matayaaaaaa… TAYA!

…matagal-tagal na rin akong hindi nakakagawa ng tag post at nagrereklamo nagpapasalamat ako kay PM para sa pag-tag sa akin.. at napipilitan nagagalak akong tugunin ang pag-taya niya na ito…

…bago ang lahat.. eto yung post niya… at ang topic ay pag-ibig… ayyy hindi pala..

…sa totoo lang, matagal ko ng nais ayusin yung “da who” page ko dahil nakalagay lang dun yung likes and dislikes ko.. at eto na siguro yung pagkakataon para makilala ninyo ako kahit papaano.. at pagpasensyahan ninyo ako kung medyo “seryoso” muna ang post na ito.. kaya pagbigyan na ninyo ako.. oktnx!

…ang slum book… ano nga ba ito? ito yung pinagpapasahan sa classroom para ilagay ng mga sangkabataan ang mga impormasyon nila na nais malaman ng nagpapasulat… so eto kung baga yung sinaunang friendster or facebook.. kasi pwede ring gamitin ito pang stalk ng mga crushes ninyo sa school… lalo na pag friend mo yung friend niya.. o ha!

…so maglalagay ako ng mga tanong dito na sinaliksik ko pa gamit ang encyclopedia britannica na binenta ng isang sales man sa halagang 10K (hulugan) pesos noong panahon na hindi pa uso ang internet sa pinas…

…ang haba ng intro ko.. pasensya na.. hindi kasi ako prepared eh.. pero game…

given the economic condition of our country and the sudden change of commodity prices in the world market, what is your favorite color? green, all kinds of green including lumot green and phlegm green…

if you were born with only 2 of your senses present, what senses do you think will be beneficial for your survival? – common sense and my sense of humor.. ok lang na mawala ang sense of direction ko at ang sixth sense ko..

given the area and volume of a regular polygon whose side is equal to 5, define love. – lagi kong ginagamit ang katagang “love is blind” oo na corny na ako, pero totoo namang hindi mo mapipigilan ang puso kapag tumibok na… kahit ano pa man o sino pa man sila…

superheroes are now the “it” thing nowadays, if you were a superhero, will you wear your underwear inside or outside your pants? – parang mas ok kapag wala na lang underwear.. mas presko… pero para wholesome., mas ok ang inside…

5 things you do when you wake up. – check ng cell phone ko, humiga pa ng 5-30 minutes, humarap sa computer at tignan kung may bago sa facebook or kung saan mag site meron pa ako, humiga uli for 15 minutes, maligo.

mahal mo dahil kailangan mo o kailangan mo dahil mahal mo?HONOBONOMONGYONGTONONGYON!!!

kunwari naputol ang kaliwang braso mo dahil sa isang aksidente, umiihi ka, at biglang nangati ang ilong mo, kakamutin mo ba o hihintayin matapos kang umihi? – kakamutin ko.. well syempre kunwari babae ako para nakaupo ako… pero kung lalaki ako, papakamot ko dun sa katabi ko sa urinal.. “pre, walang malisya, pakikamot naman… ang ilong ko..”

what do you collect? – boys i am an occasional toy collector.. i also collect comics and trading cards when i was a lad, but now, i collect PS3 games. i plan on collecting spider-man merchandise, especially toys, comics and figures. also, i plan on collecting old game consoles…

…ok.. pasensya na.. parang isa lang yata yung nalaman ninyo tungkol sa akin.. hayaan ninyo at pramis, mamatay man si batman, aayusin ko yung da who page ko… thank you uli PM.. pasensya ka na at wala kang nasagap ng info mula sa akin… hayaan mo, magpapakilala ako unti-unti.. baka mabigla ka kasi eh…

…at dahil hindi ako namimilit sa pag-tag ng kung sino-sino.. ang mga babanggitin ko ay maaring gumawa o hindi ng patungkol dito sa post na ito.. at kung talagang ayaw ninyo… hayaan ninyong umiyak ako sa isang sulok at maglaslas gamit ang likod ng bread knife hawak ang isang rolyo ng joy bathroom tissue dahil hindi ninyo pinangangahalaga ang friendship natin…

Honey

San

Juana

Apollo

Gian Carlo

Lester

Lambing

…the end…

97 thoughts on “matayaaaaaa… TAYA!

  1. Wahaha…natawa naman ako sa 5 things you do when you wake up. At tama, mawala na ang mata, ilong at iba pa, wag lang ang sense of humor mo…:)

      1. ay oo pre. putang-ina! hinabol kami ng bakla dati sa isetann. bagong salta pa lang ako sa maynila noon. paglabas namin ng pinsan ko sa cr, sinundan na kami at hindi niya kami tinantanan. lintek siya!

      1. hinde ah!! mas malupit pa rin ang sa iyo… sa iyo ko ni-pattern kaya ikaw pa rin ang winner!! *abot throphy suot crown, and suot sash kay pm*

  2. If the Philippine bananas were refused by the Chinese and Pnoy has been saying that the Pinoy bananas are still on the look out for takers in the market, ilang beses nagpakamot ng ilong (hindi ng banana, sobra ka) si Pot sa Isetann? di nga… hehe, lumang balita ‘yan, pasensya na, kapatid. ^^

    hala, pwede ka palang taga-sulat ng questions sa ms. gay beauty contest, pot. ang kulit mow! btw, may naisulat ako dating post tungkol sa recto and avenida – gawan mo kaya ng mas maganda at mas masayang version?🙂 am sure, mas papatok ang sa ‘yo, nai-imagine ko lang, as in… have a good weekend ahead, sus😉

    1. ahahahahaha! 1 beses lang ako napakamot ng ilong, at hindi na naulit… sa malamang kung ako ang napiling taga gawa ng tanong para sa gay beauty contest, maraming malulurkey.. hehehehehe.. anong link ng post na yan.. basahin ko yan.. baka nagkasalubong na tayo sa recto at avenida.. ehehehe happy weekend san!! *kaway kaway*

      1. Sa May Kanto ng Avenida at Recto ang pamagat, kapatid… aantayin ko ang okray post mo, pramis… btw, am sure serendipity experience ang isang beses na pagpapakamot na iyan, haha. ^^

        maraming salamat, ha, sa pagkakasama sa highly coveted list…
        shaks, ang husay mo siguro noong estudyante ka pa – iyang nasa post ang mahihirap na tanong noon sa school, ah? pero pwede rin namang di nasagot, haha, kaya forever na natandaan, ang pasaway… ^^

        hey, honored talaga for being in the list. duda ko, ang taas ng standards mo sa totoong buhay, ahaha.😉 kaway kaway…

  3. ang dami kong tawa dito. Mga 368. Hahaha. Sana sa krayola meron ding phlegm green, lumot green at yung green na kakulay ng kikay mong utak. Ahihihi!

    Muntik ko nang isolb yung may area at volume na regular polygon na may side na five, naghahanap ako kung ano yung number of sides. Buti napigilan ko sarili ko.

    Pwede bang magvolunteer na magkamot ng ilong mo? Tagpasin ko na lang braso mo para mas realistic. ayayay!

    1. magsuggest tayo sa taga gawa ng crayola para sa bagong mga kulay na yan… so ano tatawag dun sa isang green.. kikay green?

      sige, yung kanang braso ko ang putulin mo kasi yung kaliwa ay ginagamit ko pang.. hmmmm.. pang.. hmmmm.. pangulangot…

  4. Anak ng…..

    Bakit ba sa aking pag-eemo ay di ko nakita itong post na ito?????

    E di sana hindi ko naramdamang ako ay nag-iisa sa mundong binabayo ni Gener!!!🙂

    (at salamat na ako ay nasa unahan ng iyong listahan ng mga kaibigang gagawa ng kalokohan este ng komentaryo sa mga pinagsasabi mo, yey!!!)

    Pambihira!

    Kung ito ang mga tanong sa slumbook, ihahampas ko yan sa iyo Potpot🙂

    Pahihirapan mo ang utak ko hahaha….

    teka, teka nag -iisip ako…..

    pambihira, may lagnat ako ngayon…. alang patawad ang pagkakataon …. ngayon ko pa ito nabasa, e di OBLIGADO akong tumipa….
    🙂

  5. uy pre, salamat sa pag-tag pero humihingi ako ng maraming dispensa. ganito kasi yun. bago pa ako nagblog, nagpramis ako sa hindi ako sasali sa mga tag-tag o chain blog na ganyan. wala naman akong masamang intensiyon o pakahulugan. hindi ko rin talaga alam ang dahilan ko pero pinangangatawan ko na. haha!

    1. ayy ok lang pre.. no worries… sinunod ko lang yung rule ni PM para sa pag tag.. pero option ninyo kung gagawin ninyo.. *laslas pulso gamit likod ng bread knife*

  6. Kakainis talaga….

    Makasagot na nga rin dine…

    given the economic condition of our country and the sudden change of commodity prices in the world market, what is your favorite color?

    – “red”, dinudugo ako sa tanong mo🙂

    if you were born with only 2 of your senses present, what senses do you think will be beneficial for your survival?

    – sight and taste (sight – para makita ko ang lahat ng daan, makipot man o maluwag, mabato man o patag, mapanganib man o hindi… taste – para matikman ko ang lahat ng nakaharang sa daanan ko, namnamin ang masarap, isuka ang mapakla, mapait at maanghang)…. may sense ba?

    given the area and volume of a regular polygon whose side is equal to 5, define love.

    – Love is a door with five keys – trust, faith, care, passion, understanding and patience…

    superheroes are now the “it” thing nowadays, if you were a superhero, will you wear your underwear inside or outside your pants?

    – inside syempre! kasagwa namang outside, tapos makikita ang ruffles o kaya ung minnie mouse na prints (elementary undies hihihi)

    5 things you do when you wake up. –

    magdasal at magpasalamat na ako ay buhay pa, silipin ang mga anghel, humarap sa computer at silipin ang WP, maghain, maligo…

    mahal mo dahil kailangan mo o kailangan mo dahil mahal mo?

    – masakit sa bangs….. next question na….

    kunwari naputol ang kaliwang braso mo dahil sa isang aksidente, umiihi ka, at biglang nangati ang ilong mo, kakamutin mo ba o hihintayin matapos kang umihi?

    – ay mas masakit sa bangs! next question uli….

    what do you collect?

    – libro… (hmmm nung college ako, di ko napansin, wala na pala akong pamasahe pauwi….. naubos sa libro….hirap maglakad na mabigat ang bitbit ha? Mula Recto hanggang sa San Sebastian…..at umuulan….pambihira!)

      1. *speech* i graciously decline the award.. although i am flattered on how the government compensates us athletes… in addition.. i will subtract the multiple divisions that are the root cause of unequal treatment… *bow* *kaway* *flying kiss*

      2. na silip ko na.. mamaya dadaanan ko.. wala pa kasi akong ginagawa sa work kaya nag iisa isa uli ako ng mga blogs na hindi ko napuntahan last weekend… binaha kami ng trabaho dito sa office kaya sagaran.. hihihi..

  7. HAHAHA! Kuya, ikaw na ang official clown ko! Hahaha. Ayan kilala na kita, pag nakita kita dyan sa Japan hahuntingin kita. Magkolekta ka ng Spiderman. Maybagong komiks na yung Spidermen,nagsama sina Peter Parker saka Miles Morales. Hihihi. Wala lang. Apir! Apir!

    1. gusto kong mangolekta, kaya lang di pa kaya ng powers ng aking bulsa… hayaan mo, kapag nakabiktima ako ng sumo wrestler, magpapabili ako ng comics… hihihi.. talagang gawin ba akong official clown.. may sweldo ba ako jan?

      1. hahaha. oo nga, ako din yung iba online ko na lang binabasa. pero teka, bakit kelanganpa sumo wrestler? yun na nga e, kaya ikaw ang official clown ko kasi libre lang.Hakhak.

  8. bwahahaha! natawa ko sa lahat! paggising sa umaga at pag nawala ang kaliwang braso! LOL! At syempre… sa comments nyo ni Inay Honey ko… LOL!😀 nagkasundo ang mga “malikhain nyong utak” .. HAHA! (malikhain to make it more decent at lagot ako kay Mam Honey!) hahahaha. *takbong pang-Olympics* nyahahhahaha! at na-imagine ko naman ang pagtakbo mo Potpot na may hawak pang torch! Caman!😀

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s