paglaki ko…

habang papasok kanina sa opisina, may nakasabay akong magandang babae na malaki ang boobs,  at bigla kong naisip noong bata-bata pa ako kung anu-ano ba ang mga gusto kong trabaho paglaki ko… marahil magtatanong kayo kung ano koneksyon nung babaeng nakasabay ko sa tren kanina… wala lang.. naikwento ko lang…

1. Beterinaryo – maawain kasi ako sa mga hayop, lalo na sa mga kuting.. sa lugar kasi namin, nakikita ko kung paano ma-torture ang mga kuting… walang sinabi ang mga ginagawang pag-hazing sa mga frat… mas malupit ang mga bata sa amin kung maltratuhin ang mga kuting sa lugar namin… naaawa ako, kaya ipinangako ko sa sarili ko na paglaki ko, magiging beterinaryo ako… FAILED…

2. Artista – marahil naipaliwanag ko na sa inyo ito dito kaya di ko na ito uulitin pa… https://potsquared.wordpress.com/2011/02/09/propesyon/

3. Pari – sa maniwala kayo o hinde.. pero sa malamang hinde, eh ninais kong mag-pari noong 4th year high school ako…sa katunayan, kumuha ako ng exam sa pag-papari at sa maniwala kayo o hindi, at siguradong hindi, eh pumasa ako ng bonggang-bongga… sa totoo lang, kung nagpari ako, sa malamang lang, nasa labas na ako ng seminaryo dahil napatalsik nila ako… ang dahilan? masyado akong gwapo.. NAKS!

4. Sundalo – CAT officer ako noon at napakahusay ko sa drills… pinag-isipan kong mabuti kong magpi-PMA ako pero sa pagkakatanda ko, ayaw yata ng nanay ko.. natatakot daw siya… o ako ata yung takot? ayoko kasi ng hazing… napakakinis ng pwet ko para sa paddle…

5. Teacher – hanggang ngayon ay nais ko pa ring magturo.. hindi ng kalokohan, kundi ng kahit ano na akma para sa akin.. naniniwala ako na magiging epektibo akong guro dahil mahusay akong magpaliwanag at mabait ako sa estudyante.. at siguradong wala akong ibabagsak, dahil naniniwala ako ng ang estudyante ay hindi lamang sa mga exams natututo… *bow*

6. Negosyante – oo.. at sa tingin ko naipaliwanag ko na rin yan dito sa post na ito… https://potsquared.wordpress.com/2009/04/21/kumikitang-kabuhayan/

7. Kusinero – ilang taon din ang pinagsamahan namin ng kusina namin dahil dito ako natuto ng mga gourmet na pagkain tulad ng piniritong itlog at maling con kechup.. naisip ko na pwede akong mag enroll sa mga culinary school, pero kamusta namang ang presyo ng tuition fee.. hindi kami ganun kayaman para mapag-aral ako ng mga magulang ko sa ganoong klaseng paaralan.. kaya hindi ko na ito pinangarap pang muli…

8. Comedian – medyo pakiramdam ko naman na pwede ako sa comedy bar noon, yun nga lang hindi ako mahusay kumanta at mahirap magpanggap na pumipilantik ang daliri ko sa gabi… kaya nga kapag kasama ko na lang ang mga kaibigan ko, saka na lang ito pumipilantik.. para mapatawa ko sila…

9. News Reporter – ilang beses na akong nagtangka na madiscover noong nagtatrabaho pa ako sa isang broadcasting network na maliit magpasweldo… pero siguro yung beauty ko ay matatalbugan si marc logan kung sakaling matanggap ako… threatened siya kaya hindi siguro ako na discover…

10. Pornstar – noong kabibinata ko pa lang, napaisip ako kung maging isang pronstar ako.. makakatira ka ng iba’t ibang babae/lalake at higit sa lahat libre ang sakit mo kung di ka mag-iingat.. pero hindi ko tinuloy kasi maliit… maliit yung kikitain ko dahil bibihira naman ang gumagawa ng pron sa pilipinas… at saka hindi gaanong mahaba… ang pasensya ko… at saka mabilis akong labasan.. ng pawis sa palad dahil pasmado ako kapag kinakabahan.. atsaka… ang tawag sa buhok sa pagitan ng bigote at balbas….

kayo ba? may ninais ba kayong trabaho bukod sa kinalalagyan innyo ngayon… SAGOT!

14 thoughts on “paglaki ko…

  1. parehas tayo sa ilang bagay pre:

    pari – pinangarap ko ring magpari noon.
    sundalo – kung hindi lang ako pandakekok, baka nag-pma ako.
    teacher – hanggang ngayon, iniisip ko pa ring maging guro. kung hindi man ngayon, baka sa hinaharap pag retired na ako sa work ko ngayon. gusto gusto kong maibahagi ang nalalaman ko sa ibang tao.
    negosyante – gusto kong may negosyo ako para kahit kailan ko gustong magresign (o mapatalsik dahil sa kalokohan), may aasahan akong ibang pagkakakitaan.

    apir!😀

  2. Magaling ka talagang magturo, kaya nga ang sabi ko sa iyo ay mag master ka. Magnegosiyo ka rin dahil yang business, diyan mayruong jackpot at kasakasama mo pa ang iyong pamilya. Kaya ang dami mong gusto nuong kabataan mo, dahil kulang ka nga sa focus. Wala ka ring tiyaga at ang madalas mangyari hanggang umpisa ka lang. Ni hindi mo nga pinagaaralang mabuti ang napili mong profession. Ni ayaw mo ngang tumanggap ng responsibilidad. Ayaw mo ring humawak ng tao. Kahit ngayon, kapag tatanungin ka, wala ka pa ring nakukursunadahan, di ba?

    1. ayokong mag master, eh yung lisensya ko nga bilang enhinyero ay nabale wala lang eh, yan pa kayang masters degree na yan? yung pagtuturo darating yan.. siguro pag matanda na ako… lahat naman ay nagsisimula sa umpisa.. simple lang naman yan eh.. kung sa simula, hindi mo na gusto, wag mo ng ituloy.. kaya siguro marami akong inumpisahan na hindi tinapos…. yang negosyo naman ay naka focus na ako, kaya nga ako nagiipon din.. saka ako na rin magtutuloy ng negosyo mo balang araw… ayoko ng responsibilidad dahil ilang beses na akong binigyan niyan ng walang kapalit.. sabihin mong mukha akong pera, pero hindi mabubuhay ang pamilya ko ng walang pera… ayokong humawak ng tao dahil alam ko ang kapasidad nila.. sila rin ang sasaksak sa iyo sa likod…

  3. gusto ko maging isang host sa mga comedy bars.. muntik ng mangyari yun. nakapasa na ako sa interview nang hindi ko man lang namamalayan, ng hindi man lang ako nakaka akyat ng stage — hindi ko lang maisip kung bakit ko inayawan??? ah alam ko na, kasi mukhang mawawalan ako ng tulog dahil ang show e lunes hanggang sabado, wala ng gimik!

  4. news reporter – since grade 3 yun ang pangarap ko. hindi ko na na- pursue kasi nung high school may nakapagsabi sa akin na bawal daw ang may pangit na mga ngipin.

    psychologist – feeling ko i’m sensitive sa pakiramdam ng iba. kaso napansin ko pati ata mumo nasama ko sa over. saka habang tumatagal naisip ko bat ko pa kailangan problemahin ang problema ng iba. hindi ako chismosa.

    crew sa video shop – di ba nauso yung mga video shop dati at mahilig akong manood ng pelikula. alam mo na kung bakit hindi nag-prosper ito. hehehe

    lawyer – gusto ko kasi maging matikas at tingin ko kaya kong magsaulo ng batas. eh kaso wala pa lang katapusan ang pag-aaral kapag lawyer ka. Encyclopedia nga wala ako, library pa ng law books?!

  5. private detective – ginusto ko yan dala nang kababasa ng mga nancy drew books noong nasa elementarya pa lang ako.

    doktor – di ba ito ang laging sinasagot pag may nagtanong nang “what is your ambition?” (na sa totoo lang e ang panget pakinggan pala) pero gusto ko talaga noon maging doktor kasi napakaprestigious nyang trabaho pero natuklasan kong hindi malakas ang loob ko sa dugo.

    lawyer – isa pang palasak na sagot sa what-is-your-ambition question. pero ginusto ko talagang kumuha ng abugasya matapos akong mag-journalism, pero sa kasamaang palad, may mga bagay na nangyari at di ito natuloy. pero para pa rin naman akong abugada kapag nakikipag-away ako.

    newscaster/reporter – nagtapos ako ng journalism e. kasama diyan ang pangangarap nito. pero narealize ko na walang pera sa ganitong trabaho unless sikat ka na. wala ka ring pahinga dahil 24 oras kang panig sa katotohanan, panig sa pagbangon ng bayan, haha

    teacher – i still dream of becoming a teacher. i would prefer teaching elementary students kasi naniniwala akong dapat magkaron ng magandang pundasyon ang basic education nila. yun na lang subject-verb agreement napakahalaga. at hindi lang sa ingles yan ha, pati sa filipino, parang wala nang alam halos ang mga bata.😦

    chef – gusto kong magluto ng masasarap na pagkain. wish ko lang talaga marami akong alam at pwede akong sumabak sa master chef.

    civil engineer – tatay ko kasi yan ang trabaho at ginusto ko talagang maging katulad niya.

    lahat naman yan hindi naging totoo. anong trabaho ko? hindi ko alam pano idefine ang trabaho ko e. ang alam ko, aliping sagigilid ako o sa ingles e corporate slave. ahahahha!

  6. Bulbol…yun ang sagot ko sa huling tanong mo…ang tawag sa buhok sa pagitan ng balbas at bigote…hihihihi wala lang!!

    marami din akong naging pangarap dati..wala lang..walang nangyari sa lahat at dalawa na nga don ang maging saleslady ng SM at makapag Japan,hihihi ang dahilan ng dalawang yan eh dahil sa lahat sila gumaganda at pumuputi..ahahahaha

    1. uso na pala ang bulbol sa mukha.. amfpt…

      gamit ka ng chinchansu.. pampaputi… o di kaya heno de liha… yung pangbakal para di lang libag ang tanggal, kundi pati ang balat…

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s