sadako 3d…

sadako..pa roon…

… isa ako sa mga nabiktimang makapanood ng “Ringu” or “Ring” noong mga panahon na hindi pa uso ang torrent at nakadepende ang pagdownload ko sa mirc o kung saang site na sasabihin ng kakalase ko na mahilig sa porn…

…noong napanood ko kasi ang ring noon, seryosong isang buwan akong hindi nagpatay ng ilaw dahil takot akong mag ring bigla ang phone at lumabas si sadako sa telebisyon o di kaya ay makita ko siyang nakatayo malapit sa bintana.. ganoon pa ako kaduwag dahil nga bibihira akong manood ng horror movie.. hindi dahil matatakutin ako, dahil kasi mas magandang manood ng horror film na may kasamang chicks para kung matakot siya, sa mga bisig ko sila magtatago… or vice versa…

…hindi ko gawain ang magbigay ng spoiler.. kaya pipilitin kong hindi ikwento ang mga nangyari sa pelikula.. ang ibabahagi ko lang ay ang mga katanungan namin pagkatapos naming manood ng palabas na ito…

  • anong shampoo ang gamit ni sadako?
  • may sore eyes ba siya?
  • kailan pa naging resident evil ang pinanood namin?
  • paano nagkasya si sadako sa loob ng maliit na monitor ng computer at sa cellphone?
  • anong cellphone provider ni sadako?
  • bakit pinili niya ang iphone kaysa sa android?
  • bakit ang ganda ni Satomi Ishihara?
  • bakit hindi ko ma feel ang love chemistry ng mga bidang magsyota?
  • bakit walang subtitle na english sa japanese theater?
  • anong gamit na lotion ni sadako?
  • bakit bawal kumain ng chicharon sa loob ng sinehan?

…pasensya na at walang kwenta ang pinagsasabi ko dito.. at least hindi ako nag bigay ng spoiler na mamatay ang bida sa huli.. hindi ako ganun.. hinde.. hinde…

19 thoughts on “sadako 3d…

  1. okay lang ang spoiler kasi hindi na ako nanonood ng horror movies. nag-umpisa yan nung nanood ako ng the texas chainsaw massacre. mula nun, takot na me.

  2. hnd ko napanuod un. kc mag isa lang ako s room ko so hnd ako nanonood ng horror movie. saka na pag may katabi na palage😀

  3. napanuod ko na yan noon eh..
    pero parang yun the grudge ganon din feeling ko parang naririnig ko yun tunog ni the grudge tapos yung malaking mata at bali baling katawan… tapos mag isa ako nanunuod waaaa

    masarap kaya manuod ng horror movies lalo na katabi mo eh lalabs mo mega yakap kunwari takot wahahaha kulang nalang pumasok sa kili kili nung katabi haha… nanamantala lang pala ahahaha

  4. Ito ba yung lumang the ring? Ako din nung pagkapanood ko ng the ring lagi ako nakakapanaginip ng nakakatakot. Nakakatakot yungfeeling ng nakakatakot. Hehe.

    Ay hala, 3D PA. ASDFGHKALAHSHA!!!!

  5. Ang dami kong tawa dito HAHAHA. Naalala ko yung mga friends ko nung pinanood namin yan. Funny lang kasi halos magkahawig yung mga napagmunihan natin. LOL

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s