aubrey…

Sabado ng alas-diyes ng umaga noon nung tumungo ako sa istasyon ng tren para pumunta sa bahay ng kaibigan ko. Maluwag ang tren dahil walang pasok at maaaring makaupo ng walang problema…

Nakaupo ako sa pang 5 karwahe sa may dulo, kaliwang banda.. katapat ko ay mag-ina na sa tingin ko ay pareho ring pinoy ayon sa hilatsa ng pagmumukha nila…

Tama ang aking hinala ng mag-usap ang mag-ina ng wikang naintindihan ko.. napangiti ako… marahil yun ang naghudyat para malaman din nila na pinoy din ako…

Bumulong ang anak sa kanyang ina, at sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, ay narinig ko na sinabi nung anak na “gwapo” daw ako.. kinilig ako ng kaunti…

Pagkatapos kong marinig yun, ay hindi na naalis ang ngiti sa aking bibig… mas lalo pa atang natuwa yung anak nung nakita niya ang dimples sa aking pisngi… at hindi na niya inalis ang tingin niya sa akin…

Nung una ay nahihiya pa akong tumingin, pero nung lumaon ay kinapalan ko na ang mukha ko.. todo ngiti ako at kumaway pa na parang sumali ako sa ms. universe pageant.. maagang landian ito…

Ilang minuto rin kaming nagpapalitan ng ngiti at kaway ng biglang tumayo siya sa kinauupuan niya at lumipat sa tabi ko.. hindi ko naiwasang mamula sa mga sandaling iyon dahil hindi ako sanay sa mga ganitong engkwentro…

“Ano pangalan mo?” tanong niya.. pero nagkunwari akong hindi ko narinig ang sinabi niya at inilapit ko ang tenga ko sa kanyang mapupulang labi… “Ano?” tanong ko sa kanya…

Hindi ko inaasahang hinawakan niya ang pisngi ko at ibinulong niya ang tanong niya sa akin.. “Anong pangalan mo, kuya?” awwww… medyo tinamaan ang ego ko dahil kuya ang tinawag sa akin, pero madali naman akong nakabawi.. “Potpot ang pangalan ko, ikaw? Anong pangalan mo, ate?” YES! nakabawi ako!

“Aubrey po ang pangalan ko, kuya at huwag mo akong tawaging ate, mas matanda ka sa akin” smarteng sagot niya.. napangiti uli ako…

“Nice to meet you, Aubrey..” aktong inabot ko ang kamay ko, pero nagulat ako ng kunin niya ang kamay ko at nagmano.. komedyante pala siya…

“Mano po…” sabay ngiti na parang nangungutya… ang cute..

Sa haba ng byahe, madami na kaming napagkwentuhan.. at sa usapan naming iyon ay hindi niya inalis ang pagkakapatong ng kamay niya sa hita ko..

Napansin ko na ang istasyon na hinintuan ay ang babaan nila Aubrey.. tinawag na siya ng kanyang nanay para bumaba na at maayos siyang nagpaalam sa akin.. “Byebye Kuya Pot!” at akmang nakanguso siya na parang humihingi ng halik.. ibinigay ko ang kanang pisngi ko bilang pagiging isang maginoo…

“Ingat kayo…” sabi ko kay Aubrey…

At pagkababa pa nila ay kinatok pa ang bintana ko para makapag paalam pang muli… nagbitaw siya ng flying kiss at nagsambit na mag-ingat ako sa byahe..

Umandar ang tren.. nalungkot ako.. kaya napapaisip ako kung gusto ko ba talaga o ayaw ko dahil sa mga tulad ni Aubrey… ano kanyo ang gusto ko.. ang magkaroon ng anak na babae.. ang cute kasi… 4 yeas old lang si Aubrey at napaka bibo.. haaayyy… gusto ko ng anak na babae!!!

13 thoughts on “aubrey…

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s