukal sa 1 tasa ng tubig, palamigin at ipaligo sa metro ng kuryente.. siguraduhing pagpipyestahan ng mga langgam ang metro ng sagayon ay bumagal ang pagtakbo nito…

– pagtitipid sa pamasahe…

1. maghanap ng syotang may sasakyan at araw-araw magpasundo’t hatid…

2. matutong mag 1-2-3 sa jeep para libre ang pamasahe…

3. matutong mag-abot ng bayad sa jeep o FX at ‘wag sasabihin ang “mama, bayad DAW po”.. laging gamitin ang mga katagang “mama, bayad po”…

4. magnakaw ng uniporme ng mga tagalinis sa LRT at MRT.. magpagawa rin ng pekeng ID para hindi ka na bibili ng ticket bagkus ay gamitin ang “entrance” ng mga staff…

5. magpagawa ng pekeng school ID para magkaroon ng discount sa mga sasakyan…

eto lang ang ibang tips na pwede nating gawin kung makapal ang mukha natin o di kaya ay hindi tayo tao… siguraduhin magkaroon ng bukas na isipan at ‘wag kalimutang lahat ng sinasabi ko dito ay 100% effective with 90% failure rate…

kayo ba, may alam ba kayong kalokohan paraan sa pagtitipid.. share naman ninyo…

11 thoughts on “nuknukan ng tipid…

  1. Nakapunta ka na ba sa binyagan na wala kang ideya kung sino ang nanay o tatay ng bininyagan at ang tanging dahilan sa pagpunta ay dahil sa libreng pagkain? Ako? Tatlong beses na yata. (:

  2. ako nakiiyak sa burol nung di ko kakilala nakita ko kasi may letchon sa likod bahay nila, may kainan after ng libing.. LOL

    Ang dugyot nung paliligo sa batcha tapos ibalik sa drum dahil gagamitin pampaligo ulet. LOL kala ko gagamitin pambuhos ng tae. LOL

  3. ang pinagsabunan sa labahan ay pwedeng ipunin para pwedeng pangbuhos sa inodoro << ay ginagawa ko iyan noong nagpunta ako sa probinsya…nakakahiya kasi sa kanila if you will waste some water kasi ang layo parang sampung tambling nasa langit kana ang pagkukuhanan nila ng tubig..LOL

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s