deactivation..

pansamantala ko munang ide-deactivate ang facebook account ko, hindi dahil nagsasawa na ako.. ang kadahilanan ay nangangailangan muna akong magnilay-nilay dahil sa totoo lang, malaking oras ang kinakain sa akin kapag gumagamit ako ng facebook…

isipin na lang ninyo, pag gising ko sa umaga, diretso ako sa computer at facebook agad ang pinupuntahan ko… kahit may muta pa ako at may natuyong panis na laway ay wala ng pakialaman… maglalaro ng restaurant city at sims social na aabot ng 30 hanggang 2 oras na sana dapat ay naghahanda ako sa pagpasok sa opisina…

habang bumabyahe… bubuksan ko ang fb ko sa iphone, check-check, like-like, comment-comment, stalk-stalk..

pagdating ng office.. habang hinihintay na magboot ang PC, check ko uli fb ko sa iphone.. check-check, like-like, comment-comment, stalk-stalk..

pag dating ng 10:30AM na dapat ay pinapahinga ko ang mata ko dahil nakatutok ako sa monitor kakapunta sa mga porn sites kakatrabaho… punta sa pantry, check ko uli fb ko sa iphone.. check-check, like-like, comment-comment, stalk-stalk..

lunch time…. pagkaupo sa table, kuha agad iphone, check ko uli fb ko sa iphone.. check-check, like-like, comment-comment, stalk-stalk..

5 minutes before 1… alam n’yo na…

alas 3 ng hapon, medyo antok, punta ng pantry… alam na ninyo..

4:30PM, natatae ako… punta ng cr, tanggal pantalon, upo sa inodoro, kuha iphone, you know the drill… eh nahulog sa bowl, halukay, kuha iphone, kuha tissue, punas… continue sa fb… nakalimutang hugasan,..

uwian, habang nagshu-shutdown ng pc, fb uli sa iphone…

nasa loob na ng tren, nakaupo, nakatayo, nakatuwad, nakadapa, check pa rin sa fb…

pagka-uwi ng bahay, bato ng bag, hubad ng polo, hubad pantalon, tanggal bra, harap pc, FB!

kung bibilangin mo yung oras ko sa paggamit ng FB, eh para na rin akong nag-opisina sa haba ng pag gamit ko nito.. kaya kagabi, nagdesisyon na ako ng gamitin ang function ng facebook na “de-activate your account”… pinag-isipan kong maigi ito at halos ‘di ako makatulog dahil kaka-isip kung itutuloy ko ba o hindi… at kaninang umaga nga, naglakas ako ng loob…

ni delete ko account ko sa friendster.. end of story…

18 thoughts on “deactivation..

  1. HAHA. Talk about excellent decision-making skills!

    Pareho tayo ng drill. Well, halos. Di ako mahilig sa mobile facebooking e. Pero from morning to evening, ganyan na ganyan akey!

    I-deactivate ba kamo ang FB? Sinabi ko na din yan nuon.

  2. Addie.. kung gagawin mo yan, gawin mo na ngayon.. pansamantala lang naman eh.. ako naman ay babalik kapag naayos ko na ang mga dapat kong ayusin.. eg.. sex transplant..

  3. nyahahaha natawa ako dito… nag isip tuloy ako na ikaw yung nabawas sa fb friends ko eh kasi dati 500 nagulat ako 498 nalang soska… eh no naman kung i delete nila ako divah buti nalang di ikaw pot haha…

    ayun mukhang guilty ako dito buti nalang wala akong internet connection sa bahay yun nga lang bago matulog mag che check ako sa cp hindi nga lang iphone haha…

    eto pa.. halos maghapon ako on line sa trabaho ganon din pasilip silip , palaro laro pero nag tatrabaho pa rin.. parang sa fb na nga ako nag ta trabaho haha…

    naisip ko hindi rin pala mganda.. delete ko na rin… ang friendster lol!

    1. hindi ko magagawang burahin ka sa fb no.. ikaw pa.. hihihi

      hindi na kasi tama minsan, tignan mo kahit nasa work ka na eh fb pa rin.. pwede mo namang i-deactivate, tapos kapag ok ka na, pwede na uli bumalik…

      so nadelete mo na ba.. ang friendster mo? ehehehehe

  4. haha. So, how’s your first day and first night na walang pornbook, este! facebook? hahaha! Nakakaraos naman?😀

  5. natawa daw ako na nagre-restaurant city ka rin pala. so alam mo na pala ang big news?

    sa awa naman hindi pa ako dumating sa point na yan and in fact paglalaro lang ata nagpapatagal sa akin sa paggamit ng FB. the rest kung may magsasabi na sa akin may nag-tag sa akin. de bale kaya mo yan, bra nga natatanggal mo e. hahaha

    1. uu.. alam ko na ang big news ng RC.. it is sad, but life must go on.. salamat sa pakikiramay.. pero talagang isa sa mga factor kung bakit ako nag de-activate ay dahil sa mga games.. kaya malaking ginhawa na ang ilang oras na ginugugol ko sa paglalaro ay napupunta sa mas makabuluhang kaganapan sa aking buhay..

  6. I only use FB an hour at most a day. Kailangan din kasi mag-connect sa mga taong kakilala naten like important life events. You don’t need to deactivate. Control lang.

    Dropping by.😀

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s