buhok…

ang isa sa pinakaimportanteng bagay para sa isang lalake ay hindi ang kanyang virginity, hindi rin ang kanyang kakisigan, lalong-lalong hindi ang kanyang kagwapuhan, kundi ang kanyang buhok… oo, tama kayo ng basa, ang buhok…

may sikat ngang sinasabi si rene requestas sa isang pelikula.. “guluhin mo na ang lahat, huwag lang ang buhok ko..”kung baga sa pamantayan ng tunay na lalake… ang pagkakaroon ng maayos at malagong buhok ay isa sa mga patunay ng pagkalalake kahilera ang pagsuot ng pink na polo at pagpapamanicure/pedicure na may kyutiks…

ang lalaking nakakalbo/napapanot ay maihahalintulad din sa babaeng wala o maliit ang boobs… pwede mo rin itong ihalintulad sa matandang kumakain ng kropek ng walang pustiso… sa madaling salita.. ang buhok ay necessity para sa mga lalake…

pero may mga taong tanggap ang kanilang kapalaran pag dating sa kanilang buhok… kadalasan ay maihahalintulad natin sila sa mga pasyenteng may sakit na cancer dahil parang ilang ulit silang nagpa chemo sa kintab ng anit nila… dapat ay sanay ka rin na matawag na may HIV or may AIDS (Hair Is Vanishing at Anit Is Definitely Showing)…

saan ba patungo ang kwento ko? well.. sa totoo lang… matagal na akong umaasa na makalbo… bakit? dahil yun ang mindset na itinatak ng mga magulang ko sa akin noong kumakain pa ako ng kulangot…

simula ng magkamalay ako sa mundong ibabaw, kinundisyon na ako ng mga magulang ko na balang araw ay mapapaso sa sinag ng araw ang bumbunan ko… at kahit takot ako sa magiging kapalaran ng aking buhok, unti-unti ko itong tinanggap at pinagdasal na lang na kung kukunin man sila ni Lord, eh dalhin sila sa salon…

ngayong nasa edad na ako na dapat ay wala ng wind resistance ang anit ko, eh masaya ako’t tumutubo pa rin kahit papaano ang aking buhok, wavvy nga lang… pero kitang-kita na ang receding hairline na hindi na maitatago ng bangs ko na iilang hibla na lang din ang natitira.. pero in-fairness.. pwede pa akong magpahaba ng buhok hanggang balikat, para lang marinig ko ang mga katagang.. “mahangin ba sa labas?”

pero dahil handa ako sa nalalapit na katapusan, inuunahan ko ang tadhana at talagang pinipilit kong magpakalbo sa barberya.. kung baga kailangan ng mental conditioning para hindi na ako mabibigla at matatanggap ko ang masaklap na kapalaran na inihain sa akin…

pero may sinasabi sila na kapag masamang damo, hindi basta-basta namamatay.. malakas talaga siguro ang fighting spirit ng mga buhok ko kaya kahit anong paggamit ng labaha sa anit ko, ay tumutubo at tumutubo ito…

sa ngayon, hahayaan ko na lang siyang tumubo at siguro napapanahon na rin na matuto akong mag ayos ng buhok.. kung sa bagay, kung nakatirintas naman ang buhok ko sa kili-kili, bakit di ko magawa sa buhok ko sa ulo… o di ba?!?

14 thoughts on “buhok…

  1. Potpot, dapat mong malaman na may lahi ka kasing kalbuhin kaya bata ka palang ay inuunahan ka na namin ng sa gayun ay matanggap mo ito ng maluwag sa iyong kalooban. Macho nga kapag kalbo ka eh di ba? Tingnan mo na lang sina Telly Savala, Bembol Rocco at Yul Bryner. Mas walang buhok, mas lalake ang dating.

    Ang hirap talaga kapag di mo ito natanggap. Tulad na lang ng iyong ama, napaka laking pera ang naitapon dito sa lecheng buhok na ito. Di bale sana kung pera niya ang ginagastos eh, ang masaklap dito, pera ko ang nagagamit. Akala niya poging pogi na siya, pero di niya alam, na kapag nakatalikod siya, pinagtatawanan siya ng mga taong alam na siya ay naka peluka.

    Ayokong mangyari sa iyo yan, dapat harapin mo ang katotohanan. Mas maaga mas mainam.

  2. gustong gusto kong magpahaba ng buhok. Kaso pag-mahaba na eh nagmumukhang akong mayaman na pulubi na nagrurugby. So I always end up kalbo again.

    My history yung pamili namin na nakakalbo, natakot ulit ako. ahahhha

  3. Saludo ako sa’yo sa maagang pagtanggap come what may, para kasing tanga yung iba na magpapahaba ng buhok sa gilid tapos susuklayin pagitna, halata rin naman na di ba tanggapin na lang. And from your gravatar mukhang okay pa nga naman tubo ng hair mo.🙂

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s