kontrata…

nalalapit na ang pagtatapos ng kontrata ko sa pinagtatrabahuhan kong gay bar dito sa tokyo at pagpatak ng setyembre 1, 2012 sa ganap na alas dose ng gabi ay isa na akong “free agent”.. free agent meaning pwede na akong bumukaka sa kahit saang gay bar na nagseserve ng malansang mani… pero dahil kinakabahan ako sa kahihinatnan ng buhay ng aking pamilya sa pilipinas, dahil sa susunod na taon ay mag-aaral na ng medisina ang aking 7 taong gulang na anak at papasok na sa seminaryo ang 3 taong gulang kong bunso, kinapalan ko ang mukha ko na tulad ng swelas ng sapatos kong gawa sa balat ng politikong garapal mangurakot, para makipag usap sa aming “sales”.. oo, “sales”.. dahil sila yung kinakausap namin kung may katanungan kami tungkol sa aming sweldo, leave, tulo at aids…

sinabi ko sa kanila na mahigit dalawang buwan na lang at magtatapos na ang kontrata ko at nais kong malaman kung may balak pa silang pasayawin ako ng tinikling habang nakasuot ng two piece.. sinabi naman nila na may balak nga silang i-renew ang kontrata ko na may dagdag sa sweldo at “promotion”.. sa makatuwid, hindi lang tinikling ang sasayawin ko, kundi ang pandanggo sa ilaw at maglalatik ng nakapiring ang mata mabang tumatawid sa alambre…

pero nung sinabi nila kung magkano ang idadagdag nila sa sweldo ko, medyo tumaas ang kanang kilay ko na may kasamang pagtirik ng mga mata na parang nilabasan lang… dahil kung tutuusin, ninais ko pa na madagdagan ang sweldo ko dahil damang-dama ko ang pagiging dukha ko dito sa japan…

nanliliit ako kapag kinukumpara ko ang sweldo ko sa sweldo ng mga nag papart time sa mga convenient store at nagkakalyo lang ang sweldo namin ng 2 paligo na ginamitan ng panghilod… malungkot… pero kailangan kong tiisin para sa kinabukasan ng pamilya ko at para sa binabayaran kong yacht…

sinabi ko ang request ko na dagdagan pa ang sweldo ko at nagbigay naman ako ng mga valid reasons kung bakit ninais kong padagdagan pa ang swledo ko…

– 2 taon na akong nagtatrabaho at ni isang reklamo ay wala silang narinig sa akin at ako lang ang sumasayaw na tuli…

– nag “skill-up” ako at experience wise ay di hamak na malupit na ako ngayon sa pagdila aking trabaho…

– nalalapit na ang enrollment ng mga anak ko sa labas..

– padagdag ng padagdag ang dami ng kliyente na pumapasok sa akin na lalong nagpapadagdag sa dami ng trabaho…

sinabi ko rin sa kanila na gusto ko pang magtrabaho sa kanila dahil sa gamay ko na ang trabaho.. at ninais ko ding maipagpatuloy ang pagseserbisyo dahil masaya akong nagtatrabaho dito…

pero, matigas din akong nagsabi na hindi na bababa sa 5 sakong bigas ang dapat na idagdag nila sa sweldo ko, at kung hindi man nila ito ibigay, ay minungkahi ko na sa lalong madaling panahon ay hanapan na ako ng kapalit dahil tuturuan ko pa siya na gumiling-giling ng trabaho…

binigyan ako ng time frame hanggang sa susunod na linggo para mapag-usapan ng mga bossing ang magiging estado ng panibago kong kontrata.. kung sakali mang hindi sila pumayag at mawalan ako ng trabaho, abangan ninyo sa TV ang isang pinoy na tumalon sa may riles ng tren sa japan.. pero hindi ko sinasabihing ako yan.. dahil hindi ako yan… hindi…hindi…

35 thoughts on “kontrata…

  1. buti ka pa potski malakas ang loob mag demand.. sana ma grant yan demand mo san pa sila makakakuha ng magaling magtinikling na tuli pa!

    pag pray natin yanπŸ™‚

  2. “…na may kasamang pagtirik ng mga mata na parang nilabasan lang..”

    at napatingin ako sa cover photo mo. Hindi sayo ha. Dun kay koya.πŸ˜›

  3. Nakakatuwa namang magbasa dito….^_^ Hello Potsquared!

    Alam ko na… pag ako ay mag-eemo… mag jump click ako sa page na ito…

    Makulit at nakangiti ang ballpen na nagsusulat dito…

    Parang ingay ng kuliglig, bitaw ng salita ay sisik, liglig!

    β€œβ€¦na may kasamang pagtirik ng mga mata na parang nilabasan lang..” wahahahaha

    Kakaaliw talaga ^_^

    Nakikiraan lamang po!

  4. Hahaha! Nakakaaliw naman to. Sayawan mo kasi duma-moves ka na, pakipot lang yun. Haha. God bless dyan sa Japan at sa pagjajapayuki mo hahahahahaha.πŸ˜„

  5. Dapat lang taasan na nila yang sweldo mo, ngayon ko lang nalaman na nasa listahan ng most expensive cities and Japan. Sosyal ang cost of living wagas na wagas. Go kuya pot para sa magmemedisina mong 7 taong gulang hahahaha.πŸ˜„

  6. uy good luck. sa sunod magpost ka ng picture na gumigiling, am sure mas maraming costumer, mas masaya ang iyong opis at aminin mo na, may balak ka ring bumili ka rin ng eroplano ano?πŸ™‚

    1. matagal na akong magulo no… maraming salamat at natatawa ka naman… at talagang inisa-isa mo ang mga post ko.. wag ka sanang maumay.. ehehehehe… at tulad nga ng sinabi ko na si malaking palayan pa ang dapat kong kainin kung papantayan ko ang buhok ni dolphy… pero nakakataba naman ng puso at natutuwa kayo.. *hikbi*

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s