si batman at ang kanyang kapa…

Ok, uunahan ko na kayo, may kaunting spoiler sa mga sasabihin ko dito, pero ‘wag kayong mag-alala, hindi ko sasabihin na si batman at si bruce wayne ay iisa at hindi ko rin sasabihin na si catwoman ay si anne hathaway..

Parang trip kong magkaroon ng film review kada nood ko ng sine, pero hindi rin. At dahil likas sa akin ang mapuna ng mga bagay-bagay na walang katuturan, hayaan ninyong ibahagi ko sa inyo ang ilan sa mga “notable” moments/scenes sa kapapalabas pa lamang na “Dark Knight Rises”..

–          kada suot ni bruce wayne ng batman mask, kailangan ahit pogi siya…

–          napakaganda ng pwet ni anne hathaway nung sumakay siya sa motor…

–          mas emo si Alfred kaysa kay Bruce…

–          kailan pa nagkaroon ng hairstylist si morgan freeman? Eh nakakalbo na siya…

–          billionare si bruce wayne pero hindi man lang bumisita kay belo para magpatanggal ng warths/kuliti sa mukha…

–          pwede palang manood ng local channel ng gotham sa isang foreign land.. (baka may cable)…

–          pinaka-engot si commissioner gordon dahil 3 batman movies na ang nakalilipas at hindi pa rin niya alam na si batman at bruce ay iisa…

–          si leonardo de caprio na lang ang kulang, inception part 2 na…

–          natapos at natapos ang credits pero walang preview ng susunod na movie (parang sa marvel studios lang)…

–          si bruce kahit walang pera, matinik pa rin sa chicks (baka mahaba… ang pasensya niya)…

–          kung nagbabalak silang gumawa ng justice league na movie, bakit hindi dumating si superman para iligtas ang gotham? Hindi ba sila friends ni batman?

–          At juice mio ang kapa ni batman, parang ginagamit sa panglanggas ng bagong tuli..

Marami pa akong napuna sa movie pero masyadong giveaway ang story sa mga hindi pa nakakapanood kaya hindi ko na lang sasabihin na mamamatay si catwoman sa huli dahil iniligtas niya si batman at si Alfred ay bading…

133 thoughts on “si batman at ang kanyang kapa…

      1. eh bakit kasi lumabas sa reader ko ito….whyyyyyyy?????? hahahhaha

        In fairness, kahit di ko napanood yung movie, heto na lang ang babasahin ko, gulong pa ako sa kakatawa! ikaw na ang kapalit ni dolphy! hihihi

      2. hayaan mo.. sa susunod, ilalagay ko agad ang pangalan mo na “honey! wag mong basahin!” para mas lalo kang maintriga.. ehehehehe… buti naman at napatawa kitang muli.. at naku.. hindi ko ka level si tito dolphy <– talagang tito ang tawag eh no… kung sinasabi nilang marami ka pang kakaining bigas… sa akin ay isang palayan pa ang kailangan kong kainin para makahabol ako sa gabuhok na husay ni uncle…

      3. mahirap talaga… hindi ko kilala si kalakian.. siya ba yung kapatid ni puti.. yung bakang mataba.. bakang maputi.. tulong tulong sa paghila.. hila, hila, hila.. kariton at paninda? (taga batibot)

  1. superlike! kapatid, pang-magazine ang spoiler mo, as in… ang dami kong tawa. lahat ng iba pang nag-review sa blogs, waxing poetic, philosophical, kung anu-anong noble feelings ang na-incite sa kanila, as in… ^^ itong sa iyo ang wagi!;)

    unang lines pa lang, panalo – gillette! ^_^

      1. hala, tomo nga, ang dami nang nag-like, as in… btw, rubie pala ‘yong blade as in, ahit rubie. shaks, inabutan mo rin yong commercial na ‘yon? hihi… ^^ hello, pot.😉 maulan pa rin dito, winter na ata, ahaha🙂

      2. ayos, yan.. uwi ka rin minsan dito ng summer tapos, baka pwedeng ipunin angkapawisan at i-donate sa remote areas na wala pang irigasyon, whehehe. joke lang, kapatid.😉 btw, talagang mainit din? parang pag summer dito sa ‘tin? ^^

        tomo nga, mabenta ang kapa ni batmang tinahi mo, ahihi. happy midweek, pot.🙂

      3. nagbabalak na nga akong magdonate ng timba-timbang pawis sa mga lugar na hindi nakakaabot ang tubig.. yun nga lang parang tubig dagat ang pawis ko… at oo, mainit na parang nasa pinas lang ako… maraming salamat san!! at midweek na agad.. parang kahapon lang nagbabatian tayo ng happy weekend.. ehehehehe *kaway kaway*

  2. mali naman ang spoiler mo.

    ganito:
    si cottilard at si talia ay iisa. at siya ang boss ni bane. siya rin ang nakatakas sa lazarus pit at hindi si bane.

    makikilala na ni batman si robin.

    hindi namatay si batman sa nuclear explosion.

    bwahaha! ansarap maging salbahe!😀

      1. apir! bwahahahahaha!! wala sanag makabasa ng mga comments natin.. baka itali tayo sa puno ng niyog, paliguan ng honey at ipakain sa mga langgam… ahahahaha..

  3. wahaha, pang-asar nga ito sa mga hindi nakakapanood. napaka-dark nga ng movie na ito. kahit last full show nahirapan akong makatulog. oo emo ni alfred at makakahanap ng tip ang mga nasa orthopedic sa pelikulang ito. hohoho!

    1. panoorin mo pa rin.. hindi ko naman sinabi jan na si batman at si catwoman ay magkapatid.. at asawa ng kapitbahay ng tiyuhin ng bilas ng pinsan ng apo ni alfred ay hindi ko kilala…

  4. Hahahaha! Oo nga, bading si alfred at sa ending e pinagtapat niya na may gusto siya kay master wayne. Kaya pala wala manlang naging girlfriend! Hahahahaha. Akala ko aaminin mong ikaw si Batman!

  5. hahah natawa ako s nga nagkoment. kc laht nainis sau pots! hehehe. ako hnd maiinis.. kc hnd nmn ako manunuod kc ang mga pinanunuod ko ung may mga iyakan. yan ang fav ko panuorin heheh! e mas wengot ako ky gordon kc ako wla tlgang alam kht ang name ng bida hnd ko alam😀

    1. naku.. ok lang yan kaye.. ako din mahilig sa iyakan, kaya lang ang sagwa kasi kapag ang isang tulad kong balbas sarado, papasok sa sinehan na drama ang tema… patay na… kaya nanonood na lang ako sa bahay… at least kahit kumot ang iiyak ko, ok lang.. walang makakaalam… at bakit ko nilagay dito sa comment at maraming makakabasa? at si gordon pa rin ang engot, kasi siya harapan na, hindi pa niya kilala.. ikaw naman ay hindi mo talaga kilala, kaya ok lang yun…

      1. Ok lng yan, mrmi n kyang balbas sarado ang nanunuod at umiiyak s mga drama ang palabas.. ay salamat ha. kc c gordon p rin ang wengot hahahah!!!

      2. ahh. yung nasa kaliwa ay ang isang kaibigan kong nakasama dito sa japan pero nasa pinas na siya ngayon.. tawag namin sa kanya ay “donja” dahil james ang pangalan niya at uso dati ang kanta ng pussycat dolls na “don cha”.. yung nasa kanan naman ay si best-true ko na si jay-r.. best true kasi best friend na, true friend pa… kumpare ko rin yan dahil may inaanak niya ang bunso kong anak.. nasa new zeland na yan at marami na ring utang… at yung nasa gitna ay ang inyong abang lingkod na si potpot.. tubong manila.. dating nanalo bilang ginoong basurero nung 2000 sa aming lugar, at modelo ng tawas na gawa sa suka… *bow*

    1. uu.. maganda.. si batman… maganda yung lip gloss na gamit niya… at parang gusto mo ring maging matang lawin dahil manonood ka ng bourne legacy ha… hehehehehe salamat sa pagbisita!! *kaway-kaway*

      1. hindi ko din alam.. text ko nga si nolan kung ano pinagamit niya kay christian.. <— feeling close…

        at talagang gabundok ang trabaho… pero tama yan.. kailangan mo ng break paminsan-minsan… all work and no play makes marrymhey a dull girl…

    1. baka kasi magtampo si steven spielberg kapag nalaman niyang close kami ni nolan.. hindi ko pa kasi ina-accept yung friends request niya sa facebook.. at sinong nagsabing ako si batman.. sikretong malutong yan… doll girl.. hmmmm why not…

      1. hahahahahah.. lakas amats eh.. :))

        kumusta mo na lang ako sa kanila..
        saka pakisabi naman, kung kailangan nila ng extra.. pwede ako.. LOL

      2. hinde.. yan yung taong nagtatangkay… so tao siya… hmmm.. halimbawa.. kapag gwapo ang nagkagusto sa iyo, sinusundan sundan ka, binibigyan ka ng kakaibang atensyon, admirer ang tawag dun.. pero kapag pangit, stalker ang tawag dun… ayan.. malinaw na halimbawa yan…

  6. Bakit di mo nabanggit yung kissing scene ni Bruce Wayne at ni Alfred nung nagpapaalaman sila? Tsaka yung eksenang dumating si Liam Neeson para isali si Batman sa Taken 2? Pati na rin yung mainit na bed scene ni Morgan Freeman at ni Catwoman sa Batmobile? Kainis ka naman masyado! Spoiler ka! Hmmmpp.

      1. hahaha…ayos lang ‘yan kuya pot, ako ata ang taong gustong may nagkekwento ng story bago ko mapanood hehehe

      2. hindi naman, natutuwa lang ako ‘pag medyo alam ko na yung plot saka yung summary…gusto kong naririnig yung mga exciting part sa movie kasi feeling ko mas nagiging interesting makita kung pa’no ginawa ng artista hehehe…spoiler

      3. ay hindi naman…hahayaan ko sila tumuklas… pero ako ayos lang na may nagkukwento habang nanonood…hehehe

      4. hahaha..hindi ko din alam…sabi ko lang trending ang hahaba ng comments eh hehehe…may thread. hehehe

      5. masipag akong sumagot sa mga comments.. para medyo may konting personal.. mahirap naman na like naman ng like kahit hindi binabasa yung post.. kaya naaapreciate ko ang mga comments ng mga naliligaw dito.. ganun din ako kapag nagpupunta sa mga blogs ninyo.. i make it a point na mag comment.. kasi naaapreciate ko ang mga post ninyo.. *tears rolling*

      6. hahaha…kahit naman kaya telenovela may background music hahaha nangimbang bansa pa talaga hahaha

      7. eh mas napapanood ko ang mga korean drama (thank you torrent) kesa sa local drama natin… saka mas naantig ako sa drama ng mga koreano… ewan ko ba…

      8. ‘sang lupalop ka ba ng mundo andon kuya? hehehe
        sabagay oo maganda mga palabas nila
        pero infairness magagaling mga script writer dito sa Pinas
        yung tipong nga-nga-nga ka s lupet ng linya!😉

      9. dati.. akala ko masyadong keso ang mga linya sa telenovela natin, ginagamit din pala sa totoong buhay yan… pramis.. saksi ako sa maraming hiritan na pang drama sa totoong buhay…

      10. saksi nga lang ba? hahaha…feeling ko nagamit mo din yung mga yun minsan sa buhay mo hahaha…ang layo na nito kay batman hahaha

      11. ooooohhh…marami cherry blossom ‘jan di ba? hehehe
        ang galing international mga katropa ko sa WP astig!🙂

      12. ang cherry blossom tapos na.. kapag spring siya lumalabas… summer na ngayon kaya basa lagi ang kili-kili ko.. international ba ang dating ko.. ehehehehe

      13. nyahahaha…international ang lugar…wala naman akong sinabing dating ah?

        pagod ka na kuya hahaha

      1. oo ba.. 3 movies na ang nakapila na papanoorin namin ngayong august.. prometheus, total recall, at avengers (na pinag-iisipin pa kung papanoorin dahil hindi na siya exciting..)

      2. may discount card kasi kami na every friday, half price ang presyo ng sine eh saktong friday ipapalabas ang mga iyan..

        at lahat na ata ng nakausap ko ay napanood na ang avengers.. hindi ko alam kung bakit natagalan ipalabas dito, nahirapan siguro mag translate ang mga hapon…

  7. waaah! di ko alam kung ano dito yung totoo o hindi sa mga sinabi mong spoilers. ahahaha! meaning to say, di ko pa siya napapanood. aabangan ko na lang ang downloaded version. bwahahahah!

    (twitter ang pangcomment account ko kasi binura ko na ang WP account ko mula nung kunin ng UST sa dati kong WP account ang isang family picture namin para sa libro nila. hmp. hehe. –Kaye of keekaye.com)

    1. pa twitter-twitter na lang si kaye.. kaya pala… ok lang.. parang kailangan kong gisingin from coma ang twitter ko.. ang hirap naman kasi mag update dun.. nahihiya ako kung sasabihin kong nasa kubeta ako at.. nag aahit ng buhok sa… mukha…

      1. bwahahahah talagang nagaahit lang. sa loob pa ng cubicle. bwahahha!

        bad trip kasi ang wordpress. kelangang maging wordpress account holder ka para makalog in ka nang regular. otherwise, para makapagcomment sa napakahalagang post mo, e kelangang twitter o FB ang registered account ko.

        seryoso, alin nga sa mga sinulat mo ang totoong nangyari sa pelikula? hahaha!

        tsaka pasensiya na kasi pagbalik ko dito e bago na ang header mo. alam kong bawal mambasag ng trip, pero bakit yan pic na yan ang ginamit mo? natatakot tuloy akong magscroll paakyat dahil nakikita ko yung pic nung tatlong kulokoy. hehehe

      2. pagpasensyahan mo na ang wordpress.. pasaway lang talaga yan… pero kinilig ako ng 8 ounce nung sinabi mong “napakahalagang post”.. grabe.. parang malilibre kita ng binggang bongga…

        pero dun sa tanong mo kung ano ang totoo sa mga sinulat ko… panoorin mo ang palabas para malaman mo ang katotohanan…

        pasensya na at nagbabago ako minsan ng header.. para kung sakaling tamarin ang mga taong magbasa, at least header pa lang, matawa na sila… at wag kang matakot, hindi nangangagat yang mga yan.. lalo na yung nasa gitna… hihihi

  8. Ahit pogi, yun din ang pansin ko sa mga pics. Haha. Ewan, pero hindi ko bet ang mga superhero movies.

    “At juice mio ang kapa ni batman, parang ginagamit sa panglanggas ng bagong tuli..” – paki-explain?

    1. medyo manipis kasi yung kapa ni batman… parang black gauze sa sobrang nipis… yung gauze kasi ang ginagamit sa panglanggas kapag bagong tuli ka.. at syempre nagpaliwanag talaga ako…

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s