paasa…

…lunch time at masaya kaming nag kukwentuhan ng mga kaopisina kong pinoy at napansin namin na sa may isang banda, ay may grupo ng kalalakihan na nag-uusap ng nakatayo.. dito umiral ang aking kalokohan na kunwari ay nagpapacute ako sa kanila…

…humirit ang isa kong kaibigan na “kung naging babae ka siguro kuya pot, ang landi-landi mo”… sagot naman ako.. “AYY OO NAMAN!”..

…totoo naman na siguro ay medyo “flirty” ako kung sakaling naging babae ako, pero hindi naman to the point na papalit-palit ako ng lalake..

…at habang ginagaya ko ang mga “kalandian” na ginagawa ng isang babae, humirit naman ang isang kaibigan na, “ayos ah! alam na alam mo ang mga “flirty moves”…

…sinabi ko na “dahil may karanasan ako diyan…”

“TIME SPACE WARP, NGAYON DIN!!” ~shigishigi…

…highschool ng makilala ko si Lisa sa library, 13 anyos, matanda siya ng ilang buwan sa akin at tunay namang napakaganda at napaka-energetic… mahilig akong tumambay sa library noon dahil maganda yung librarian wala pang internet masipag akong mag-aral…

…noong una ay hindi pa kami nagpapansinan kahit kalahating dangkal lang ang layo ng siko ko sa siko niya, pero dahil halos araw-araw ay naroon din siya, kaya hindi nagtagal ay naging mag “close” na kami…

…totoy pa ako noon.. hindi pa ako gaanong nakikipag-usap sa mga babae dahil torpe pa ako, pero itong si Lisa ay napakabait, at talagang hindi siya nahihiyang i-express ang kanyang sarili sa mga kaibigan…

…napansin ko lang na sa mga set of guy friends niya eh hindi siya “super close” tulad namin… ano ba ang definition ko ng “super close”.. yun bang tipong:

– dumadantay siya sa braso ko…
– umaakbay…
– umaangkla…
– hinahawakan ang hita ko sabay pisil…
– kinikiliti ang tenga ko…
– hinihingahan ang batok ko…
– kakagatin ang daliri ko…
– kakamutin ang ulo ko…
– yayakapin ako…
– aakmang hahalikan ako sabay sampal…
– kukurutin ang pisngi ko tapos hihimasin ang pisngi ko para sabihing “sorry ha, masakit ba?”…
– tititig ng matagal tapos kikindat…
– gagamitin kutsara at tinidor ko kahit pa ginamit ko na ito…
– mag-aayos ng bra sa harapan ko…
– magpaparinig na “ang cute cute mo tapos wala kang gf?”…
– magsasabi na “tara! iuuwi na kita sa amin”…
– hindi nagtatakip ng blouse kapag lumiliyad sa harapan ko…
– sinasama akong mag merienda, at libre pa niya…
– yung magpapakopya ng mga assignment kahit hindi naman ako nanghihiram ng notebook…
– magkukwento ng tungkol sa “crush” niya na nakilala niya sa library…
– papangitiin ako para lang makita ang dimples ko…
– ikukwento ang tungkol sa “ideal” guy niya na inassume ko na parang ako dahil habang nagsasalita siya ng description nito eh sa akin nakatingin…
– kinakantahan ako ng mga love songs…
– magsusulat siya ng mga letters na kakaiba ang tupi…
– hahawakan ang kamay ko na parang magsyota habang nagbabasa ng libro…
– laging may “namiss kita” na sinasabi kapag nagkikita kami sa library…
– at kung ano ano pang mga shitz…

…kung tutuusin, hindi naman ako manhid na tao, may pakiramdam din naman ako, at sa mga pinapakita/sinasabi/pinadarama niya sa akin, eh parang gusto niya ako… parang lang ha.. parang..

…ilang buwan din na ganyan simula nang maging “close” kami at ni minsan ay hindi ako tinubuan ng tapang para magtanong.. pero isang araw, sa kadahilanang tuliro na rin ako at hindi ko na alam kung ano ang sitwasyon na meron kami… mabagal kong tinanong na “Lisa, mag-“ano” ba tayo?” na mabilis namang sinagot na, “HUH? Magkaibigan? Bakit? Umaasa ka?”

…parang tanga lang di ba.. kaya sumagot ako na “hindi naman sa umaasa, pero naguguluhan kasi ako eh…” na mabilis naman niyang bwelta na “oi potpot! hindi porke “close” tayo eh iisipin mo na may gusto ako sa iyo, friends LANG tayo.. friends…”

…ewan ko ba ate charo kung bakit nung sinabi niya iyun ay bigla na lang bumuhos ang luha mula sa aking mga mata… nasaktan ako.. pero wala akong karapatang mag-assume… umalis ako sa library at hindi muna bumalik ng ilang buwan…

…pagbalik ko ay nandun pa rin si Lisa, at may bago siyang “friend” pero hindi siya ganun ka “close” tulad ng ginagawa namin… lumipat ako ng upuan at pasimpleng tinitignan si Lisa… at sa tuwing titingin ako sa kanya, nahuhuli ko siyang tumitingin sa akin… feelingero talaga ako… o paasa lang siya talaga…

…hindi ako bitter sa pagkwento ko nito, and besides, hindi ko naman alam ang kanyang motibo kung bakit siya ganun sa akin… wala rin namang nabubulong ang campus na kung pokpok ba siya o sadyang ganun lang… pero may narinig ako na nagbibigay ng di gaanong magandang pakiramdam sa akin… na nung time na umalis ako sa library ay wala siyang bukang bibig kundi ang hanapin ang kanyang “close GAY friend” na si Potpot…

*facepalm*

53 thoughts on “paasa…

  1. Ok OK! Kilig much akoo :DD ahaha

    Hey flirt! Sinabihan ako ng teacher ko sa Theory at Field Study kahapon na kung babae raw ako, matagal na raw akong nabuntis. Naguusap kasi kami tungkol sa mga estudyante na nabuntis. Ahaha. Pero palagi nya talga akong sinasabihang malandi kahit nung 2nd year pa ako. hmmpff

  2. yai! hanubayan kafatid? gawin ka bang sandalan, kabalitaan, at kadikitan hihihi

    pambihira, eh na wow, mali ka pala hahahha

    yun lang ang problemo… ang kahulugan ng mga bagay bagay sa atin ay iba pala sa pakahulugan ng iba…lesson? subukan kayang magtanong agad?

  3. AHAHAHAHAHA

    Ay sorry sa pagtawa, nakakarelate lang.

    Uso talaga ang ganito sa mga ganung edad. Pero dafuq, masakit ha.
    Ilang buwan na masayang masaya sabay togodoinks, friends.

    1. don’t think it’s wrong.. sometimes we need to be bold in the things we say and do so that we won’t get hurt further… and what if she reciprocates? you never know..

  4. hahaha! sori naaliw lng ako s kwento.e so ngyun alam mo na bakit ka ni close ni lisa??
    nung una kong binabasa, aba aba. flirt nireng babaeng to ah!! at sumunod na basa aba aba, bwct na babae to ah. paasa! at hnd nmn kita masisi na umasa nga at mag assume or maging feeling kc nga s gngwa nya.. at sa huling basa, ALAM NA!🙂

    e kht ako nguguluhan sau din e.. more kwento pa pra mhulaan na kita😀

    1. wag mo na akong hulaan.. kukumpetensyahin mo pa sina madam auring at madam rosa.. ehehehehehe pero salamat at naaliw ka sa pagbabasa.. madami namang clues sa mga post ko pero ang mahalag eh yung importante.. hehehehe.. salamat!

  5. ouch! naniniwala ako na sadyang may mga taong flirt at mayroon ding mga tao na feelingero lang talaga. puwes gusto ko sana gumitna sa mga yan kaso ang masaklap hindi ako expressive sa totoong buhay. hohoho

    naalala ko tuloy ang independent film na “ligo na u lapit na me” parang ganito lang kuwento pero medyo agressive pa. hehehehe

  6. Hello po! Yung 9 na comments nyo sa blog ko ngayon ko lang nabasa! Napunta pala sa spam lahat! Argh. Anyway, salamat po sa inyong mga comments. All approved! I’ll see you around the blogosphere!

  7. sabi daw po kase, wag umaasa hangga’t walang i love u. hehe!

    pero, on second thought, paasa si girl. Hindi naman kase gagawin ang mga bagay na yon if hindi special.

    1. o di ba?!?! saka nakakapagtaka lang, sa ibang lalake, hindi niya ginagawa yun, kaya siguro hindi maalis sa isip k ona “baka” may something sa aming dalawa…

  8. I didn’t understand most of the lingo here, but I got the gist ! ! Did she actually touch your thigh and squeeze it? Ahahahah ! Even here in the US, girls will never do that ! That’s…… uhm….. beyond flirting. And then that was her idea of friendzone? LOL Wow ! Atta girl !

    1. yes she did.. that was an awkward moment for the both of us and i think she got a little carried away.. and i saw her blushed that’s why it was different.. and i do apologize if most of the words here are too “tagalog” for you.. hope google translate can help you understand the other words, hoping that you did went all the way translating.. ehehehehe thanks for passing by!! and stop patronizing her.. i am the victim.. i was friendzoned here…huhuhuhu

      1. There, there, don’t cry… * pats head *

        Maybe she honestly thouht you were gay, and she did the seduction scene to make you ” man” up. Dude, she was doing you a favor ! Ahahahaha . This is so funny. Love this post.

  9. Ang harot trese anyos pa lang. Hakhak. Paasa naman yan, at ang masaklap pa inakusahan kang “close GAY friend”. e baka naman gay as in pinakamatalik na masiyahing kaibigan. tsk tsk. miss mo na siya? hahaha.

  10. Literal na napa-OMG ako sabay bunghalit ng tawa. sasabihin ko na sanang ang haba ng hair mo sa napakahaba ring listahan pero sabay bwelta nang paasa lang pala siya dahil friends lang kayo. tapos sa dulo, miss na niya ang gay friend niyang si pot. bwahahahhaha! pasensiya na talaga at napagtawanan kita. isa pa nga. bwahahahaha!

  11. Wahahahhahaha! At napatawa na naman ako ng post na ito… LOL😀 ang benta mo sakin, Pot ah! Ooooppsss.. Paasa! LOL.😛

    Sa tingin ko po… Hmm.. Hindi naman paasa si gurl. Baka akala nya.. Akala nya lang… Eh ano. Ano ka… Yeah know. Minsan kasi mahina gaydar namin mga babae! Parang naging sweet-sweetan din ako dati sa isang close guy friend ko. Ang gaan ng loob ko sa knya at sweet talaga din ako… Kasi akala ko.. Hindi babae ang mga gusto nya! *Sorry naman!* Nun umamin/ nagtanong din sya.. sorry talaga! hehe

    Yan lang po ang aking point of view! Hehe.😀

    1. hindi paasa!!?!?! HINDI PAASA?!!??! so masyado lang “friendly” lang… huhuhuhu.. kayong mga babae, masyadong mapaglaro ng damdamin!!! huhuhuhuhu.. *kuha dental floss, gawa pangbigti*

      1. sa pagkakatanda ko ay mukha naman akong lalake nung high school ako ah… at bakit naman ako mapagkakamalang GAY?!?!?! porke ba pink ang pencil case ko at may ribbon ako sa buhok, ibig bang sabihin eh GAY na?!?!! *kuha ID lace*

      2. Hahaha! try mo kasi ang blue minsan.😀 nerdy type ka ba nun hayskul ka or un mysterious type? minsan kasi yun ang mga napapagkamalan na GAY! haha.😉

  12. GAY FRIEND?!!!😄 hahahahahaha!!! ang saklap naman nun… :)) kaya pala siya kumportable sayo. So, hindi siya paasa. :)) Assuming ka lang—nung panahong yun. :)) WAHAHAHA!

    nakakatuwa namang balikan ang mga memories gamit ang timespace warp… ano yung ~shigishigi? :))

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s