balisa…

…noong dumating ako ng japan, ninais kong matuto ng kanilang lenggwahe kaya may inirekomenda ang kaibigan ko na site para sa “language exchange”… ito yung mag-uusap kayo gamit ang skype o magkikita kayo sa isang coffee shop at magpapalitan kayo ng usapin… at dahil ninais kong matutong magsalita at makaintindi ng wika nina hello kitty, eh nag-sign-up ako…

…wala pang tatlong araw ay may tumugon na agad sa paanyaya… eto yung sinasabi sa kanyang e-email…

“Hello Potpot! My name is Kokita Naro, 26 years old and would like to do a language exchange with you. I will teach you Japanese and you will teach me English? Is it ok? Hope you reply. Naro-chan”

…at nung nakita ko yung picture niya sa kanyang profile eh kulang na lang ay manigas.. yung panga ko dahil napanganga ako sa angking ganda ni Naro… at alam naman ninyo ang mga picture nila na naka “peace” sign habang naka-bikini.. japan japan! napa-isip ako na baka hindi lang english ang ituturo ko sa kanya… baka spanish na rin at arabic maituro ko kapag nakita ko siya…

…itinakda namin ang sabado bilang araw ng aming “session” at sa may istasyon ko siya ng tren susunduin sa ganap na alas-dos ng hapon… at habang hinihintay ko siya sa may labasan, eh nag-eensayo na akong magsalita ng wikang inggles dahil hindi naman ako ganun ka gamay magsalita.. pero dahil nga “kailangan” kaya todo ensayo ako para naman hindi mapahiya ang lahi ni juan…

…pagkakita ko sa kanya ay talagang napatitig ako na parang hinuhubaran may gusto akong gawin sa kanya… tulad ng ayusan siya ng buhok dahil napakahaba nito.. naka pekpek shorts siya at t-shirt na hapit na hapit na kulang na lang ay sumabog ang kung anuman ang dapat sumabog… at alam ninyo yung parang lumiwanag ang buong paligad, may kung saang hangin ang umihip na saktong sinayawan ng mahaba niyang buhok at kitang-kita ko nung nakita niya ako ay napangiti siya at kumaway na parang nais niyang yakapin ko siya at huwag ko na siyang bitawan.. yung ganung effect…

…pumunta kami sa pinakamalapit na starbucks at talagang hindi ko siya nilubayan ng tingin dahil parang may kasama akong artista sa ganda… bumili kami ng kape, mainit siya, malamig naman ako.. yung inorder naming kape…

…at habang nagpapalitan kami ng lenggwahe, eh napunta ang usapan kung nagka gf na daw ba ako ng haponesa… na mabilis ko naman sinagot na wala pa dahil nga hindi kami magkakaintindihan… na mabilis naman niyang sinagot na hindi naman kailangang magkaintindihan sa salita para magkaron ng magandang relasyon…. at dito na ako lumunok ng sunod sunod at kahit malamig sa loob ng shop eh tumutulo na parang gripo ang pawis ko mula ulo hanggang talampakan…

…ngumiti ako at itinuloy ang pag-sasanay… pero talagang makulit siya… hinawakan niya ang mga kamay ko, pinisil at sinabing, bakit hindi mo subukan magka gf ng haponesa, malay mo… na agad naman siyang tumayo para magpunta ng cr… at doon na ako kinabahan… pero naisip ko na eto na siguro yung pagkakataon na hinihintay ko.. yes!!

…nagpunta rin ako sa cr para mag ayos at dahil pakiramdam ko ay magkakaroon ng matinding putukan mamaya… dahil may festival pala sa lugar namin kaya may fireworks display… nagdesisyon na ako na sa apartment ko na lang kami tumuloy para sa private lessons naming dalawa…

…tatlo yung urinal sa may cr ng lalake at pumwesto ako sa may kabilang dulo dahil may nakapwesto na sa kabila… pero naaninag ko na parang may mali sa nangyayari.. hindi ko napigilan na mapatingin sa isa pang umiihi at nakita ko na si Naro pala yun…

…bigla akong nagising na pawis na pawis… alas 2 ng madaling araw, sabado… balisa at hinihingal… hindi ko alam kung bakit ako nanaginip ng ganun.. pero hindi ko na pinansin at humiga uli, pero pagkapa ko sa gilid ko ay may natabig akong tao… at pagtingin ko ay si NARO!!!

…at bigla akong nagising sa cubicle ng cr namin sa office… pawis na pawis at balisa.. tapos ang sakit ng pwet ko sa hindi ko malamang dahilan…

inception… hinde

constipation… oo

 

 

 

113 thoughts on “balisa…

  1. hihihihih sakit tyan ko katatawa….. and to think na tinatapos ko yung post ko maya kaunti na ang title eh “Pretty and Sexy”

    ayan kasi…. hmmmmm…. magkulot ka na lang at nang di ka pawisan ng ganyan hahahhaha

    RATED PG

    RATED Pa-Gels! hihihi

    1. wow.. pretty and sexy.. parang na excite ko na basahin yan ah.. ehehehehe… pawisin talaga ako.. kaya ganun… kahit magkulot lang ako, sa malamang mababasa pa rin ang kili kili ko….

      1. hihihi

        Japanese, Korean, Chinese, Taiwanese women have commonalities in terms of beauty… they do have flawless skin…. hmmmm….

        kahit nga kukulutin mo lang, papawisan ka… hahhahaha

      2. baka kasi may link na naman na hindi ko maabutan… at baka maghanap pa uli ako… ehehehehehe…

        sige no pressure.. take your time…. hihihi <– excited

  2. kakaiba.. nakakakilig, nakakatawa, nakaka-oh-la-lah, at nakakashock! ang galing mo talaga kuya Pots. galingmo talaga. pwede talaga tong gawing shortfilm. kung saka-sakalin magsipag ako..
    pwede ko ba gawan ng script for a short or a comics strip? galing talaga eh. hehe

    1. maraming salamat lester.. nakakataba ng puso. eheheh.. pwedeng pwede! walang problema.. pero alam mo, pag balik ko ng pinas, balak kong mag aral ng film directing… gusto ko talaga gumawa ng mga short films.. ehehehehe

      1. yey! salamat kuya pots. ayos may pagkakaabalahan na ako ngayon. hehe. kakaiba ka talaga kuya, wag mo kong kalimutan ha pag nanalo kana sa Cannes at Oscars!😀
        go for it kuya. i think you have a sharp humour with a gritty imagination.

  3. Nakakatawa ka! Grabe talaga ang mga karanasan mo, silver friend. Sa pagkakakilala ko sayo, sigurado ako pinatulan mo yun. Pinatulan mo ung toilet bowl niyo ng bongga

  4. hahaha!! sayang. sana totoo ano? hehehe.. pro kht gano kganda ang bakla mlalaman at mlalaman mo nmn kung girl or not db?

    1. ilang beses na rin akong napeke.. at one time, one time lang ha, may pinapanood ako sa tv, komedyanteng babae.. grabe, tumalon ang puso ko… tapos nung na search ko sa internet.. isa pala siyang… DARNA!!! search mo.. Ai Haruna…

    1. hindi kaya yung porn site ko yung napuntahan mo.. hihihi… medyo may hint lang ako ng pagka pilyo pero kahit maging wholesome ang post ko, lumalabas na malaswa pa rin eh.. hihihi salamat po sa pagdalaw at pagbisita!!

      1. kung mag-aaral lang kami, ok lang.. at sisiguraduhin ko na hindi mangyayari ang panaginip na yan… at natakot uli ako sa tawa mo… *look of doubt*

      1. hahaha, dami mo nga sigurong chicaaaabebs jan😄 Hilig mo sa mga Japan Japan nu?😄 Asuuus! hahaha Napabalita pa nga ang pagkahaliparot mo sa Bandila at TV Patrol World HAHAHA!

      2. naku.. kung marami akong chikababes eh di sana mahaba na ang hair ko… at kahit mahilig ako sa japan japan.. hindi mahilig ang japan japan sa akin… at saan mo nabalitaan yang pagkahaliparot ko sa cbncbn ha?

      3. hahahahahahhahahaha! “cbncbn” hahahaha! galeeeeng mo talaga. XDD kasi nmn siguro yang buhok mo nahihiya pang tumubo, haha, busy ka kasi msyado, yan tuloy, di mo napanood sa cbncbn😄 ahh basta, mga mahaliparot na langaw na bahala sa mga kung sino man mga mahaliparot dyaan >_> hahahha

      4. ~haliparot bukid.. bukid haliparot… yiheee!! yung buhok ko hindi na talaga tutubo.. pero yung bigote ko at balbas ang patuloy na lumalago… na-record mo ba yang palabas sa cbncbn na yan? ayos ba make-up ko dun? hihihi…

  5. Blockbuster itong post na ito. Haha. Nag-enjoy ako at lalong naging interesado sa iba mo pang mga katha. Good Job. Mukhang Funny and Naughty ang theme ng napuntahan kong blog.🙂

    1. pwedeng funny n alang.. bakit kailangan lagi akong naughty? wholesome naman ang image ko.. pero sige ok lang.. welcome mrbeancent.. isang malupit na yakap na walang malisya jan.. *yakap na may kagat labi*

    1. maraming salamat patriot! isang karangalan ang bisitahin mo ang aking maliit na tahanan… siyanga pala.. balita ko ay nasa japan ka rin.. sabi ni honey.. ehehehehe na chismax na agad!

      1. isa yan sa mga pangarap ko, pero baka hanggang pangarap na lang dahil pang rated x ang mga post ko… saka na siguro kapag nakahanap ako ng sugar mommy na magfifinance.. ehehehehehe.. maraming salamat talaga kaibigang patriot.. pwede kitang tawaging kaibigan di ba?

      2. ahahay!! binisita ko nga ang blog mo at informative siya.. marami akong matututunan.. parang susuyurin ko rin ang mga post mo.. ehehehehe.. maraming salamat uli.. hihihi

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s