olympic diving practice…


…if a picture paints a thousand words, then bakit video ito?…

177 thoughts on “olympic diving practice…

      1. si bonus yung prof din sa math.. baka hindi mo na naabutan yun dahil namatay na.. saka may pagkamanyak yung si bonus.. si bingo ang hindi ko kilala.. eheheheh

      2. limang professors yung bingo. pinagsamang mga first letter ng mga apelyido nila. yan yung mga terror doon. si bernardino (for b) ang naging teacher ko sa calculus. linsyak na yan, araw araw akong nasa chapel noon sa laki ng takot ko sa kanya. seryoso. araw araw pre!

      3. uyy naging prof ko din yang si bernardino.. babae yan di ba? ang malupit na balita sa kanya, nung naging estudyante niya ang anak niya, pati yun binagsak niya…

      4. Prof. Edilberto Bonus was a champion swimmer “having won the Bronze Medal at the first Asian Games that was held in New Delhi, India in 1951” and was coach of the Cardinals’ swimming team which “won no less than 40 titles in the seniors division and 22 in the juniors” in the NCAA. (Source: wikipedia)

    1. nakalagay na siya… kasama na nga yung pagtulay kong naka blindfold sa alambreng nilagyan ng lighter fluid at sinindihan… saka yung pagkain ng bubog na may asin…

    1. Ay feeling naman itong si Reyna Potsky! nakiki-ate ke Ate Joff, ang Diyosa ng aming bulubunduking Cool na cool, hihihi🙂 Ay pero dahil tingin mo sa akin ay 27 lamang, bibigyan kita ng 1 year supply ng dugo… Type A, B, C, AB, at ang pinaka royal sa lahat, Type ABCD!!!

      hmp! *hands akimbo

      kaya naman pala walang gold ang swimmers natin sa olympic, ganito ang practice! pambihira!

      Ang galing mo! nagkasya ka? weeeehhhh di nga?

      1. eh pwede ko naman daw siyang tawagin kahit ano… so hindi ko na siya tatawaging ate… sa malamang kung ako naging coach nila, panalo tayo lagi.. hihihi.. at oo nagkasya ako.. hehehehehe…

    1. yung kapitbahay yun, ang ingay nga nila… tsura nila.. hehehehe… handa kong tanggapin ang 15 seconds of fame ko… may cash prize ba kapag naging you tube sensation?

      1. Panandaliang nakalimutan na ako ay may asawa na… Nabighani ako sa mga kembot… NI KENNETH!!! AHAHAY!!! Awwwwwooooooo!! Pero ang lupit mo honey ha… Napatigil ako sa pagjogging para matitigan mabuti ang bawat indak at kembot… Napanganga ako ng wala sa oras… Panalo!!

      2. ay ako ba ang pinupuri mo o si kenneth heheheheh…. model/ dancer na iyan ngayon… di na nurse hahahaha…. o ayan, quits na tayo… wala nang black mail hahahaha

      3. amm pwedeng fb mo na lang ang makuha ko? hihihi.. ayy oo! panalo sa kembot! tulad nga ng sinabi ko.. napatulala ako ng mahigit 3 minuto.. ang lupit!

      4. nyahahhaha! sus, i-search mo na lang. congrats ‘pag makita mo. *biglang nagbabago ng privacy settings* LOL.😀 joke lng! search mo na lng, Pot! Madali naman mahanap eh.😀

      5. ahhahaha.😀 may istorya yan princess manok😉 pero next time ko na kwento dahil mag-prepare na ko for work. hahaha! sana masearch mo na ko.. este yun fb ko. para mas madami pictures! hahaha😀

      6. nasabik pa naman ako kasi nakita na rin kita sa fb… tapos biglang.. walang add buttong.. wala ring message button.. naglugmok na lang ako sa banyo habang nasa shower sa kalungkutan…

      7. Oi nix and potpot… kayo ba ay nagpanagpo na sa FB? hahahaha at talagang gustong ibenta si kenneth🙂 gwapings yan potpot kaya lang baka ma-charge ka, underage yan hahahaha

      8. naku! corruption of minor ba kung sakaling maging “friends” kami ni kenneth… ehehehehe… pero hindi pa kami nagtatagpo ni nix sa fb.. pero kung papayagan niya.. *kilig*

      9. hahahahah

        ikaw talaga🙂

        magaling din magsulat yang si kenneth, pareho ata ni nix, cum laude din… hmnnnn… baka.,… di ko sure…pero malamang….

        sige kumbinsihin mo🙂

      10. naku hindi naman… yan ang mga yan ang magandang i-giide kasi nga bagong sibol na may kakayahan di ba? pero naku wag ka naman, students ko nga dati ang mga iyan at ako ay naging mentor-TORMENTOR, pero naku ngayon, after gra nila, da-barkads na kami ng mga iyan…napakasayang mga kasama…at ako ay kayang kaya nang biruin…ay hindi, buskahin hihihihi🙂

      11. ahahahahaha! ganun ata talaga… tapos na ang torture days mo sa kanila honey.. ehehehehehe… marami akong maituturong guide kay kenneth.. este kay nix kung magiging “close” kami… hihihi <— landeh mode..

      12. ganito kasi yan honey, kung si nix ay gagawin kong tulay kay kenneth, eh sa malamang mahulog ang loob ko kay nix.. may history ako na sa bridge ako nadedevelop… kaya ang plano ko.. si kenneth muna ang kaibiganin ko, para magpabridge papunta kay nix.. ahahay!!

      1. ako talaga yun… nag iiba lang ang mukha ko depende sa hairstyle at haba ng balbas at bigote.. yung katawan as in na yan.. wala na akong magagawa.. hihihi.. hindi ako tumatanggap ng peace eh.. ammm hug na lang na walang malisya ok na… <– anlandeh!

      2. naku naman, di ko na nga binanggit na maliit ung salbabida at sobrang laki ni POt-pot, haha, kaso mo binanggit mo, ayan tuloy, binanggit ko na rin. nagkabanggitan na talaga. ahehehe.

      3. nyahahhaha! sabi ko lang, maliit ang salbabida.😛 kinuwento ko nga sa office friends ko.. ang conclusion nila.. stretchable ang salbabida!! Hahahahha! Naloka ako!😀

  1. hello, Pot… oa ka naman, di ka naman mukhang goon, extra large lang, whehehe. at di agad tumatayo habang may nakahain pa…. biro lang, theory ko ‘yon, hihi.

    kapatid, madaya ang gravatar mo. di ka rin naman mukhang goon do’n, mas mukhang barbero, whihi. oo, do’n sa barber shops na naka-short sleeves na barong ang maggugupit tapos, may labaha pang gamit. o, tanda mo ‘yon?😉 ako kasi dati ang dakilang tagasama (taga-pwersa) sa barberya sa nephews namin.

    teka, kaya pala may i ask ka ng bloody red at malanding orange, kasi pink pala ang hilig mong kulay ng belt, pambihira…😉 btw, sa next vid, aabangan kitang nakasuot ng fuschia, ha.😉 happy weekend!

    1. totoo yan, hindi talaga ako tumatayo agad kapag kainan… hihihi…

      ahahaha.. mahaba pa buhok ko dun.. saka galing lang akong office… kaya mukha pa akong tao… pero kapag walang pasok sa office.. mukha na akong dugyot… at barbera ka pala dati.. magkano pagupit?

      pink is the new black.. ika nga ng mga barako.. ehehehehe.. sige.. kapag sinipag akong magjumping uli sa pool.. gagawin ko uli yan… hi san!! sensya na late reply ko.. daming kaganapan nung weekend eh… *kaway kaway*

      1. hala pa, yon nga ang nakakataba ng bandang gitna at kabrasuhan, kapatid. ‘yong hanggang may nakikitang nakahain ay may i kain ng walang pag-aalala at pagtutumpik-tumpik, hihi.

        o, sya, kung dyan ka masaya sa pagsasabing dugyot at mukhang goon ka, e, ba’t ka pipigalan? go, kapatid… basta alam namin ang totoo, ang totoong ginawa ng nanay mo ang lahat para magmukha kang pogi at katanggap-tanggap habang ginagawa mo naman ang lahat para laging maitaob ang kaldero at kaserola, hakhak.😉

        oo, cool ang fuscia and leopard design sa kasuotan basta kaya noong nagdadala, as in. oo, barakong-barako ang magiging dating mo, pramis.😉 kaway-kaway sa iyo!😉

      2. nung bata kasi ako, training sa akin ng mga magulang ko na ubusin ang pagkain sa hapag.. wala akong K mag-inarte dahil maswerte nga kami dahil nakakakain kami ng 3 beses sa isang iraw, yung iba nga walang makain eh… so sino ba ako para tumanggi sa grasya.. hihihi.. pero pramis, nagpipigil na talaga akong kumain ng marami.. hindi na rin kasi ako bata na mabilis magsunog ng taba sa katawan…

        sabagay.. pinilit talaga ng mga magulang ko na magmukha akong tao… <– parang dati eh mukha akong hayop.. pero pagkain talaga ang weakness ko.. nagtayo ng aako ng potpot foundation dito sa office na kapag may tirang pagkain eh sa foundation ko na lang ibigay… hihihi

        hindi ko pinangarap magsuot ng mga makukulay na damit.. dahil nga mestisong negro ako, kaya alam ko na hindi babagay sa akin ang mga ganyang kulay… hihihi.. *kaway kaway* good afternoon san!!

      3. hihi. sana’y isara mo muna ang foundation. nakow, sa opisinang pinoy, eating is the number one socialization activity, kapatid. talo ka pag ganyan, nakikini-kinita kong dagsa ang well-meaning donors, naman…^^ isara mo muna kaya?😉

        o, sya, pink na lang muna ang kakulayan. dalasan mo na rin ang swimming for the olympics at nang mapabilis ang exit ng istasyong himpilan ng salbabida, hihi. ^^ hakhak. hayy, naku, may times na tumataba rin ako at naaalis na lang bigla ang butones ng blouse, as in… buti na lang, hindi ngayon ‘yown. hakhak….kaway, Pot!🙂

      4. pinasara ko na, kaya lang madami pa ring donations na dumating.. hihihi

        ako din.. yung butones din ng blouse ko eh natatanggal.. at parang mali ata yung pagkakasabi ko.. butones ng POLO!! ayun.. polo… hihihi… buti ka pa… *kaway kaway* hello san!!

  2. comment pa lang box office ka na rito. hehehe. buti ayos ang comment ko una rito. may problema na ako nyayon sa commenting gamit ang hoshi jr ko e.

    mabuhay sa pagsikat mo, wag mo kaming kalimutan ah.

      1. hindi naman.. para sure lang.. kasi parang once you go whack.. you’ll never go back.. hihihi… hala ayan na.. nagmamanifest na ang pagiging sira-ulo ko…

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s