balik tanaw…

5 taon na rin ang nakalipas nung iwan ko ang aking “dream job” sa pinas upang makipag sapalaran dito sa lupain ng mga sakang/pike.. hindi ko man pinagsisisihan ang pag-alis ko doon pero may mga alala ako na sadyang nakakapagpasaya sa akin tuwing naaalala ko ito o nakukwento sa mga kaibigan..

mula 2002 hanggang 2007, nagtrabaho ako sa pinakamalaking broadcasting network sa pilipinas bilang isang “system engineer”.. isang pangarap lamang nung ako ay nag-aaral ng kolehiyo pero naging realidad nung ako ay nag-apply at natanggap…

nanghihinayang ako dahil maraming oportunidad para lumago sa kumpanya ngunit dahil sa politika, ay hindi nausad ang isang tulad ko na walang koneksyon.. nakakalungkot pero totoo…

pero kakambal ng masakit na pighati ay ang mga masasayang alala ng nakaraan kasama ng mga kaibigan at mga katrabaho na hinding-hindi ko makakalimutan.. hayaan ninyong magbanggit ako ng mga ilang mga masasaya at di gaanong masayang kaganapan, noong ako ay nagtatrabaho pa roon..

– ang muntikang sagutan namin ni Alex Santos sa welcome rotonda dahil lamang sa mikropono..

– ang makasakay sa sky patrol..

– ang mamura ni Doris Bigornia kapag hindi ko napatay ang on-air monitoring niya sa earpiece niya…

– ang makatrabaho si Sol Aragones dahil down to earth siyang tao, at kapit bahay niya ang kumpare ko sa bording house..

– ang matawag ng “Potpot” ng mga kilalang personalidad sa industriya…

– ang makaututang dila si Winnie Cordero…

– ang magkunwaring tagabalita kapag nag ma-mic test…

– ang malaman ang sikreto ni Lui Villaruz tuwing umaga…

– ang manginig sa takot kapag si Korina Sanchez ang aming anchor sa labas…

– ang makasama si Kuya Kim Atienza noong hindi pa siya kapamilya…

– ang malamang mahina minsan ang pandinig ni Ted Failon…

– ang makita ang ganda ni Nina Corpuz…

– ang magpapicture sa mga sikat na artista, lalong lalo na si Cindy Kurleto…

– ang muntik ng magulpi ng mga FPJ fans sa kanyang burol dahil nag sorry si Karen Davila… pero love ko pa rin si ma’am Karen..

– ang makabiruan si Jorge Carino…

– ang masilayan ang tikas ni Erwin Tulfo lalong lalo na sa mga kalalakihan…

– ang minsang hindi ko maintindihang punto ni Aljo Bendijo…

– ang mainterview ni Maria Ressa at Charie Villa para sa field producer position…

– ang pagsagot ni Gabby Lopez sa aming email tungkol sa aming sweldo…

… sa totoo lang, iilan lang yan sa mga masasayang kaganapan noong nagtatrabaho pa ako sa IBC-13… oo.. bakit? kala ninyo sa ABS-CBN ako nagtatrabaho.. bawal mag assume ha…

58 thoughts on “balik tanaw…

  1. hahahhaha…Buti na lang di ako nag assume!

    Na starstruck ako….

    Ayun, nakadikit na tuloy ako sa pader!

    Ano yan, parang trip to Jerusalem lang ang mga tao…

    Paikot ikot sa mga networks…

    Mahirap dito sa Pinas, Potpot…

    Mabuti na rin sa iyong pagnanais ng magandang buhay, ikaw ay nabigyan ng pagkakataon dyan…

    Pero ang pagkakataon ay dapat ingatan,

    Dahil alam nating sa ibang bansa o sa Pinas man, kung ang biyayang ibinigay ay di iningatan, ito rin ay walang patutunguhan, uuwi ka pa ring luhaan… (at magtutmba ng kaldero sa hapunan!)

    ^_^

    1. ahahaha! talagang napadikit ba sa pader.. ehehehehe… pero tama ka.. mahirap nga sa pinas.. kaya lang naman ako nag abroad eh para sa pamilya ko.. at tama ka rin na dapat ingatan ko ang biyayang ibinigay na ito… at sure nga na uuwi akong tataob ang kaldero… ehehehehhe.. thanks “hon”.. yiheee!

      1. naku salamat sa “hon”, kaibigan!

        o sya itaob na ang kaldero…

        at mag-ingat sa biyayang nasa bulsa mo,

        iyan ay para sa pamilya mo…

        maraming mandurukot kahit saang dako ^_^

        tsk tsk tsk

      1. haha. oo nga eh, sabi na nga ibc 13 eh. ba’t ba namention ko yung abs? hehe.

        sana nga noh, doon ako sa clinic nila. at sana lagi kong ma first aid sina xian lim and others. lol

    1. sige gagawa ako niyan.. pero baka mahunting ako ni korina kung sakaling mambuking ako.. eheheheh ahh pwede akong gumawa ng parang blind item.. gawin ko na kayang showbiz blog yung site ko no? ehehehehe

  2. akala ko pa naman rpn ka. hehehe

    ayon sa aking mga kaibigang bubwit matindi nga ang field na yan at yung company. pero mahusay na training ground para maging matikas ka…kasi dumaan kana sa hirap e. tingnan mo ngayon ang galing mo ng gumiling-giling!

  3. Natuwa akong malaman na down to earth si sol aragones.πŸ™‚ Sandali, tunay ba yan? Hahaha. Gusto ko kasi si ms. sol.πŸ™‚

  4. hahaha nakita yata kita dati, yung may earphone at may nakakabit na mic parang lapel. meron kang hawak na bond paper tas nakasulat doon, “Hello sa nanay, tatay, pinsan, pamangkin, tito, tita.” AYY WEHH.

  5. bwahahahaha! ako na ang assuming! hahaha! nakatrabaho mo kaya si charo (logarta), thesis groupmate ko? hehehe

    journ grad ako pero never ko natry magtrabaho sa network o sa dyaryo. mashadong mababa silang magpasweldo lalo at naguumpisa ka pa lang at nung mga panahong yun kelangang mas maayos ayos ang kitain ko dahil may baby na ako. hehe (si ate kara ay 15 years old na ngayon).

    and i don’t think tatagal ako sa lakas ng pulitika sa mga ganyang kumpanya. no regrets, tho.πŸ™‚

    1. ayy oo.. si charo.. crush ko yun eh! may picture kami together.. nasa mltiply ko.. ehehehehe.. pero di niya ako kilala kasi seryoso ako dati.. at di ako makabasag pinggan.. at totoo na maliit magpasweldo.. barat kung barat!! so kamusta namang thesis groupmate si charo?

      1. ok naman ang thesis namin. 1.25 grade namin e. hahaha! ang olats yung isang groupmate namin na walang nacontribute pero pareho ng grade namin, hahahaha! but that’s past. I still keep in touch with charo. gusto mo isumbong kita sa kanya? hahaha!

        di kita maimagine na di makabasag pinggan. pramis. haha!

      2. platito lang kasi ang kaya kong basagin noon… ehehehehe at wag mo akong isusumbong… pero kung isusumbong mo ako, sabihin mo hello sabi ni potpot.. hihihi <– anlandeh!

      1. Yep. Napanuod ko nga yung ilang raw mats nya noon. Pero in fairness ngayon mas malamig na ang ulo niya sa cameraman at interviewees. Haha :)))

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s