nagkulang…

araw-araw na lang ata na lagi kitang ginagamit… minsan naiisip ko na baka napapagod ka na dahil masyado akong “mahilig” pero isa itong adiksyon na mahirap tigilan…

sinubukan ko ngang magpigil dahil alam kong nahihirapan ka na, pero dahil sa katigasan ng aking ulo, pinilit ko pa rin ang gusto ko…

isang araw, nagalit ka ata sa akin, pinagsalitaan mo ako na “punong-puno” ka na at hindi mo na kaya… kaysa isipin ko ang kapakanan mo, isinaksak ko pa rin ang gusto ko at magdamag kitang “pauli-ulit” na ginamit…

pero siguro naging masaya ka nung “nagdagdag” ako ng makakasama mo sa bahay habang wala ako… at bilang pasasalamat sa iyo, pinayagan kong “magsalitan” kayo habang nakukuha ko ang gusto ko sa inyong dalawa…

hindi ka na pagod at nakakapag pahinga ka kung sakaling yung “isa” ang ginagamit ko at hindi ikaw…

pero matindi talaga ang pangangailangan ko… napagdesisyunan kong “pagsabayin” kayo para lang malaman kung kaya ba.. aba! kaya naman pala.. mas lalo akong naging “hayok”… araw-araw, oras-oras, minu-minuto.. walang pahinga… walang kasawaan…

hanggang sa dumating uli ang pagkakataon na pareho na kayong “dumadaing” sa kabigatan ng inyong saloobin… kahit “burahin” ninyo ang mga nakaraan, hindi pa rin sapat iyon para “punuan” ang aking matinding pangangailangan..

nagpasya ako na sa huling pagkakataon…

bibili uli ako ng bagong external hard disk para hindi na mahirapan ang 2 external ko na puro movies at series… naghihingalo na ang disk space ko… ang hirap naman kasing hindi magdownload ng korean drama.. nakakaadik…

23 thoughts on “nagkulang…

  1. Pilit kong hinuhulaan kung anong nasa dulo nito. Maygawwwd! Hirap hulaan ng external hard disk. You already.

    Imagine, yung external hard disk ko, 80GB lang. Tatlong buwan pa lang puno na. Yung kapatid ko na napakagaling mag-ipon ng pero nakabili ng 1TB na hard disk! Tuwang tuwa ako! Syempre naki-save ako (:

  2. alam mo dito sa alemanya, restricted na ang pag download. kapag yung video may music na unlicenced ang gamit? hindi mo na sya madownload agad. frustrating talaga. kaya bumili ka na ng hard drive at magpaka-sasa🙂

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s