kapal muks…

matagal ng makapal ang mukha ko, simula pa lang ng mangudngod ang pagmumukha ko sa semento ng forest hardin namin… kaya nga busalsal ang nguso ko… pero sa totoo lang, matatawag bang makapal ang mukha kung logical naman ang ginagawa mo? pwede bang sabihing na ang kakapalan ng mukha ay depende sa sitwasyon?

medyo malabo akong kausap no, pagpasensyahan na ninyo dahil sa kakulangan ko sa nutrisyon sa utak, pero ang sinasabi ko lang, kung kakapalan ko na rin lang ang pagmumukha ko, sisiguraduhin ko munang kaya kong panindigan ang mga pwedeng maibato sa aking batikos dahil alam naman natin na tayo ay nabubuhay sa mundo na puno ng kaplastikan…

kaya sasagutin ko lang ang ibang mga paratang sa akin noon to make myself clear… hindi ako nagpapaliwanag sa mga gawain ko, pero para maintindihan ng mga hindi nakakaintindi… mahirap na, nakakahawa na kasi ang pagiging tanga…

– Hindi kakapalan ng mukha ang kumuha ng ilang pakete ng lipton tea kung nagbayad naman ako ng drink all you can sa restaurant na kinainan ko… ine-exercise ko lang ang karapatan ko bilang customer na nagbayad para sa kinain o ininom ko… TEA PACKET COLLECTOR

– Hindi kakapalan ng mukha ang ubusin ang pagkain sa isang party kung nagbayad naman ako ng higit pa sa presyo ng kinakain ko… isinasabuhay ko lang ang paniniwala ko na marami ang nagugutom sa mundong ibabaw at kailangan walang itira para hindi masayang ang palay na itinanim/inani ng mga magsasaka at karne na galing sa baboy/baka na inalagaan ng mga maghahayop.. COCERN CONSUMER

– Hindi kakapalan ng mukha ang humingi ng kechup sa mcdo para ipangsawsaw sa french fries ko na binili ko gamit ang perang pinaghirapan ko… hindi rin naman kakapalan ng mukha na humingi ulit ng dagdag kechup para naman ilagay sa burger na binili ko rin sa mcdo… SAUCE ENTHUSIAST

– Hindi kakapalan ng mukha ang makisagap ng wi-fi sa kapitbahay, lalo na kung wala itong security pass, hindi ko kasalanang hindi marunong magset-up ng wi-fi connection ang kapitbahay namin… TECHNOLOGY BUFF

– Hindi kakapalan ng mukha ang mang-arkila ng pelikula sa video city at kopyahin ito, nagandahan lang naman ako sa palabas kaya gusto ko itong ulit-ulitin… MOVIE FANATIC

– Hindi kakapalan ng mukha kung makipag-inuman ako at malakas akong mamulutan… kaya nga hinanda yang pagkain para ubusin tapos gusto ninyo yung mga langaw pa ang magpyesta sa tuna-skyflakes na hinanda ninyo? DISH LOVER

– Hindi kakapalan ng mukha ang iuwi ko ang mga aluminum cans na wala ng laman sa ginanap na christmas party ng kumpanya namin noon… sa katunayan, tinulungan ko pa ang mga janitor na mabawasan ang load nila at the same time kumita pa ako ng mahigit 500 sa pagbenta ko ng lata ng softdrink sa junk shop… HUMANITARIAN / ENVIRONMENTALIST / ENTREPRENEUR

– Hindi kakapalan ng mukha ang maglagay maki-usap sa trafic enforcer/pulis kung mahuli ako na nag-left turn sa isang kalsada na hindi ko naman makita ang no left turn sign… iniisip ko na lang na ito yung mga bagong sign na inspired sa “where’s wally” na palabas… SMOOTH TALKER

Sana nagkaroon kayo ng idea na ang kakapalan ng mukha ay depende sa sitwasyon… alam ko naman ang ibig sabihin ng mga salitang yan.. kayo ba.. feeling ba ninyo na kakapalan ng mukha ang ginagawa ninyo.. mag-isip ka muna, malay mo, feeling lang yun ng iba…

21 thoughts on “kapal muks…

  1. Hindi din naman siguro kapal ng mukha ang pag-fa-facebook at Twitter sa opisina, gamit ang internet ng opisina at kapag working hours. >> socially aware

    Nice list! Napapangiti ako habang nagbabasa!

  2. Technology buff din ako! Yun yung dati e wala pang password yung sa kapitbahay namin. Pero ngayong meron na naman (si kuya – kase siya naman tigabayad ng bills) kaming sariling internet connection (di nga lang wi-fi. DSL!) at boluntaryo din naman niyang ikinabit sa laftaf ko at halos ako na ang makinabang, hindi naman kakapalan yun. Slight lang.

    1. Tawang-tawa ako dito sa post mo. Hindi naman siguro kakapalan ng mukha kung i-post ko to sa facebook wall ko ang sabihing ako ang nagsulat?

      Biro lang.😀

    1. hindi kakapalan ng mukha yun… pwede nating sabihing “metal collector” ka.. at sure ka bang bawal? naku.. kailangan kong isauli ang mga nanenok.. este na kolekta kong mga kubyertos sa eroplano…

  3. LOL at your entry…i can so relate!

    hindi naman siguro kapakalan ng mukha na gawing ulam ang gravy dahil nagbayad ka naman ng sakto sa iyong order na chicken joy or burger steak diba? LOL

  4. Ang mga kapalmuks ang mga sikat, matapang, takes risk, practical, sensible, street smart, well rounded personality, successful, honest (nagpapakatotoo lang), responsible, life of the party, confident at masasabi kong ikaw yun Pot2!

  5. sa akin palagay puwedeng asset ang pagiging “makapal ang mukha.” isa lamang itong term pero puwedeng may iba pang masa positive na dating like “lakas ng loob.” kundi mo kasi kakapalan ang mukha mo na harapin yung ibang tao na kasing kapal ng swelas ng bagong-bagong sapatos, walang mangayayari. at minsan ang paniniwala sa ganda at talino ay naaayon na sa kakapalan ng mukha ng isang tao. kapalan mukha mong guapo ka, at t’yak may isa o dalawang maniniwala sa iyo. hehehe

    mabuhay!

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s