harassment…

hayaan ninyong ibahagi ko sa inyo ang kwento noong nagtatrabaho pa ako sa pagawaan ng pabrika… eto ang aking istorya…

Taon 2001

…unang trabaho ko bilang isang inhinyero sa isang pagawaan ng pabrika at dahil isa akong taga-lunsod na napunta sa probinsya, hindi ko gaanong alam ang kalakaran sa mga bagay-bagay…

…ang pabrikang napasukan ko ay nabubuo ng 20% lalake, 70% babae, 10% hindi-tiyak…

…masaya ang pananatili ko doon, kahit na ang trabaho ko ay manita ng mga bagay na mali ayon sa nakasulat sa mga pahina ng batas ng kumpanya… maraming naiinis, maraming nagagalit pero ang hindi ko alam, ay maraming nagnanasa…

…sa tuwing papasok ako sa tinatawag naming “clean room” kinakailangang magsuot ng “bunny suit” para hindi ito makapanira ng mga produkto na ginagamit ng kumpanya… at kapag naka “bunny suit” ako, mata lamang ang makikita kapag nakikipag-usap sila sa akin..

…mabait ang pakikitungo ng mga trabahador dahil parang ngayon lang sila nakakita ng bakulaw (ako yun! dahil kahit sabihin mong “bunny suit” ang suot ko, para akong suman dahil masikip ito para sa aking katawan…

…pero ramdam ko sa boses nila na nakikipag landian sila sa akin… hindi sa pagmamayabang, pero masasabi ko na kahit mukha akong bakulaw.. gwapong bakulaw naman ako noong mga panahon na yun…

…sa tuwing manananghalian ay maraming bumabati na nakangiti at hindi ko sila makilala, pero kilala nila ako… hindi ko masyadong pinansin ang mga bagay na yan…

…5 minuto bago mag-uwian ang mga trabahador, kinailangan kong pumasok sa loob ng “clean room” para makapag imbistiga ng isang problema sa linya.. nataon na nagkasabay ang pasok ng mga panggabi at paglabas ng mga uuwi…

…kinakailangan naming magsiksikan sa loob ng “air blower” at dahil masikip, kaunting usog ay maaring magpalitan na kami ng katabi ko ng mukha..

…bilang isang “gentleman”, itinaas ko ang aking kamay, senyales na wala akong balak manghipo sa mga kasama kong babae na naipit sa loob ng “air blower”…

…nagkamali ako ng ginawa, dahil sa 2 minuto mahigit na nasa loob ako, ilang kamay ang nagsalit-salit sa paghawak sa aking dibdib at ilang mga daliri ang naramdaman kong kumurot sa aking pwet…

…marahil ang ibang mga lalake ay iisiping langit ang nagaganap.. pero hindi ako tulad ng ibang mga lalake…

…naglabasan ang mga babaeng trabahador, naiwan ako sa loob ng “air blower”… nanatili ako doon, nakaupo sa isang sulok.. umiiyak…

…kinabukasan ay nag submit ako ng aking resignation sa boss ko…

bakit kanyo? ayaw ko sa babae!! LALAKE ANG GUSTO KO!! AHAHAY!

25 thoughts on “harassment…

  1. hi kuya pot-pot.. i really love your blog.. it inspires me to write “my own trip” on my journal and my teacher likes it.
    kuya, pwede frens tayo sa fb?

    1. hello cybelle!! wow! nakakatouch naman at nagustuhan mo ang blog ko.. thank you sa pagbasa!! sulat lang ng sulat ng mga “trip” mo sa buhay… it’s yours and enjoy it! sureness!! pwedeng-pwede tayong maging friends.. add mo ako.. hanapin mo si Florante Arcilla III… thanks uli!! *mwahugs*

  2. last year ko lang po nadiskubre itong blog niyo nung esearch ko yung “bakit babae ang naghuhugas” ng pinggan (kahit po familiar ako sa story kasi naisabay ‘to ni mama sa mga kwento niya sa’kin tuwing gabi nung batang-bata pa’ko, pero kelangan talaga namin ng script nun asap kaya nagsearch nalang ako sa net.)Tapos tananan! Here’s come your blog. Natuwa po’ko sa blog niyo kaya iseneyv ko yung URL tas tuwing unli ako, parati kong binabasa yung blog niyo. Naleyt nga po’ko nun sa P.E namin kaya di nalang ako pumasok (tutal wala pa naman akong absent at minsan lang naman ako UNLI )sa kababasa ng blog niyo, nakakatawa po kasi:-D
    isinulat ko po sa journal ko yung about sa blog niyo (i wrote ” i really like kuya potpot’s blog!).
    kuya potpot, thank you po talaga (your blog is such an inspiration). Nakapasok po’ko sa department publication namin (without any screening) dahil po dun sa journal na isinulat ko na nakuha ko ang ideya galing dito. Ipinagkalat po kasi ng titser namin yung journal ko (na pinutakte nang basa ng mga kaklase ko kaya nagmukha nang tae pagdating sa mga kamay ko.) sinabi niya po kasi na ako yung nakakuha ng pinakamataas na puntos sa journal. . natuwa po daw kasi siya.. and he asked me to publish it. (and that teacher happens to be my crush).
    sooo inspiring blog.
    thank so much kuya!
    (haba ng reply ko eh nuh..

    1. WOW! Congratulations! Ako yata ang dapat magpasalamat sa iyo at napagtiyagaan mo ang blog ko.. nakakataba naman ng puso at binabasa mo ang blog ko.. maraming maraming salamat sa iyo! Kung matalas lang ang memorya ko at kung naitabi ko ang script ng “bakit ang babae ang naghuhugas ng pinggan”, nai-share ko na sana, pero pasensya na.. 1991 pa yung script na yun nung nag-aaral pa ako sa high school (wag mo ng kalkulahin kung ilang taon na ako).. pasensya na at wala akong maibigay, pero salamat at tumambay ka pa sa blog ko para basahin ang mga sinulat ko.. gusto kong mabasa ang journal mo, kahit mukha na siyang tae dahil pinagpasa-pasahan na, wag ka na ring mag-absent sa mga klase mo.. lalo na ang PE.. sayang ang grade.. ehehehe… at pakilala mo ako sa crush mo, pero warning, baka agawin ko siya sa iyo,, ahahay!! joke lang.. mag-aral ka pang mabuti ha, malay mo maging isa kang manunulat, pa-authograph kapag sumikat ka ha.. wag mo akong kalimutan ha.. hihihi.. ingat palagi at maraming salamat uli! *mwahugz*

  3. naantig ang aking pekpek sa naramdaman mo nong mga panahon na yun. alam ko ang nararamdaman ng isang napag samantalahan =( dumugo ang aking pekpek sa pagkabasa ng iyong sulat! =(

    bwahahahahaha!

  4. kuya, kasing edad niyo po ba si roberto ong? ba’t po kaya di kayo naging bob ong?
    –naging writer din po ba kayo nung hayskul and college?
    — ay kuya, kapag inirekomenda ko po sa crush ko’tong blog niyo (para makilala kayo)… mababasa niya po’tong comment ko tas malalaman niya na crush ko (din) pala siya. Haha (may din pa eh noh. kpal tlg!) haha.
    — welcome. welcome. welcome. welcome po!

    1. naku cybelle, hindi ko alam ang totoong edad ni bob ong,.. at baka pen name lang niya yun..

      hindi ako pwedeng maging si bob ong dahil hindi ako chinese, at mabuting hindi ako si bob ong, baka lumaki ulo ko.. ehehehehe

      – hindi ako naging writer sa high school or college dahil hindi naman talaga ako manunulat.. hindi rin ako mahilig magbasa.. nataon lang na nung nag japan ako at para makalimot sa lungkot, nagsimula akong mag blog… saka halos lahat ng sinusulat ko ay base sa mga kwento at karanasan ko simula nung iniluwal ako ng nanay ko sa mundong ibabaw…
      – at kung irerecommend mo itong blog ko sa sa crush mo, wag mo na lang ipakita ang comment section sa page na ito.. sa malamang mababasa niya, pero crush lang naman yan, hindi naman nakamamatay yan….

  5. i knew it! haha. kc sabi k ng sabi na hnd ka gnung lalake, prang d k nag eenjoy s babae. at umiyak dhl nahipuan ng babae hahaha.. ayos!🙂

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s