salamin…

hep hep! linawin ko lang na hindi ito yung salamin na ginagamit kapag nais nating magpaganda/pagwapo.. hindi rin ito yung ginagamit kapag nais mong makita ang mukha mo kung may muta ka, uhog o natutuyong tulo ng laway kagabi… eto yung salamin sa mata or glasses sa wikang inggles…

i-kwento ko lang sa inyo kung paano ako nagsimula sa pagsuot ng salamin, kailan ako nag suot ng salamin, saan ako tumatae, bakit ako nagsusuot ng salamin, o sa madaling salita, alamat ng pagsuot ng salamin ni potpot.. parang mahaba pa rin… amfpt…

noong musmos pa lang ako at medyo nagkakaroon na ng malisya sa aking pagkatao, inisip ko na napaka gwapo ko siguro kung nagsusuot ako ng salamin, magmumukha pa akong matalino at siguradong titingalain ako ng mga kaklase kong pandak.. ang problema ko lang ay hindi naman malabo ang mata ko noon… dahil likas akong pakialamero bibo, sinusubukan kong suotin ang salamin ng nanay at tatay ko, haharap ako sa mirror at kunwaring nagtatalumpati.. pakiramdam ko, kasing talino ko ang mga naging idolo kong scienist tulad nila dexter’s lab at ni professor utonium ng power puff girls…

at dahil sa aking kabibohan, napapansin kong kapag nagkaklase kami noong elementarya, hirap na hirap akong basahin ang mga nakasulat sa pisara… at kung dati rati ay kaya ko pang malaman ang character sa panty ng mga kaklase kong babae kapag binobosohan ko sila sa CR, ngayon ay parang blurred na lahat…

hindi kalaunan, dahil may grado ang sinusuot kong salamin ng aking mga magulang, idagdag mo pa ang pagbabasa ko ng xerex sa dilim at pakikipaghalikan ko sa TV kapag porn ang pinapanood ko, pinadala ako sa albularyo optometrist para magpatingin sa mata, at ayon sa pagsusuri, lumabo ang mata ko.. imbes na malungkot, napalundag pa ako ng 3 inches at napasigaw ng “YES!”

First year high school ng suot-suot ko ang kauna-unahan kong bagong new glasses.. at dahil mukha akong matalino, sa akin lumalapit ang mga kaklase ko para mangopya ng assignment, at dahil mayabang ako, hinahayaan ko lang silang mangopya, pero natigil din ang ganoong sistema hindi dahil nakokonsensya ang mga kaklase ko sa pangongopya, kundi dahil mali-mali ang mga sagot na pinapakopya ko sa kanila.. nakakapressure din pala ang nakasalamin, kaya nga inisip ko na “with great glasses comes great responsibility”, kaya siguro nagpursigi ako noon para naman ma-justify ang pagsuot ko ng salamin…

problema ko din ang ilong ko.. hindi nakikibagay sa salamin na sinusuot ko at dahil jan ay lagi na lang nasa playground ang salamin ko.. laging nagsa-slide.. kulang na lang ay sisihin ko ang mga magulang ko kung bakit ako pinanganak na pango may kapansanan.. pero hindi bale, ginagamit ko itong advantage dahil nung natuto naman akong humalik, ay hindi naging sagabal ang ilong ako…

isa pang naging problema ko ay ang pagiging miyembro ko ng mutant team ng x-men.. ang aking powers, naglalabas ako ng asido mula sa aking pawis… kaya halos lahat ng salamin ko ay nasisira dahil tinutubuan ng lumot at nagko-corrode.. mula first year hanggang 4th year ay humigit kumulang na 10 salamin na ang nasuot ko… kung masira man ang salamin ko at nanghihinayang naman akong magpabili pa sa nanay ko, ginagamitan ko ng kaunting scotch tape, masking tape, goma ng intsik, elmers glue, mighty bond, pinatuyong laway ng butiki, at ihi ng palaka para madikit ang mga piyesang nagkandahulog…

hindi ko rin ikinakahiyang tanga ako dahil may mga salamin na rin akong naupuan, nahigaan, naiwan sa LRT, natapakan, nasagasaan, nahulog sa semento, nahulog sa inidoro na may laman, at mga ilan-ilang minor accidents na talaga namang hindi sinasadya noong mga panahon na iyon..

pero sa totoo lang, kung alam ko lang na mahirap ang nakasalamin, nakinig sana ako sa mga magulang ko noong sinasabihan akong kumain ng gulay, huwag magbasa ng bastos na babasahin kapag madilim at huwag manood ng tv ng malapitan.. marahil siguro 20/20 pa rin ang vision ko… nakakapangsisi pero hindi ko na kayang balikan ang nakaraan..

kayo ba? namboboso nagsasalamin ba kayo?

28 thoughts on “salamin…

  1. nagsalamin na din ako nong grade 5 ako..tandang tanda ko pa ang kulay..purple…hindi ang frame kundi ang salamin mismo!! karumaldumal na nakaraan!! pero mula nong natuto akong makipag landian eh nawala na…ahahahahaha

  2. hello ako puday!
    bwahahahahaha…
    sensya na ngayon ko lang nailagay ang link mo…
    at ngayon lang naka comment…

    ako nagpapanggap ding genius looking knowing nothing…
    at ang salamin ko ngayon eh yung nagpapanggap na antipara pag mainit…
    o di ba pabongga pa ako kahit na pang astigmatism lang naman ang powers nito…

    tas same same tayo ng sentiments, nahuhulog din sa sarat kong ilong ang salamin na yan!

    hihihihihihii…

  3. naku ako din feeling ko kapag nakasalamin cool…. parang talino-talinuhan portion ang arrive. Pero never pa ako nagsalamin sa tanang lifetime ko😆 gusto ko maexperience kaso mejo mahihirapan din ako kasi walang kakapitan na ilong!😆

  4. Baliktad naman tayo. Three years ago, pinag-susuot na ako ng salamin ng doctor. Bumili na nga si Mamita ng salamin. Pero nung sinuot ko lalong sumasakit ang ulo ko, kaya yun, tinigilan ko na ang kalokohang mag-suot ng salamin.

    Yung mga nagsasalamin sa amin laging si Cyclops sa mutant games Heniway, ang ma-su-suggest ko ay pumili ka ng frame na plastik para hindi magkalawang sa bandang tenga.

    1. buti ka pa… ok ng hindi ka magsalamin… mas ok ang wala.. at hindi na plastic ang pinipili kong frame.. kailangan titanium na siya para sigurado… pero titanium na talaga ang frame ng salamin ko ha.. walang halong biro…

  5. i wear glasses during office hours lang kasi nakatutok ako sa computer magdamag..pero pag gusto ko feeling genius ako, i wear it kahit pumunta lang ng palengke hahaha

  6. hanggang ngayon frustration ko pa din ang makapagsuot ng salamin..

    hahaha..

    kung ikaw gusto mo pa lang sisihin ang mga magulang mo ako sinisi ko na sila sa kapanguang taglay ko.😀

  7. Very lovely tale from the first time the need to wear glasses arose. Lucky enough for me that despite everything I do that is way beyond the capabilities of my eyes, I still have not got myself any spectacles to speak of. One time, I asked the cost of eyeglasses and consulations regarding eye care, and I really was moved by the height of it. I would not be able to afford those luxury eyepieces and all that, haha!

  8. ginusto ko rin dati ang magsalamin pero pang porma lang, ayoko naman na palaging magsuot. noong high school pinagsalamiun ako dahil nagka-astigmatism ako. hindi ako natuwa kasi sagabal sa panonood ko. kasi aaminin ko sa iyo (atin-atin lang ito ha), may mannerism ako sa panonood. patagilid akong manood ng TV at sa sinehan. yung hindi ko namamalayan na naka-tagilid na ako na nanonood with matching hands sa sentido (ala-jean gray pag gumagamit ng matinding power).
    yun din daw ang isang dahilan bat ako nagka-astigmatism…

    hanggang ngayon may ganyan pa rin ako na mannerism pero ang good news noong high school pa lang na-correct na yung mga mata ko. ang secret ko dun, tinatanggal ko pag nanood ako. hehehe

  9. Pinanganak akong malabo ang mata. Naaalala ko pa nung grade 4 ako, pinalabas ako ng maestra namin dahil tayo ako ng tayo. Di ko kasi makita yung nakasulat kaya pagtapos ng dalawang sentence e lumalapit ulit ako sa board para tignan ang nakasulat hahaha! Yun din yung mga panahon na akala ko e likas na blurred ang mundo. Pero downside sa pagsusuot ng salamin? Tinutukso akong nerd ng mga kaeskwela ko. Lagi tuloy nababasag salamin ko…. Sinasalo ko kasi mga sapak nila pag pumalag nako sa pang-aasar nila. Kagandahan naman, yun nga. Mukang genius. Pero parang downside padin yun kasi di naman ako genius hahaha!

    1. apir tayo jan! masakit nga minsan ang natutukso dahil mukha tayong mga nerd.. pero pag tumagal naman, nagmumukha tayong intelehente kahit mukha tayong ignorante…

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s