uto-uto…

naniniwala ako na lahat ng tao sa ibabaw ng mundo ay uto-uto.. hindi man natin aminin pero sa isang punto ng ating buhay ay nagpa-alipin tayo sa konsepto ng katangahan…

nagiging uto-uto tayo sa mga ilang halimbawang babanggitin ko…

– nauto ka ng manliligaw mo at napasagot ka niya sa mismong araw na nanligaw siya…
– nauto ka ng barkada mo na manlibre sa boracay…
– nauto ka ng mga magulang mo na kumuha ng kursong hindi mo naman hilig (tulad ng cosmetology)…
– nauto ka ng gf mo na hindi pa siya virgin (sa ilong)…
– nauto ka ng teacher mo ng sinabi niya na magagamit mo ang pinag-aralan mo (cosmetology) kapag nagtatrabaho ka (funeraria paz)…
– nauto ka ng boss mo na kumuha ng OT work kahit walang OT pay…
– nauto ka ng mga infomercial sa telebisyon na bumili ng kanilang produktong hindi naman nagana… (tulad ng pampalaki ng dodo)
– nauto ka ng kaklase mo na magpakopya habang may exams… (tulad ng PE subject)
– nauto ka ng jeepney driver na nagsasabing maluwag pa ang loob ng kanyang jeep pero ang totoo ay kalahati lang ng puwitan mo ang nakasayad sa upuan… (1/4 actually)
– nauto ka ng wrestling dahil akala mo totoo ito… (isa na ako)
– nauto ka ng mga politiko na kapag nanalo sila ay maaayos nila ang pilipinas… (hindi na ata ito mabubuwag)
– nauto kang makipag-inuman sa mga ka-EB mo hindi mo pa nakikilala… (tapos ginahasa ka nila… sa ilong)
– nauto ka na ibigay ang cellphone mo at pitaka sa holdaper na wala namang kargang armas… (boses pa lang, scary na)
– nauto mo ang holdaper na ibigay sa iyo ang sim card ng cellphone na ninakaw niya… (dahil maawain siya)
– nauto ka ng syota mo na bidyohan ang inyong mga maiinit na tagpo… (habang nagpapaypay ng barbeque)
– nauto ka na hindi niya ikakalat ang video na kinunan niya… (na nagpapaypay ng barbeque)
– nauto ka na pinagawa niya ang cellphone niya at ninakaw ang video ninyong dalawa… (na nagpapaypay ng barbeque)
– nauto ka na bumili ng mahigit 20 na kape para makakuha ng starbucks planner… (na hindi mo naman sinusulatan)
– nauto ka na sinabi ng nanay at tatay mo na maganda/gwapo ka… (binasag lahat ng salamin sa bahay ninyo)
– nauto ka ng mga ibang men’s magazine na nagpapakita ng dodo ang mga sikat na artista pero hindi naman… (yung mga hindi gaanong sikat ang nagpapakita ng dodo)
– nauto ka ng araw at di ka nagdala ng payong sabay maya-maya ay bubuhos ang malakas na ulan… (dahil nasa showtime na si kuya kim)
– nauto ka ng axe spray na kapag ginamit mo ito ay dudumugin ka ng mga magagandang chicks…
– nauto ka ng pyramid scheme…
– nauto ka ng isang tv host na sa pamamagitan ng pag-iyak sa telebisyon ay magkakapera ka… (pero magmumukha kang tanga)
– nauto ka ng pulis nung hinuli ka dahil overspeeding ang paglalakad mo sa sidewalk…

ikaw? nauto ka na ba?

26 thoughts on “uto-uto…

    1. oi girlie!! musta na?!!?! singapore ka pa rin ba? ako nandito at nagbalik sa japan.. ehehehe.. alam mo namang eto lang ang libangan kapag nababato.. ehehehehe ano na balita?

  1. balik pinas na last year pa. dito ngayon sa mandaluyong nagwowork. saka na ulit mag-aabroad kasi meron na ulit little boy eh. nice naman nakabalik ka ulit dyan, galing ah. keep up the good work. naalala lang kita bigla tapos naisip ko kung buhay pa ang blog mo. ayun, kaya eto basa ulit ng mga samut-sari mong kuwento, yun nga lang di madalas mag-comment, just like the old times. hehehe…

    1. ahahahaha! ayos.. congrats at nasundan pala uli!! pag nauwi ako ng matagal-tagal, kita kits tayo.. sina jane at jay-r nga ay di ko nadalaw nung umuwi ako ng christmas… regards sa family mo ha.. ingat palagi.. message ko sa iyo skype ko para chat naman tayo minsan.. ehehehehe

      1. parang meron pa akong skype mo, unless nagbago ka ng id. sige kita-kits tayo paguwi mo. thanks and ingat ka rin lagi diyan. hope to see you again, soon!

  2. Kaya mo lang nasabi na nauto ka dahil naganap o tapos na ang pangyayari ng marealize mong ikaw pala ay nadenggoy. Talagang ganuon lang ang buhay na tao dahil naniniwala o napapaniwala tayo ng ibang tao at aminin mo ring tayo rin naman ay nang uuto din, di ba? Ang nakakayamot o nakakainis lang ay parati na lang tayong nauuto, yan ang masaklap! Ang masasabi ko lang, dahil di tayo natuto, tayo ang tatanga tanga at yung nakaloko sa atin ay ismarte talaga!

  3. Trulalu
    Eklavu
    Trulalu
    Eklavu
    Eklavu
    Eklavu
    Eklavu
    Eklavu
    Trulalu
    Eklavu
    Eklavu
    Eklavu
    Eklavu (shet, ayoko mangyari to)
    Eklavu
    Eklavu
    Eklavu
    Eklavu
    Eklavu (di na ko kelangan utuin, dahil maganda naman talaga na ako. BOOM!)
    Trulalu (weh?)
    Eklavu
    Eklavu
    Eklavu
    Eklavu
    Eklavu

  4. nauto na ako na ang iba ay nrito sa listahan mo. isa na roon ang yung mga driver na nagsasabing meron pa kahit wala nang mauupuan.

    madali ako mauto lalo na yung mga taong alam kong seryoso talaga sa buhay. hehehehe

  5. natawa ako sa sim card!!😀 parang tanga lang nuh?… hahaha!! totoo nga un, minsa ung mga holdaper, boses na nga lang ang puhunan..😀 saka lakas ng loob… umaasa na uto uto ung mga mabibiktima nila..😀

  6. Filipino blogs are really fun to read…. * trying to relearn the language here * By the way, I hope you don’t mind, what exactly is the meaning of nauto? Made a fool of ?

    Greetings from California.

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s