eyeball…no balls…

noong simula pa lang ang year 1999, usong-uso na ang EB o Eye Ball ng mga chatters… batang irc ako kaya kadalasan ay makikita akong nakikipag chikahan sa mga online friends ko noon.. uso rin ang pakikipagdate sa mga taong hindi mo pa nakita dahil hindi pa uso ang mga webcam at mga social networking sites, hindi mo pa alam ang hilatsa ng mukha ng isang tao…

ganoon ako katapang… handang makipag kaibigan sa taong nakakausap ko lang sa harap ng computer… may isa akong nakilala na di ko malimutan.. pero sa totoo lang.. nakalimutan ko na ang pangalan..

tagpuan namin ay sa may SM City (SM North EDSA) sa may tapat ng Mcdo, sinabi ko na ako yung mamang kalbo na may balbas at nakasalamin.. yan naman lagi ang get-up ko… maaga akong dumating dahil ayaw kong nahuhuli sa mga lakad.. dumating ang ka date ko after 15 minutes..

Girl : Potpot?!?! *sabay point ng finger sa akin*
Potpot : Ako nga..
Girl : HI! *sabay lapit at halik sa labi*

nagulat ang beauty ko.. hindi ako sanay sa mga agresibong babae.. wala na akong nagawa.. buti na lang at nagsepilyo ako ng maayos..

Girl : So.. saan mo gustong magpunta?
Potpot : Ikaw.. kain muna tayo, baka kasi gutom ka na..
Girl : Sige ba.. pero treat ko ha..
Potpot : Hindi.. wag na..
Girl : I insist.. ako naman ang nagpilit sa iyong makipag kita eh…

Sabagay.. siya nga ang nagyayang makipag kita.. at hindi ako tumatanggi sa grasya kaya sige.. pumayag akong ilibre niya..

Habang kumakain kami sa Mcdo.. magkatabi kami.. masyadong PDA.. naka lingkis sa akin.. hawak ng hawak sa hita ko.. kakagat ng french fries tapos ipapakuha sa akin sa pamamagitan ng bibig..

as in ako yung nahihiya dahil hindi naman ako ganoon… pero sige.. hinahayaan ko lang siya.. nag eenjoy naman ako ng kaunti.. hihihi

marami siyang nakwento tungkol sa kanya at sa family niya.. at ang plano niyang magtapos bilang isang abugado.. at parang nakikinita ko na kung sino ang susunod sa trono ni miriam… pero kung tutuusin, maganda naman siya at talaga namang matalino dahil marami siyang alam sa mga current issues nung mga panahon na yun.. at matangkad siya.. magkasing tangkad kami.. eh ang height ko noon ay 5’7 so sa malamang 5’6 or 5’7 din siya kasi hindi naman siya naka takong….

pagkatapos naming kumain ay agad siyang nagyaya na manood ng sine.. ang hirap tumanggi lalo na kung parang tuko kung makakapit ang babae na ito.. pero sige lang..

sa loob ng sinehan, madilim at malamig, pero butil-butil akong pinagpapawisan sa mga maaksyon na tagpong aking naranasan.. natapos ang sine ng hindi ko naintindihan kung ano ang pinanood ko at binulungan niya ako na dalhin ko siya sa lugar kung saan kaming dalawa lang ang tao.. doon na ako kinabahan…

naduwag ako ate charo… gumawa ako ng mga palusot ng sa gayon ay hindi naman siya masaktan o magalit… at nakumbinsi ko siyang umuwi na lang muna.. nagpahatid lang siya hanggang sakayan ng taxi dahil malayo ang tinitirhan niya..

pakiramdam ko ay para akong batang nausog at nilawayan.. para din akong na frisk sa airport dahil napag hinalaan akong may dalang illegal na droga…

nang makasakay na siya ng taxi, hinila pa niya ako at hinalikan sa labi ng mga 5 segundo na may kasamang parte ng bibig na ginagamit sa panlasa… at pagkalas ng aming mga mukha, sinabi niyang..

“Tawagan mo ako mamaya ha… hihintayin ko..”

Pauwi akong lutang.. parang marami ang nangyari sa loob lamang ng isang araw.. dinaig ko pa ata ang namolestiya ng 7 arabo… masarap na masaya na nakakatakot… yung ganyang feeling…

hindi ko na siya tinawagan o nakipag chat sa kanya.. hindi dahil takot akong makagawa ng kasalanan kundi takot ako na sa murang edad namin ay masira ang kinabukasan namin dahil sa tawag ng laman.. ayokong masira ang kinabuksan ng isang matalinong abogado na maaring magtanggol sa mga naaapi o di kaya maging politiko balang araw… at hello.. virgin pa kaya ako noon…

19 thoughts on “eyeball…no balls…

  1. Andami kong tawa lalo na sa mga pahuling parte ser! Hahaha! Nasubukan ko na din dati yang EB na yan at nakatyempo ako ng model. Nakumpirma ko sa isang kaibigan ko na model nga talaga yun. Kaso di ganyan yung nangyari samin. Todo lingkis din sya, oo, pero dahil sa pag iyak hahaha! Nakipag EB sya kasi gusto nya ng mapaglalabasan ng sama ng loob hahaha!

  2. lol, nice experience ha :DD Mabuti nama’t hindi ka nagpadala sa matinding temptation, kasi kung nangyari pa’t, susme! Baka talo niyo pa sina Hayden Co. XDD Anyways, great post ^^

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s