abuso na…

kapag sinabi mo na nagtatrabaho ka sa japan, kailangan mapanindigan mo na kapag nagtrabaho ka ay parang mga hapon din.. kahit masama sa loob mo ang dagdagan ang trabaho mo sa loob ng isang araw, kailangan nakangiti ka at para kang kinikiliti sa pwet habang sumasang-ayon ka sa ibibigay nilang trabaho na lalagpas sa oras ng iyong pag-uwi…

noong unang dating ko dito, excited ako dahil bagong trabaho, bagong experiences, bagong mga makakasalamuha.. kaya hindi mapawi ang ngiti ko kada makakasalubong ako ng hapon at sabay bati ng “bukayo singkamas” o di kaya ang pag bow ng ilang beses kada makikita mo sila sa corridor ng cr dahil galing sila sa inodoro…

hindi ko naman akalain na ang simpleng pagpapakita ko ng kabibohan ang siyang ikapapahamak ko dahil kada may bagong trabaho na darating galing sa mother ship, ay sa akin na ipinapasa kahit wala akong maintindihan sa pinagagawa nila…

ang haba ng intro ko sa kwento ko.. eniweys.. ayun nga.. may bago kaming trabaho na hindi naman kinakailangan ng utak.. dahil 5 hanggang 10 minuto lang ang actual na trabaho plus 2-3 minuto sa pagbuhat ng laptop, pagbura ng lumang impormasyon, pagbukas ng whiteboard marker at pagsulat sa pisarang puti ng mga numero na nakuha ko sa pamamagitan ng pag copy paste ng data mula sa database papunta sa excel sheet… whew..

simple lang.. oo naman.. hindi mo na kailangang magtapos ng kursong engineering o magkaroon ka ng phd sa psychology para magawa ang trabahong ito.. nagtataka marahil kayo kung bakit ako nagrereklamo..

8:30 ng umaga ang trabaho.. kung kakalkulahin ko ang oras ng pag gising ko.. 5:30 ng umaga ay dapat gising na ako.. kailangang dagdagan ko ng 30 minutos ang oras ko para gumising ng maaga para lang makaabot ako dito sa opisina ng kumpleto orasyon (nakajebs, nakaligo, nakasinga, nakapagluto, nakakain, nakapagbaon, nakapagsepilyo, nakapagpabango, nakapagsuklay ng buhok sa kili-kili, nakapagdownload ng porn, nakapaglaro ng restaurant city, nakausap ang asawa ng 2 minuto, nakausap ang boyfriend ng 5 minuto,  nakapaggupit ng kuko sa paa, nakapagbihis pormal, nakapagtanggal ng himulmol sa damit, maglakad ng 15 minutos papunta sa tren, sumakay ng tren hanggang sa estasyong malapit sa opisina, 50 minutes ang nakalipas at nasa opisina ka na, etc. etc)…

so nagtataka uli kayo kung bakit ako nagrereklamo kung 30 minutos lang naman ang ipapasok ko ng maaga dito? pwes.. balikan natin yung una kong sinabi na kapag nagbibo-bibohan ka, kawawa ka..

sukat akalain mo ba namang bigyan pa ako ng trabaho na aabot ng hanggang 11 ng gabi.. abuso na teh.. abuso na…

so bukas, naka schedule na naman ako para sa 8:30 ng umaga na trabaho.. hindi na ako nakatiis.. lumapit ako dun sa dispatcher namin at sinabi ko sa kanya ang matagal ko ng kinikimkim..

“Thank you ha. baka meron ka pang ibibigay na trabaho sa akin, gagawin ko.. (nakangiti na parang kinikiliti ang pwet)”

16 thoughts on “abuso na…

  1. tsk tsk.. pabasa mo sa dispatcher ang contract mo pre. haha!

    may nabasa ako na talagang more than 8 hrs daw magtrabaho ang mga hapon. totoo ba un?

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s