sayang…

…hinila kita palabas ng bahay na parang hindi ka naging bahagi ng aking buhay dito sa lupain ng mga sakang.. hindi ako masaya na lagi kitang kasama sa mga panahong nais kong manatili sa aking higaan at magmuni-muni…

…mas nanaisin kong isama yung isa na hindi pabigat at mapagkakatiwalaan kaysa sa iyo na napakalaking hadlang sa akin…

…ilang buwan na ba? mahigit isang taon na ba? parang kailan lang ng natagpuan lang kita na iniwan ng lalake mo.. ni walang pumansin sa iyo noong pinili ng lalake mong iwanan ka sa sulok ng tren.. pero dahil may puso ako, inalay ko ang kamay ko sa iyo at inalalayan kita palabas ng tren…

…pinatira kita sa bahay ko at bilang ganti sa kabutihang ginawa ko, ikaw naman ang nagbigay ng kalinga kapag may mga pagkakataong darating ang masamang panahon sa aking buhay…

…marami na rin tayong pinagdaanan.. at kahit ilang unos pa ang dumating, hindi mo ako pinabayaan.. maalaga ka.. hindi mo hinahayaang may mangyari sa akin kapag tumulo na ang luha buhat sa langit..

…pero kanina, magkasabay tayong umalis ng bahay, magkaakbay tayong sumakay ng tren, pero paglabas ko ay mag-isa na lang ako.. lumingon ako pabalik pero nagsara ang pintuan.. hindi man lang ako nagpaalam.. hindi man lang ako nakapagpaalam…

…naging tulad din ako ng lalake mo… iniwan ka sa loob ng tren, sa sulok… at nananalangin ako na sana, ang susunod na lalake na darating sa buhay mo ay bigyan ka ng ibayong pag-iingat… nananalangin ako…

…wala na akong magagawa kung maiwan ko ang payong ko sa loob ng tren.. pambihira, uulan pa naman mamaya.. buti na lang meron akong foldable na payong… pero sayang yung malaking payong… sayang.. sayang…

28 thoughts on “sayang…

  1. ng sinabi mong bagyo naisip ko na payong. pero naguluhan ako kaya nagpatuloy sa pagbasa. hanggang sa umabot ako sa hangganan at napagtanto kong payong nga talaga๐Ÿ˜€

  2. Ayy ang payong. Sayang nga naman talga, mahal pa naman mga payong ngayon.๐Ÿ˜„ Hindi madaling tangayin ng hangin mga malalaking payong. ahaha

      1. Oo, si Ted Mosby I, II, and III. Pero black and blue na payong ko. Tapos mas ‘mahaba’ nang konti kesa sa mga nakaraan.๐Ÿ˜›

  3. hi potpot!!!!

    o ayan andito na ako ha? at handa nang mag-iwan ng puna…^_^

    sayang na payong…kung sana naging lalaki na lang kaya…

    baka di pa naiwanan kasi hahabol at magsasabing … “wait, nalimutan mo ako! ”

    Lilingon ka at magsasabing, “hu u?”

    Sisigaw siyang muli, “Lekat na ito, ako ang konsyensya mo!”

    Magdadali dali kang bumalik…(hihihi… mahirap maglakad na alang konsyensya)

    1. maraming salamat at nakapag bigay ka na ng puna.. at tama ka.. mahirap maglakad ng walang konsensya… kaya wag iiwan ito.. ehehehehe wag ka sanang magsawa sa pagbigay ng puna.. salamat uli!!

      1. hay….

        nakakawala ng sakit ng bangs ko ang pagbabasa dito, potpot…

        magkokomento…

        ayaw gumana ng utak na tuyo…

        sakit pa bangs ko dito

        dumaan lang sa tambayan ng kaibigan!

        ^_^

      2. paano magsasawa? sa dami ng iyong inilathala, dalwa pa lamang ang nababasa? hahahah…. mahahaba ang iyong panulat… mukhang mga kataga ay umaagos sa tuwing tumitipa…. takatak lang ng takatak… ^_^

  4. Sabi na e! Hahahaha. Hindi kayo meant to be, move on. Let go. Hahaha. O kaya balang araw, love will find a way. Choss! Hakhak.

    Aliw.๐Ÿ˜„ nakakamiss na magsulat ng mga kwelang post. Awwww.

    1. hindi pa rin ako maka move on hanggang ngayon.. pero i am trying.. ehehehehe sabi mo nga.. balang araw, love will find a way… i-karir mo uli ang pagsulat ng aliw post.. sige na..

  5. hihi, pusa ang inisip ko, Pot… aliw, kita ko na ang lumang entries with your new theme. btw, wala pang bagong post? dami mo atang raket, suma-sideline ka uli – manicure, pagtitinda ng load at ago-go dancing? ikaw na ang busy pirmi, ahihi.๐Ÿ˜‰ mustamos…๐Ÿ˜‰

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s