salamat sa atensyon…

…sa mga bagong sumusubaybay sa aking blog, maraming salamat po… hindi ninyo alam kung ilang beses akong nag-tumbling sideways while blindfolded kapag nakikita ko na may nabibiktima nagbabasa ng mga post ko… at kahit alam ko na kadalasan ay puro kababawan at walang saysay ang mga pinagsasabi ko dito, ay nananatili pa rin kayong nauuto nagtitiyaga sa pagbisita…

…pero bago ang lahat, hayaan muna ninyong bigyan ko kayo ng kaunting “background” tungkol sa akin at sa aking blog… karamihan siguro sa inyo ay naguguluhan kung totoo ba o kagaguhan lang ang mga pinagsasabi ko dito.. ang totoo niyan ay ang truth… malinaw di ba?

…hinahayaan ko kayong mga mambabasa na mag-isip kung ano ang totoo sa inyo at kung ano ang hindi… hindi naman siguro kaila sa inyo ang mga kaunting kapilyuhan at kagaguhan ng bawat isa, meron nga lang akong mga dinagdag na “kaunting”.. take note, “kaunting” slight little detail para naman maging kapana-panabik ang inyong pagbabasa… hindi kaya biro ang magbasa kayo ng mahigit 3 hanggang 5 minuto para lang malaman ninyo na nakakain ako ng ipis sa siopao.. walang thrill.. walang sense… kaya dinadagdagan ko.. halimbawa.. nakakain ako ng ipis sa “asado” siopao.. o di ba mas kumpleto ang thought? nai-imagine ninyo na hawak ko ang “asado” siopao sabay kagat at nararamdaman rin ninyo na may parang malutong na ewan akong nakakain.. o di ba mas malinaw?.. kaya dinagdagan ko ng kaunting “detalye” para naman magkaroon ng tokawa’t baboy ang plain lugaw na may lumulutang na langaw… at oo, hindi pa ako nakakakain ng plain lugaw na may tokwa’t baboy.. eewwwww…

…patungkol naman sa akin.. huwag sana ninyo masyadong seryosohin ang mga pinagsusulat ko dito.. nais ko lang po ay makapagbigay ng kahit kaunting ngiti sa mga busangot ninyong mukha, dahil naniniwala ako na pag napangiti ko kayo, nakakarelate kayo… o di kaya ay pinagtatawanan ninyo ako dahil tanga ako… either way, nakangiti kayo… pero seriously, huwag ninyo masyadong seryosohin… masakit sa bangs kapag sinuri mo pang maigi ang mga pinagsasabi ko dito… just take everything as it is and enjoy reading…

…at seriously uli, kung makikita mo ako sa personal, hindi mo iisipin na gago, tanga, sira-ulo, mangmang, may sapi, may tililing ako… marami nga ang nagsasabi na mukha daw akong serial eater ng mga natitirang pagkain sa hapag kainan dahil nga sa hitsura ko, pero ang totoo niyan ay hindi.. hindi sila nagkakamali…

…ok, tapos ko ng aksayahin ang ilang minuto ng buhay ninyo.. nawa’y hindi kayo magsawa sa pagbalik dito.. maraming maraming salamat po!! at oo, hindi ako malandi.. kikay lang.. ahahay!!!

79 thoughts on “salamat sa atensyon…

  1. oi oi oi!!!!!!

    present!!!!!

    pa attendance ako!!!!

    anong siopao?

    pambihira, minsan lang makikimeryenda, may ipis pa?????

    emo ka potpot ha?

    bakeeet? walang kinukulot?????

    HI there mah friend!!!!

    1. naku.. wag naman.. ayoko pang mamaalam ang blog ko na ito.. eto ang shock absorber ko sa mga panahon na high ako sa katol… pero naintriga ako kung ano yung farewell message mo.. kailangan maiyak ako ha…

      1. Huy masaya yang katol. Gawain ko din yan nuon, ngayon kase good girl na ko. Gawain ko yan sa saliw ng musika ng I’m Gonna Be (500 Miles) by The Proclaimers. Try mo one time, goooooooooooooo!

  2. Drama ni beks. Haha! Dapat may post ka ng mukha mo para kumpleto rekados. And by the way, ang galing mo kaya magsulat! Pwede ka ng magstand up comedy. Punta ko, basta libre. *fist bump*

    1. hayaan mo sa susunod puro pagmumukha ko ang ilalagay ko… maraming salamat sa papuri.. hayaan mo, papapasukin kita sa comedy bar at ipupuwesto kita sa harap para ma-okray… pero syempre kunwari lang yun dahil friendhip kita.. kung friendship din ang turing mo sa akin… *hikbi*

      1. Isang pagmumukha mo ok na, malamang masyadong madaming ilalagay mo. Hmm isipin ko pa yung friendship friendship na yan base sa makukuha kong benepisyo sayo. *tawang kontrabida*

  3. tulad ni jepoy, matagal na akong lurker ng blog mo. binibida ko pa ang blog mo dati sa ex ko kasi tawang tawa ako sa mga kalandian mo. lols! nagtataka ang ex ko noon kasi hindi naman daw nakakatawa. ayun, ex ko na siya. bwahaha! ibig sabihin, di natin siya kalevel.😀

      1. sige sige apollo!

        nakakaintriga yung “di natin sya ka level!!!”

        hahahahah

        at may level!

        Level Up ba?

        Sige kwento ka, parang showbiz lang yan, pampa alis ng umay ng buhay!

        Kaway!!!!

      2. ayy parang nasobrahan ng 2 letra… ang tama ay “ganyan magmahal ang mga tunay na lalake”… may sira ata ang keyboard ko… pasensya na po… hihihi

    1. sabunutan ko kaya ang ex mo?!?! tsura niya.. misis ko din eh, hindi daw nakakatawa… hiwalayan ko na kaya? pero salamat pre.. pinataba mo ang puso ko.. pa kiss nga yung walang malisya.. torrid ha…

      1. mabuti naman at napatawa kita… hindi ba halatang 45% na seryoso ako sa sinabi ko? di bale.. ehehehehe ang mahalag ay ang importante!!! *kaway* hello honey!!

      2. walang anuman… at mukhang hindi ka busy ngayon ah… relax-relax lang para mapaghandaan ang weekend.. ehehehehe ako naman ay naghihintay ng 4 na oras para umuwi, tapos ko na kasi ang trabaho, kaya basa-basa uli ng mga sangkablogan…

      3. hindi na ako busy ngayo dahil smooth na ang buong paaralan…

        pirma, pirma
        sita, sita
        basa, basa
        payo, payo

        stressfull ba yan?

        palagay ko hindi hihihi….

        kaya relaxed nga brader!

  4. cool post, pot! bakit, kapatid, may isyu ka pala sa tokwa’t baboy? ahihi… mas mahilig ako sa tokwa’t baboy kesa sa lugaw… lugaw, pwedeng once a quarter lang ako kumain. tokwa’t baboy, pwedeng once a month, ahaha.

    mas gusto ko ang sisig. mas masarap na, mas makasalanan pa, hehe…

    hey, pot, mukha kang seminarista… yon lang, yong tipong nagpapasok ng porn mags at porn dvds sa quarters at di halatang sya ang promotor ng mga kalokohan, ahaha. ^^

    see, kakaunti pa lang nababasa ko sa posts mo but i have very high regard for you…😉 hope you will have a great weekend ahead. sana nga ay nakaka-tumbling ka pa, sideways man o hindi, ahihi. ^_^

    1. hindi ka pala malugaw.. masisig ka pala… ako ata kahit linggo linggo sisig ang kainin ko… yun nga lang forever young ang beauty ko…

      salamat at napagkakamalan mo akong seminarista na nagpupuslit ng mga porn sa loob… posibleng mangyari yan kung natuloy ako…

      salamat ng marami!! sana ay ikaw din ay magkaroon ng masayang weekend… hayaan mo, pipilitin kong mag-tumbling.. ehehehe ingat palagi!!

      1. ahaha, gusto kong naaamoy ang nilulutong lugaw o arrozcaldo (ayon, masarap ayon, ngayon…) pero di ako masyadong mahilig. tikim lang ng konti, okey na, hihi… siguro kasi, na-a-associate ko sya sa kahirapan, tsos!

        totoo, when we were young, puro palayan doon sa may amin. pero, pag lean months na tinatawag, walang bigas, wala ring mautang, as in… so, may two to three months kaming madalas ay lugaw, hehe. na asin at luya lang ang sahog, haha. masarap naman… pero por dyos, pag araw-araw?…. so, ayon ang kwento. sana, naiyak o natawa ka, hihi… ^^

        sa inuman na noong late 20s natutunan kong kumain ng sisig, kapatid. masarap pala ang mga bagay na sinful, hehe. kitang-kita ang nagkikintabang cholesterol and fats – my, yummy! di ako kumakain ng meat for a long time, talbos-talbos dati ang nakasanayan. sabi sa ‘yo, medyo nag-try na akong magbago, hihi. ^^

        ei, may movie na Sideways – tungkol sa winetasting yata… i remember na boring yon pero maganda, hihi. Spanish film, wari ko … hello, Pot!😉

      2. wow.. the life story of san… hihihi.. research ko nga yang sideways na yan… sanay na naman akong magbasa ng mga subtitles eh.. hello san! *kaway kaway*

  5. basta kong ano pinaniniwalaan ko about sa iyon yon na yon. ahahahay. kasi yun din ang dahilan bat ko binabalik-balikan ang blog mo.

    mabuhay sa dumarami mong fans. ahahay!

    1. ay nakow… hindi PA ako nakakakain ng siopao na may ipis.. yung may buhok pa lang… yung tatay ko ang nakakain na niyan, 3 beer daw pinanghugas niya pero di daw maalis ang lasa ng ipis… ewwww…

      1. at may balak, wag na kuya di masarap. nakakain ako dati pero katas lang, nakita ko yung legs ng ipis dun sa giniling tumindig balahibo ko.

      2. malay mo ma-uso uli ang fear factor.. naghahanda lang… at wow! yang tindig balahibo ba na yan ay yung parang nakkita ka ng multo o yung kinilig ka kasi nandiyan yung crush mo?

  6. Minsan na akong sinabihan ng “okey ka lang?” kakatawa at ngiti habang nagbabasa sa teritoryo mo…. ^_^ pinabasa ko sa “kanya” sabihan ba nmn ako ng “bahala ka na sa buhay mo!”…. Hindi siguro marunong magbasa yun, walang kareareaksyon hehhhehe…(tinamad siguro mgbasa dahil cp lang gamit ko).🙂
    Siopao na may ipis? Nman potpot! Sakto nmn sa lunch ko na siopao… May ipis kaya ‘to o palaman gawa sa pusa?!?!%#^^£ =)

    1. maraming salamat kokak.. o ano ba ang gusto mong tawag sa iyo? at paumanhin na rin kung pinagsisimulan pa ng away itong blog ko.. ipaliwanag mo sa kanya na kalalabas lang ng mental ang nagsusulat at may ADHD kamo ako… pasensya na uli.. at sorry din kung nataon na kumakain ka ng siopao.. isipin mo na lang na cultured yung ipis at may lahi yung giniling na pusa…

      1. Di ko alam saan napunta yung reply ko dito kanina( pasintabi kung saan man yun napadpad).
        Hindi naman napaaway.. Iba lang ang trip “nya”…🙂 at alam rin nya “na may iba rin akong mundo” hehehe
        Iniisip ko na lang na ang siopao ko ay empanada… Ubos na… Burp!😉

        Bhala ka na kung ano itatawag mo… ^_^. Gandang araw!!!!!

      2. hinanap ko pero wala eh.. baka nagbakasyon ang reply mo.. sorry po… ok yan.. kanya kanyang trip lang talaga.. pero maganda at may harmony pa rin… ang bilis maubos! ayos!

  7. wala na. naaksaya na! chos! hehehe.. salamat din sa pamamasyal sa bahay ko. and more kalandian este kakikayan!!🙂

    1. ang nailagay ko sa blog description ko ay “serious inspirational blog” bakit nahanay ako sa “humor blog”? may sira ata ang wordpress.. ehehehe pero salamat at nahanap mo ako.. matagal na rin akong nawawala eh… hihihi

  8. Matapos mong magsulat ng kung anu ano dito biglang ganito ang mababasa ko. shempre nagakala naman akong may pamamaalam na magaganap, o kaya may nagreklamo sa mga sinulat mo, o kaya ano. basta. pero wala lang pala. gusto mo lang palang sabihin na may ipis sa asado siopao na nakain mo. ahahaha! pero, ano nga kaya kung totoo yun? hahaha biro lang at be careful what we wish for…

    hindi lang ako mashadong nakapagbasa the past few months. di rin nga ako nakapagupdate nang matagal kasi sunod sunod na hindi masaya ang nangyari pero salamat pa rin dahil nung magsulat ako e biglang napapunta ka sa bahay bahayan ko.🙂

    sulat lang nang sulat. malay mo, isang araw, maging totoo na rin yung mga kinukuwento mong kalokohan dito. hahahha!

    1. hayaan mo kaye.. basta makikita at makikita kita sa internet, pupuntahan at pupuntahan ko pa rin ang iyong bahay bahayan.. at pasensya na kung may “moment” akong nagiinarte… at wag na nating hilingin na magkatotoo ang mga kalokohan ko.. juice mio por pabor…

      1. Parang hindi naman siguro? Sana.😛 Mejo kadiri lang yung ipis, better you couldn’t have not elaborated that part. However, yun din yung nakakatawang part e. Hahaha. Have more post coming!🙂

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s